JULIA'S POV
FLASHBACK
Palabas na ako ng locker ko ngayon. Nilagay ko kasi yung mga librong hindi na kakailanganin. Sabado naman kasi bukas so hindi ko talaga yun kailangan.
Habang naglalakad ako may isang familiar na boses yung tumawag sakin.
"Julia!"
Lumingon ako at si Drake pala yun O.O
Lumapit siya sakin. "Uhm.. Papunta ka bang canteen? Sabay na tayo?"
"A-ah s-sige."
Ano ba to? Bat ako nauutal >_<
Naglakad na kami papuntang canteen.
AWKWAAAARD.
"Hmm. Kamusta?" He broke the awkward atmosphere.
"Okay naman. Maganda parin. Haha joke. Ikaw?"
"Ayos naman. Gwapo parin. Haha."
"Ang hangin mo! Haha" Asar ko.
"Ikaw din kaya." Sabi niya sabay belat.
Ang cute haha-- Wait. Anong sabi ko??? Joke lang. Ako yung cute.
Nakarating na kami sa canteen at naghiwalay na kami.
END OF FLASHBACK
Hindi ko naman ipagkakaila na gwapo talaga si Drake.
Sa D Tres, siya yung pinakamabait at friendly kaya siguro maraming nagkakagusto sakanya at isa na ako dun. ~^_^~
KATH'S POV
Pauwi na kami ngayon. Ihahatid ko si Juls dahil hindi daw siya susunduin ng driver nila.
Habang naglalakad...
"Kath! Juls!"
Tumalikod kami at nakita namin si John na papunta sa amin.
"Hi John." I greeted and smiled.
"Hello. Ako na magdadala ng books mo." Sabi niya at kinuha yung books na dala ko.
Walang dalang books si Julia dahil nilagay na raw niya ito sa locker niya kanina.
"Nuxxxx! Gentleman." Pangaasar ni Juls kay John.
"Gwapo eh." John.
"Mabuti talaga mainit ngayon noh Juls? May maitutulong talaga ang pagiging mahangin ng mga tao." Asar ko pero hindi ko tinignan si John.
Natawa naman si Juls ng todo.
Sa peripheral view ko, nakatingin si John sakin. Pinipigilan kong tumawa.
Tumingin ako sakanya at...
"HAHAHAHA! Barado ka noh?" Sabi ko habang tumatawa
Natawa din siya. Ang gwapo talaga ni crush oh. ^_^
Ginulo niya buhok ko.
Hinatid niya kami sa gate dahil nandun na yung driver ko tsaka siya pumunta sa parking lot.
DANIEL'S POV
"Yowwwn! Haaay, Nakakapagod naman neto. Palagi nalang akong nananalo." Sabi ko at nagnew game nanaman.
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.