11

32 11 8
                                    





Sasampalin na niya sana ako pero  pumikit naman ako agad, hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isipan ko kung bakit ko yung sinabi, dahil siguro punong puno na ako?

Ilang segundo pa pero hindi talaga dumapo ang kamay niya sa psingi ko napamulat naman ako at nakita na hinaharangan pala ni Nikolai ang kamay ni Rhett na dadapo na sana sa aking pisngi.

"Babae siya Rhett, bakla kaba?" nakangising tanong ni Nikolai lumayo naman ako sa dalawa baka masuntukan pa ako ng isa sa sakanila.

"Hindi mo nakita ang nangyari" sabi ni Rhett na walaang ekspresyon ang makikita mo sa mukha niya. "Umalis ka nga dito bakit mahilig kang sumali ha?!" sigaw ni Rhett kay Nikolai.

"Pwede bang itigil mo yang kagaguhan mo! Be mature enough and accept the truth!" sabi naman ni Nikolai iniwala ni Rhett ang kamay niya na hinaharangan ni Nikolai.

"Paki-alam mo ba?" tanong ni Rhett na naka taas ang kilay nito.

Naramdaman ko naman na lumabas ang mga kaklase namin dahil sa mga nagyayari sa classroom namin. Hanggang tatlo nalang kami sa loob ng kuwartong to.

"Matagal ko ng tinanggap, matagal ko ng kinalimutan kaya wag mo akong pagsabihan dahil wala kang alam" sabi ni Rhett at tinulak si Nikolai palayo sakanya.

Bigla namang pumasok si Veronnica at nanlaki ang mga mata nito ng makita si Nikolai at Rhett na magkasama.

Haysss ako naman yung may kasalanan 

"RHETT!" sigaw ni Veronnica kay rhett

Nakita ko naman si Nikolai na papalapit sa akin at ngumiti, namalayan ko nalang na nasa labas na kami ng classroom.

"Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong niya sa akin, tumango naman ako na nagsilbing sagot ko.

"Salamat ah, palagi mo akong nililigtas kay Rhett" sabi ko na nakayuko nahihiya na ako!

"Haha wala yun, walang classes ngayon hanggang third period kaya gala muna tayo!" sabi niya, nakita ko na bitbit niya yung bag ko at na una na ng lumakad.

Sumunod naman ako sakanya, nakita ko na nasa likod kami ng school, nakikita ko lahat ng mga buildings dito.

"Ngayon ka lang naka punta dito ano?" tanong niya at umupo sa damuhan na naka harap sa magandang tanawin.

Eh transferee ako eh malamang

"Hindi ko alam yung tungkol dito" sabi ko at umupo na medyo malayo sakanya kinuha ko naman yung bag ko na malapit sakanya.

"Ano ba yung ginawa mo bakit nagalit yun?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.

"Ayun nga eh, wala naman akong ginawa pero, siya tong lagi akong inaaway, minsan mabait minsan abnoy, amg moody niya sobra!" sabi ko at binuksan yung bag ko.

"Tsk, yung lalaking yun hindi na talaga ng bago," sabi at may kinuha sa bulsa niya.

"Gusto mo?" inilahad niya yung fres sa akin kinuha ko yun at tiningnan yung likod

Let's be friends

Akala ko kung ano na let's be friends lang pala.

"Salamat"



















Ilang oras kaming nagstay doon sa likod ng school, ang saya palang kasama si Nikolai, abnoy rin pala yun HAHAHA.

Bakit kaya ang bait sa akin ni Nikolai?

"Bilisan mo na diyan sismula na tayo maya-maya" sabi ni Hailey classmate ko siya ngayon eh.

"Sige" maikli kong sagot at lumabas na ako at tumungo na sa swimming pool, ayaw kong mag swimming eh, kailangan daw. Peste.

HOPELESS ROMANTIC (ON GOING ) Where stories live. Discover now