KATH'S POV
"Kath?"
Uh-oh. That voice.
Tapos ko nang ayusin yung mga gamit ko kaya tumalikod na ako. Tumingin ako sakanya at nagsmile na parang walang nangyari noon.
"Yes?"
Chill Kath. Chill.
"Can we talk?"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon?"
Nagkamot siya ng ulo. "Pwede sa garden tayo magusap?" Siya.
Tumango lang ako at naunang lumabas. Phew. Pagdating ko dito sa garden ay umupo agad ako. Tamad ako e. Haha
Umupo rin siya sa tabi ko.
I heard him took a deep breath. Tumingin siya sakin pero hindi ako tumingin sakanya.
"Kath, I'm sorry." Panimula niya.
"Nangyari na eh. Wala na tayong magagawa. Past is past ika nga." Sagot ko pero nakatingin parin sa malayo.
"I still love you, Kath."
Nagulat ako dun at biglang hinabol ng mga kabayo ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sakanya.
"Talaga? May girlfriend ka na nga eh. Yung kasama mo sa picture. Wag mo nga ako lokohin." I fake a laugh.
"Ohh. Si Liza? She's my cousin."
WEH? Eh bat may heart pa sa caption?
Yan sana ang tatanongin ko pero wag na lang.
"Kamusta naman si Tita?" Pagchechange topic ko.
"W-wala n-na s-siya."
OMG.
"I-I'm sorry." Sabi ko. Nagsmile lang siya ng pilit.
S I L E N C E
"Akala ko ba 5 years?" Tanong ko.
"Wala na naman si Mama dun kaya umuwi na kami."
Napatango lang ako.
"May boyfriend ka na ba dito? Imposible namang wala." Sabi niya.
"Simula nung iwan ako ng taong mahal ko noon, hindi ko na magawang magboyfriend ngayon."
Ugh. Naiiyak ako. Pumikit nalang ako para pigilan yung mga luha ko. Nagulat ako nung hinawakan niya yung both hands ko. Napatigin ako sakanya.
"Kath, please. I'm so sorry. Hindi ko kasi kayang iwan si Mama noon dahil kelangan niya ako. Everyday Kath, ikaw ang iniisip ko.. I still love you. D-do you s-still l-love m-me?" Nakita kong maluha luha na yung mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sakanya. Nakamove naman na ako diba? Nabalik kasi lahat ng nangyari noon eh. Yung sakit na iniwan niya ako para lang sa lame na reason.
"I d-dont k-know." Sagot ko. Hindi ko na mapigilan yung mga luha ko kaya pumatak na talaga sila.
"Shh Kath. Wag kang umiyak. Shh." Niyakap niya ako. "I'm sorry for causing you pain. I promise, I'll make it up to you."
Nakayakap parin siya sakin. Bumulong siya sa tenga ko, "I miss you babe. So much."
Hindi ako sumagot. Kumalas siya sa yakap at pinunasan yung mga luha ko tapos nagsmile siya sakin. Oh how I miss his smile.
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.