KATH'S POV
Wala kaming teacher ngayon dahil ewan ko ba. Baka may meeting.
Yung mga classmates ko naman ay gumagala sa labas.
Lumabas muna ako ng room para magCR.
Pagpasok ko ng room, "BOO!!!" Sabay stamp ng paa.
"AHHHHHHHH!" Sigaw ko. Oo, ako. Shete may nanggulat sakin. =__=
"HAHAHAHA ang panget mo magulat! Benta!" At tumawa siya nang malakas. Sino pa nga ba? Si Bakulaw.
Sinabunutan ko siya. "Hahahah! Aray Alex! Arahahaha!"
Tumatawa parin siya. -_-
Binitawan ko nalang siya at umupo na.
Biglang nagvibrate yung phone ko.
From: Drake
We've never seen him that happy again.
Napatingin agad ako kay Drake. Nagsmile siya sakin. I smiled back and tinignan si Chase. Tumatawa parin siya pero hindi na masyadong malakas.
Ngayon lang ulit nila nakita si Chase na masaya? ULIT? Bakit ano ba ang rason kung bakit hindi na niya magawang maging masayahin ulit? There's something I need to know about him talaga.
Pinagmasdan ko siya. Ang gwapo gwapo niya oh, lalo na kapag tumatawa o nagsa-smile.
"Ang panget mo talaga magulat. Nyemas." Sabi niya habang pinupunasan yung luha niya tapos umupo na.
Leshe. Gwapo na sana eh, nanlait pa. Tch. Binabawi ko na.
DANIEL'S POV
Hahaha ang benta ni Alex. That made my day. Hahaha
Umupo na ako at inayos yung buhok ko. Napansin kong nakatitig si Drake, Miles at Dexter sakin.
I look at them confusingly. "What?" I asked.
"Bro, ikaw ba talaga yan?" Nakangising tanong ni Drake.
O.o?
"Huh? The last time I checked, ako pa naman si gwapong Daniel Cervantes."
Binatukan niya ako.
"Bwst ka."
Natawa nanaman ako. Hahaha. Whats up with these people making me laugh today?
Napatitig nanaman sila sakin. Tinaasan ko sila ng kilay na nagsasabi ng, 'Bakit?'
"Ikaw ba talaga yan Daniel? Grabe ngayon ka lang ulit namin nakitang tumawa." Di kapani-paniwalang sabi ni Dexter.
Ano bang masama kung masaya ako diba? Nakakatawa kasi si Alex eh. Shemay. Mukhang bakla kapag nagugulat.
"Bakit? Bawal ba? Nasa rules ba nang university na bawal tumawa?"
Binatukan nanaman ako ni Drake. Nakakailan nato ah.
"Nakakarami kana sakin Drake ah! Pektusan kita diyan eh!"
"Chill brad. Hahaha." Miles.
Napailing nalang ako. Tumingin ako kay Alex. Tumingin din siya sakin kaya bumelat siya. Nagsmirk naman ako.
-
Nagdidiscuss si Ms.... Ano nga ba pangalan neto? Haay ewan. Nagdidiscuss siya about sa love. Hindi ko alam kung bat napunta dun. Tss.
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.