TIMY - 16

113 1 0
                                    

DANIEL'S POV

"OH MY GOSH! JEROME!"

Napatingin kami sa sumigaw. Lumapit siya kay Jerome.

"Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni Alex kay Jerome. Tumingin sakin si Jerome kaya napatingin din si Alex. Lumapit sakin si Alex at,

"Ano bang problema mo?! Lahat nalang ng tao dito, sinusuntok mo. Porket ba anak ka ng mayari gaganyanin mo na ang mga students dito?! Ang sama mong tao! Ang sama sama!" Sigaw niya

Bat nadamay lahat ng students dito? Eh si Jerome naman yung topic? Tanga. Tapos sakin pa niya sinisisi hindi naman ako yung nauna.

"Excuse me lang ha, hindi ako yung nauna! Kita mo to ha?!" Sabay turo sa lips kong dumudugo.

Umirap lang siya tapos tinulungan si Jerome tumayo. Tss. Lampa. Kinuha ko na yung bag ko tapos umalis na. Pumasok ako sa CR ng tambayan namin at tinignan ang sarili ko sa salamin. Takte ang sakit nang lower lip ko. Bwisit yung Jerome na yun. Kumuha ako ng first aid tapos ginamot ko. Narinig kong bumukas yung pinto, baka sila Drake. Sila lang naman ang may alam ng password eh. Yep, may passcode at kami lang ang nakakaalam neto. 8737 yung passcode meaning TRES.

Kumuha ako ng towel tapos nilagyan ng ice. Paglabas ko nakita ko sila Drake na kumakain sa table. Umupo ako sa tabi nila tapos hinila ko yung pagkain ni Dexter at kinain ito. Gutom ako eh, paki niyo.

"The f men. Gutom ako eh! Kainis to!" Nakakunot noo na sabi ni Dex. Hahaha

"Eh gutom din ako eh." Sagot ko at inubos yung pagkain niya. Favorite ko kasi eh, adobo.

Natawa lang si Drake sa amin.

"Grabe si Jerome noh? Sinisi ka pa talaga. Tsk." Sabi ni Dex sakin

Tumayo si Drake para kumuha ng drinks sa mini ref tapos umupo ulit at binigyan kami.

"Oo nga. Kinampihan pa talaga siya ni Alex. Tss." Ako tapos uminon ng coke.

"Alang naman ikaw yung kampihan, eh hindi naman ikaw yung ex." Drake

Kahit na. Doesn't mean na ex mo, itotolerate mo na ang mga ginagawa niya. Andami talagang tanga sa pagibig.

"Andaming tanga sa pagibig noh? Tch."

"Bakit? Mahal ba ni Kath si Jerome?" Drake

"Obvious naman kanina eh. Kinampihan pa nga niya. Tapos tinulugan pang tumayo, lampa talaga."

"Oh eh bat ka bitter? Ilang ampalaya ang nakain mo?" Dexter

Tumawa naman si Drake. Ang bait ng mga kaibigan ko. Bait bait talaga. -_-

"Ha-ha. Corny." At inirapan ko siya.

"Yuck dude! Thats so gay!" Sabi ni Dexter.

Bakit? Babae lang ba ang marunong umirap? Hindi ko nalang siya sinagot at kinuha yung towel na may ice tsaka nilagay sa lip ko.

"Tara. Tugtog tayo." Sabi ni Drake at pumunta sa drums niya.

"Sige ba. Nakakamiss eh." Dexter at kinuha yung bass guitar niya.

Ako naman, pumwesto sa harap ng mic. "If I'm Gonna Fall In Love ha." Sabi ko. Umoo naman sila kaya nagsimula na kami.

Yes, banda kami kahit na 3 lang kami. Tumutugtog kami kapag may event sa CU pero hindi talaga namin kina-career ito.

'Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon