DANIEL'S POV
Nagstay muna ako sa condo ko tapos by 6 ay dumiretso agad ako dito sa lugar ko. Nasa tuktok ito ng bundok at ako lang ang nakakaalam neto. Ang peaceful dito, ang sarap ng simoy ng hangin. Umupo ako at nilean yung likod ko sa puno. Dito ako pumupunta kapag may problema ako o kung ano.
(Yung parang sa walang hanggan guys ah.)
Si Mama ang nagbigay sakin sa lugar na ito. Ewan ko kung paano niya to nakita. Dito kami pumupunta noon kapag nagbobonding kaming tatlo. Hindi to alam ni Rommel dahil madalas siyang hindi kasama sa bonding namin noon.
Sabi ni Mama noon, ang dadalhin ko lang daw dito ay yung babaeng mahal ko pero dahil wala akong mahal, palagi akong magisang pumupunta dito. Marami akong naging girlfriends pero ni isa sakanila, wala akong minahal. Ewan ko ba, hindi kasi tumitibok ang puso ko sakanila eh.
Tumayo ako tapos pumikit.
'Anak, kung may problema ka, isigaw mo para mailabas mo yun.'
Yan ang sabi ni Mama sakin noon.
Binuksan ko yung mata ko at sumigaw ng malakas, "AAAAAHHHHHHHH!"
Nagpalipas lang ako ng oras dito at umuwi na. Hindi sa impyerno pero sa condo ko.
-
Next day...
Papasok na ako ngayon sa CU. 1 hour late na ako dahil late akong nagising.
"Hi Daniel!
"Hala! Anong nangyari sa mukha ni DC?"
"May kaaway ba siya kahapon?"
"Kawawa naman."
"Halika dito Daniel gagamutin ko yang sugat mo!"
Sinamaan ko lang sila ng tingin. Ang ingay kasi. Tumahimik naman sila.
Pagpasok ko ay nagdidiscuss na sila. Napahinto naman si Ms. dahil pumasok ako.
"What happened to your face, Mr. Cervantes?"
Wala kang pake kaya tumahimik ka. Wala ako sa mood.
"May pasa. Obvious ba?"
Napailing nalang siya sa sagot ko at nagpatuloy lang sa pagdidiscuss.
"And for your project, work together with your partners. You need to interview each other and ask your likes and dislikes. Pass this before this next week. I want you to make this creatively. Pwedeng video or you'll write it down on a manila paper. Do you still remember your partners?"
"Yes." Sagot nilang lahat.
"Okay. Start discussing with your partners now. Goodbye, class." Sabi niya at lumabas na.
Tss. Si Alex nga pala yung partner ko dito.
"Uhm.. C-Chase, a-ano yung gusto mo, v-video o sa m-manila paper nalang?" Oh bat nauutal to?
Tumingin ako sakanya. "Ikaw bahala." Tas umiwas ako ng tingin.
"Eh ano ba yung gusto mo para naman alam ko diba? Hindi yung puro ideas ko lang. Magshare ka din."
"Ikaw na kasi bahala. Tss."
Naiinis na ako. Konti nalang!
"Pumili ka nalang dun sa dalawa para makastart na tayo."
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfic'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.