12

29 12 0
                                    





Nakauwi narin ako sa bahaayyy

Salamat lord! Naka uwi pa ako sa bahay.

Pumasok ako ng bahay, at bumungad sa akin ang katahimikan, nakita ko si mama di kalayuan sa counter na parang umiiyak.

"Ma?" tanong ko sakanya habang palapit ng palapit ako kung saan siya naroon.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Anong nangyayari po sa inyo?" tanong ko kay mama habang tinitingnan siya kung okay lang siya.

"Wala, kasi itong sibuyas eh" sabi ni mama, eh bakit kailangan niyamg umiyak?

Napatingin ako she's s slicing.

"Eh?" hindi ako maka paniwala sa mga sagot ni mama

Tanga, bakit? Hindi ka pa ba  umiyak ng dahil sa sibuyas?

"Sige na pumunta kana sa room mo, mag bihis ka at kakain na tayo" sabi ni mama.

I just nod.

Sinumod ko si mama at pumunta sa kuwarto ko nilock ko yung door koat humiga sa kama, nakita ko naman si Bita na pumunta sa gilid ko.

"Bita!! Na miss kitang aso ka!" sabi ko at nilaro yung aso ko. Hindi naman siya pumalag sa ginagawa ko.

Tumayo ako at magbihis ng damit na pam-bahay at humiga ulit.

Ang moody talaga ng lalaking iyon!

Bigla namang pumasok sa isipan ko si Rhett ang abnoy niya talaga

Pumunta na ako sa ilalim at tumungo sa kusina kakain na kasi ako dahil gutom na talaga ako. 

"Yah!! Wah mong ubusin!" sogaw ko kay kuya na bagong dating, kumakain siya, nakita ko sa pinggan na kaunti nalang ang pagkain.

"Ano kaba?! Kumuha ka doon!" sigaw niya at inilayo yung pagkain sa akin.

Patay gutom!

"Eh akin yan eh!" sigaw ko at umupo sa tabi ng upuan niya.

"Tsk! Ang tagal mo eh! Kaya kumuha kana doon, at isa pa hindi kaba nahihiya sa pinanggagawa mo? Sumisigaw sa harap ng grasya, marunong ka nga gumalang at ilagay yang pag ka abnoy mo sa tamang lugar?" pagtataray niya sa akin.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Tumayo ako at kumuha na ng meryenda at tumungo sa kuwarto ko.

Gumawa ako ng homework ko, ayaw ni Dad na mababa yung grades ko eh.












  







    ●● K I N A B U K A S A N ●●

Lahat ng students ay nagkasayahan dahil walang pasok ngayon, tinitimgnan ko lang ang mga kaklase ko na nag kukuwentuhan at naglalaro, habang ako naka upo sa, ilalim ng puno na malapit sa field kasama si Hailey.

Siya lang ang babae na kaibigan ko sa school nato, exept kay Kiera.
"Inaaway kapa ba ni Rhett?" tanong sa akin ni Hailey habang tinatanaw ang mga naglalaro ng soccer sa field.

"Hmm, minsan Oo pero minsan Hindi," sabi ko.

"Mabuti naman kung ganon, nakakaloka ah" sabi niya at tumawa "Minsan tinutulungan ka niya minsan inaaway, yung totoo may sakit ba siya sa utak?" natatawang sabi ni Hailey, siya lang siguro ang babae na hindi galit sa akin.

HOPELESS ROMANTIC (ON GOING ) Where stories live. Discover now