KATH'S POV
Andito ako ngayon sa Starbucks, dito sa loob ng Way To Heaven Hotel. May share ang company namin sa building nato kaya known ako dito. Chos.
Hinihintay ko si kuya dahil ililibre raw niya ako. Dito kasi siya kumuha ng condo niya eh. Habang hinihintay siya ay tumitingin tingin lang ako sa labas nang may nahagip ang mata ko malapit sa front desk.
Kumunot ang noo ko, familiar yung lalake eh. Parang si... "Chase?" Bulong ko.
Nakashades siya at may dalang maleta. Anong ginagawa niya dito? May condo din siya dito? Diba may bahay siya? Bakit parang bad mood yung aura niya? Bak---
"Hoy!"
"Ay may condo ka!"
Muntik ko nang malaglag yung phone ko. Ginulat kasi ako ng asungot nato eh.
"Hahaha. Ano ba yang pinagsasabi mo Kath?" Natatawang sabi ni kuya at umupo sa harap ko.
Tumingin ulit ako sa front desk. Wala na si Chase.
"Ah wala. May nakita lang ako. Sige order ka na kuya. Caffe latte sakin ah."
Ginulo niya buhok ko at nagorder na.
Naguusap lang kami ni kuya habang kumakain. Nakakamiss yung ganito eh.
"So kuya, kamusta na kayo ni ate Shane?"
Girlfriend nga pala niya si ate Shane.
"Hmm. Okay lang naman. Mahal pa naman namin isa't isa."
"Haha loko."
"Ikaw, kamusta na kayo ni Jerome? Balita ko nakabalik na sila ah."
My chismosong brother -___-
"Okay lang naman kami. Friends." Sagot ko at nagsip ng iniinom ko.
"Weh? So, nagkabalikan na kayo?" Asar niya
"Ha? San mo nahagilap yan?"
"Nagtatanong lang naman eh. Masama ba?"
"Ah. Hindi naman. Pero kuya, hindi kami nagkabalikan noh."
"Hahaha. Okay sabi mo eh."
Nagkwentuhan lang kami ni kuya.
DANIEL'S POV
Pagkatapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa condo ko ay bumaba ako para magpalamig ng ulo. May Starbucks naman sa baba eh.
Bago ako makapasok ay may familiar na babae sa loob. Hindi ko kasi makita yung mukha dahil nakaside view. Tss. Nevermind. Pumasok na ako at nag order. Pagkatapos ay humanap ako ng mauupoan.
"Daniel?"
Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Kuya Kev? Bro!" Lumapit ako sakanya at nakipagmanly hug. Napatingin naman yung babae sakin at,
"Chase/Alex?!" Sabay na sabi namin. Kaya pala familiar. Tsk. Si kabayo pala.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni kuya Kevin.
Pinaupo niya ako sa tabi ni Alex at sa harap naman namin siya.
"Yes. Classmates kami. Magkalilala din pala kayo kuya?" Tanong ni Alex.
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.