Nasa bahay ako ngayon nakatulala sa tv, naramdaman ko na kinalabit ako ni kuya sa balikat. Kaya napatingin naman ako sakanya.
"Parang malalim yung iniisip mo ah" sabi ni kuya habang napatingin sa pinapanood na NBA.
malalim talaga, tango lang ang nagsilbing sagot sa tanong niya. Wala ako sa mood para makipag kulitan sakanya.
"Ano ba yung pipiliin mo? Kaibigan mo o mahal ng kabigan mo na mahal mo?" tanong ko sakanya.
Napatigil naman siya sa sinabi ko.
>.<Wahh! Baka magalit to!
Nilaro laro ko lang yung daliri ko habang tutok na tutok siya sa akin. Mali ba yung tanong ko?
Nagtanong lang ako diba?
"Bakit mo naman yun natanong?" naka taas yung mga kilay niya habang tinanong niya sa akin yun.
Humarap ako sakanya at huminga ng malalim
"Gusto ko lang malaman yung tama at mali" naka nguso kong sagot sakanya.
Ngumisi naman siya at pinitik yung noo ko napa hawak naman ako sa parte ng noo ko na sobrang sakit.
"BAKIT BA?! ANONG MALI DUN?"
Sigaw kong tanong sakanya.Eh bakit ba kasi kailangan niya pa yung gawin pwede niya naman sabihin na hindi ko alam, aba malay ko, maraming sagot sa isang tanong!
"Pag-aaral mo yung pagtuonan mo ng pansin! Naiintimdihan mo?!" sabi niya at tumayo pagkatapos tinapon sa akin yung remote na nasalo ko naman
Napabuntong hininga nalang ako.
"Nagmahal lang naman ako diba?" naka ngisi kong tanong sakanya na nagpatigil sa paglakad niya.
"Magmahal ka sa tamang lugar sa tamang oras dahil ang sakit ay hindi panandalian kundi pangmatagalan" sabi niya at pinatay yung tv at nagtungo na sa kuwarto niya.
Hindi ko napigilan yung sarili ko at tumayo ako "Kuya! Alam mo naman pala na pangmatagalan bakit hinayaan mo siyang masaktan ng ganun?" tanong ko sakanya.
Yumuko lang siya at may nabuong ngiti sa mga labi niya.
"Alam mo yung trial and error? Ganun yun" sabi niya at tumawa ng bahagya.
"Kuya, alam ko na" sabi ko at lumapit sakanya at hinawakan yung magkabilang balikat niya.
"Wag mong hayaan na masira yung pagkakaibigan niyo ng dahil lang sa bagay na yun" ngumiti ako
Alam ko na mahirap mawalan ng kabigan mas lalo na kung malapit kayo sa isa't - isa, at isa pa sobrang tahimik ni kuya noon pa man, kaya noong mga bata pa man kami, ginawa ko lahat para mailabas siya sa kulungan ng katahimikan pero nabigo ako, hanggang napag alaman ko na gumawa ng paraan si mama para magkaroon ito ng mga kaibigan.
"Hindi ko na siya kaibigan, at wag kang sumali dahil hindi ka kasali!" sigaw niya napa pikit ako sa lakas ng boses niya.
Alam ko na nagmahal siya, pero hindi yun ang sapat na rason para saktan niya ang ibang tao.
"Ang selfish mo kuya" sabi ko habang na naka pikit pa rin ang mga mata ko.
"kaya pala ang lalim ng iniisip mo dahil yan pala ang iniisip mo?" tumawa sa ng mahina sa simabi niya.
Minulat ko yung mga mata ko, at tumingin sakanya. "Hindi kapa nagmahal pero makapag sabi parang naranasan mo na" sabi niya.
"Minamaliit mo ba ako kuya? O sadyang tama lang talaga ako—-" hindi ako natapos sa sinabi ko ng sinuntok niya yung wall kaya nanlaki naman yung mata ko.
>,<
Okay ayoko ko na tumakbo na pako pataas, parang madadapa na ako mabuti naman at nabalanse ko yung mga galaw ko binuksan ko agad yung pinto ng kuwarto ko at sumandal sa likod ng pintu an ko
Hindi nga ako nagmahal pero hindi ako ganun ka sakim sa pagmamahal.
