17

33 12 10
                                    



Nakatuon lang ang pansin ko sa mga shop at buildings na nadadaanan ng sasakyan ni Rhett.
Sumulyap ako sakanya at patuloy lang siyang nagdrdrive. Bakit niligtas niya ako kanina?

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya at sumulyap sa akin ng sandali.

Tiningnan ko ang bulaklak na binili ko kanila lang. Sinamahan niya na rin ako sa pagbili mg bulaklak.

Tahimik lang ako at hindi sumagot sa tanong niya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin.

"Uuwi---" hindi ko natuloy yung sinabi ko ng niliko niya ang sasakyan at pinabilis ang takbo ng sasakyan.

"Hindi ka uuwi ng ganyan, malulungkot yung mama mo" napatingin ako sakanya.

Paano niya naman ba nasabi iyon?

Malulungkot si mama dahil umiiyak ako dahil nakita ko si papa na may kasamang iba?

Pero dapat malaman iyon ni mama.. Tungkol sa mga nakita ko..

"Uuwi ako!!" sigaw ko sakanya.

Hininto niya yung sasakyan at nasusbsob naman "Ano ba? Hayaan mo nga ako!" sigaw ko at aalisin na sana ang seatbelt ng pinigilan niya ako.

"Aish! Bakit ba ang kulit mo?! Sabing wag kang umuwi eh!!" sigaw niya higpit na hinawakan ang mga kamay ko.

"B-bakit ayaw mong umuwi ako?" bakit ba kasi nauutal ako?

"Tsk! Sumunod ka nalang okay?! Look I-i have something to-" bakit siya nauutal?

"Ano naman yan?!" tanong ko sakanya tinarayan niya ako.

"May ipapakita ako sayo okay? Kaya mamaya kana umuwi!" sabi niya at inayos yung upo niya

Huh?

Problima nun?

"Hindi ako interesado sa kung ano man iyon okay?" aalisin ko na sana ng pinigilan noya naman ako.

"Anak ng! Pwede ba! Sumunod ka?! Naiinis na ako ah! Hindi pa ako pumapatol sa babae baka gusto mong ma una?!" shoks! May tama ata to ah.

"Pake ko ba? Atsaka hindi naman ako nagsabi sa isasama mo ako!" tinarayan ko siya

Inis niyang ginulo yung buhok niya at kinagat ang labi at walang ano mang hinampas ang manobela.

Kaya naman napatigil ako.

"Sumunod ka sa mga sinabi ko habang hindi pa ubos yung pasensiya ko" sabi niya at nanlisik yung paningin niya sa akin.

Parang napako yung pwet ko sa upuan na ito sa cold niyang sabi, bakit inutusan ba siya?

"Pero--"

"TUMAHIMIK KA NGA!" hinampas ko siya ng shoulder bag ko.

"BAKIT KABA NANINIGAW?! NASA BUKID KABA?!" Sigaw ko naman pabalik sakanya.

"WAG KA NALANG KASI MAGSALITA! YOUR VOICE IS ANNOYING YOU KNOW THAT?" ano my voice is so annoying baka gusto nitong marinig akong kumanta.

"DAMN YOU!" Sabi ko at tinakpan yung mga tenga ko.

Tiningnan niya lang ako

"Aba! Akalamo----"

"Blah blah blah blah blah blah your a bastard" sabi ko at pinikit yung mga mata ko.

Baka galit nato HAHAHA

"tsk bakit ko pa kasi ginawa to?"

"Anong sabi mo?" nanlaki naman yung mga mata niya.

"I said shut your f*cking mouth" sabi niya at pinag patuloy yung pagdridrive.

HOPELESS ROMANTIC (ON GOING ) Where stories live. Discover now