DANIEL'S POV
Wednesday ngayon at wala lang. Nagshare lang ako. Baka di niyo alam anong araw ngayon.
Fast forward na natin sa lunch.
Habang kumakain...
"Uhm hi guys. Pwede makishare ng table? Wala na kasing available eh. May space pa naman kayo oh." Sabi ni... Tiningnan ko kung sino. Si Julia pala kasama si Alex.
"Hmm. Okay lang sa amin. Ikaw dude?" Drake.
I just nodded. Nakwento na nga pala ni Drake na nililigawan niya si Julia. Wow talaga eh.
Pinaupo ni Drake si Julia sa tabi niya. Katabi ko naman si Alex -_- tss. May pagnanasa talaga tung babaeng to sakin.
Ganito position namin.
Drake - Julia - Dexter - Miles - Alex - Ako
Pabilog yung table namin. May space pa sa right side ko pero isa lang pwedeng umupo.
"Since hindi pa tayo close, magpapakilala muna ako. Hi guys. I'm Drake." Pakilala niya.
"Dexter."
"Miles. Dexter's girl."
"I'm Julia."
"Kathryn."
"Nah. She's Alexandra. Call her Alexandra guys." Sabi ko.
Papaluin na sana niya ako nang pinigilan ko siya.
"Ooop. Subukan mo hawakan kahit balahibo ko, ipapasok talaga kita sa basurahan."
Tumigil naman siya. Hahaha.
"Sungit." Bulong niya.
"Loko ka Daniel. Hahaha. Wag mong pansinin yan, Kath. Ganyan na talaga yan." Miles.
Nagsmile lang siya kay Miles.
Naguusap lang sila pero hindi ako nakikinig.
"Mas mabuti pa, simula ngayon, dito na kayo uupo para mas madami tayo at para mas masaya. Okay lang ba sainyu dude?" Drake.
"Oh naman. Okay na okay. The more, the merrier!" Dexter.
Tumawa lang naman kami. Daming alam nitong lalaking to.
"Ikaw DC?"
I nodded, "Kayo bahala."
"Sige ba! Hihi. Thanks Drake!" Masayang sabi ni Julia kay Drake. Nagsmile lang si Drake sakanya.
Pagibig na nga ito! Haha
Maya maya...
"Uhmm. Can I join with you guys?" Janella.
Sumagot ako agad. "NO."
"Sige na. Wala na kasing space eh. Please Daniel?" Sabi niya at nagsmile.
"Edi sa sahig ka kumain."
Tahimik lang naman sina Drake.
Ayaw ko talaga na dito siya uupo. Basta, naiirita ako sakanya.
At naalala ko yung sinabi niya na gagawin niya lahat para makuha ulit ako. Baka pumaparaan siya.
Asa siyang papatulan ko siya. Yuck.
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.