WAAAHH!! Ang corny ko sht ano ba yung iniisip ko?
●︿●
Pumunta ako sa veranda ko, Sorry kuya kung sinagot kita. Ayaw ko lang na mabulag ka sa katotohanan.
Kapatid kita at gagawin ko ang tama kung hindi mo man kaya, tutulungan ko siya sa ayaw at gusto mo.
Sa ganung paraan walang masasaktan sa inyong dalawa.
Matatapos rin ito.. At hahanap ako ng paraan kuya, wag kang mag alala.
Napagdesisyonan ko na mag shopping na mag isa bibilhan ko si mama ng flowers, birthday niya pala ngayon, nag away pa kami ni kuya
T_T
Paano na mamaya? Palakad lakad ako ng nasulyapan ko ang glass wall ang isang lalaki na kumakain kasama ang isang babae, pinagtingnan ko ng maigi dahil ang fammiliar niya.
Lumapit ako, hindi ako makapaniwala... Bakit?
Si papa may kasamang iba?
Hindi ko maiwasang umiyak, maraming tao na dumadaan sa harapan ko pero wala akong pake.
Nakatingin lang ako kay papa, na tumatawa sa kasiyahan at ako naman umiiyak sa kalungkutan.Masaya ka na nga, tama si kuya at mama. Pero bakit pa? Mahal po parin kita. Kahit masakit, pero ama parin kita.
Naramdaman ko ang kirot sa puso ko at napa atras ako ng paatras, ang sakit sobrang sakit.
BBBBBBBBBBEEEEEEEPPPPPP
Narinig ko ang busina ng sasakyan na palalit sa akin. Naramdaman ko na nanginginig ang mga binti ko sa takot.
Ng biglang may humila sa akin at pinalupot yung kamay niya sa bewang ko at sinuportahan yung likod ko para hindi ako mahulog.
Tumigil yung sasakyan at bumaba yung driver sa sasakyan at padabog itong lumapit sa amin.
"Magpapakamatay kaba?" tanong ng isang lalaki na galit.
Sasalita na sana ako ng magsalita siya para sa akin.
"Pasensiyahan niyo na po siya, may problima po kasi siya sa utak kaya hindi siya makapag isip ng tama" sabi niya at inayos ko ang tayo ko.
"Aba! Bantayan mo yan! Parang magpapakamatay yan eh!" sabat pa ng lalaki sakanya.
Kumuha ng wallet siya ng wallet at kumuha doon 500 at binigay yun sa lalaki.
"Ito 500 maghanap ka ng matinong kausap" sabi niya at hinila na ako paalis doon
Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa likod niya ang ganda talaga ng pangangatawan ng lalaking ito
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang naglalakad pa rin kami.
"Hindi ako umiiyak" sabi ko at pinusan yung mga luhang namumuo sa mga mata ko
"Eh ano yang patuloy sa pagbagsak na nanggagaling sa mga mata mo?" tanong niya at humarap sa akin
Bakit ang guwapo niya ngayon?
Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at tinitingnan ang badwat luhang bumabagsak sa pisngi ko.
"Panget ka na nga pumapanget kapa" sabi niya at inayos yung buhok ko.
Nakakahiya ang ginagawa namin nasa gitna ba naman kami ng daanan ng mga tao.
/(ò.ó)┛
"Tsk, wag ka ng umiyak! Baka isipin pa nilang sinaktan kita!" hindi ko napigilang yakapan siya at humugulhol mg iyak sa dibdib niya,
Mokong salamat dahil andito ka ngayon para guluhin yung araw ko sa magandang paraan..
He tap my head and sigh.
"Beautiful girls don't cry" sabi niya, sa bawat hikbi ko naramdaman ko na niyakap niya ako
In darkness there's a star, and it makes me think how wonderful it is.
YOU ARE READING
HOPELESS ROMANTIC (ON GOING )
Teen Fiction1. PLAY GAME WITH HIM 2. DONT FALL FOR HIM malagpasan ko kaya to? Mananalo ba ako sa larong ito? This game will be over, at sino kaya ang mananalo sa larong ito? I Xevanine Ranye Dallas, I play games with Rhett Nixon