Prologo

587 56 175
                                    


Masayang salo-salo ang naganap sa bahay ng mga Lim, malaking ka piyestahan sa lungsod ng araw na 'yon. Nandun ang lahat na pamilyang Lim at ang mga kamag-anak.

Malaking pamilya ang mga Lim sikat, at kilalang tao ang pamilya nila saan mang sulok ng lungsod, may maroong malaking Asyenda ang mga ito, pangunahing hanap-buhay ng mga taga rito. At sila ang pinakamayamang pamilya sa bayan. Respetado ang mga Lim, sa bayan lalo na sa mga tauhan nito sa Asyenda, tiningala ang mag Lim dahil ito ang may malaking Asyenda sa bayan.

“Mommy, sino po siya?” tanong ng limang taon na batang babae, tinuturo ang batang lalaki na nasa sampung gulang.

“Ah, siya si Keith, gusto mo puntahan?” ani ng mommy ng batang babae.

“Ayaw ko po, mukhang masungit!” sagot nito sa ina at lumakad palayo, napailing nalang ang kanyang inang si Christine.

“Pambihirang bata, si Sabrina Christine, iniwan ka dito!” puna ng matagal na katiwala nilang si Manang Sita, napangiti naman si Christine sa sinabi ni Manang, marahil ay ganun talaga si Sabrina pero mabait naman ito. Sumusunod ito lagi sa utos niya.

“Oho, gusto niya siguro makilala si Keith pero ayaw niya daw kasi mukhang masungit.”

“Ganun ba?” pailing iling na sagot ni Manang Sita.

Nagkasiyahan sa loob ng mansiyon, pero ang batang si Sabrina ay nanatiling sa garden lang pinagmamasdan ang dalawang tao sa kanyang harapan, walang iba kundi ang pinsan niyang si Ingrid at ang batang lalaki kanina na gusto niyang makilala. Naiinggit siya sa pinsan kasi mukhang close sila ng lalaki, gusto niya din makilala ito pero laging nakabuntot ang pinsan niya dito.

“Hoy! Anong ginagawa niyo?” ginulat niya ang mga ito at nagtagumpay naman siya dahil lumingon ang dalawa, nag peace sign pa siya at tumawa.

“Ikaw talaga Sabrina, wala ka bang ibang magawa?” ani ng pinsan niyang si Ingrid.

Tumatawa pa rin siya kahit ang dalawa ay hindi tumatawa. “Wala,”

“Hi, ako pala si Keith,” ani ng batang lalaki sakanya. Inilahad nito ang kamay sakanya, Huminto siya ng katatawa at hinarap ito.

“Hi, ako nga din pala si Sabrina.”

“Tsk! Magsama kayo.” ani ni Ingrid at nagmamaktol umalis, may katandaan si Ingrid sakanya, limang taon.

“Ang ganda mo,” anito at piningot ang kanyang ilong.

“Bolero!” aniya at tumawa.

“Bolero pala ha, sige ito sayo,” ani Keith habang sinusundot ang tagiliran niya. Nakikiliti siya, kaya lumayo siya dito.

“Tama na kasi!”

Huminto naman ito, habang tumatawa. “Keith, umuwi na daw tayo.” ani ng ginang na nakauniporme ng kulay puti.

“Pano na, uwi na ako, nice meeting you Sabrina! Para sayo,”

Tinignan niya ang binigay ni Keith sakanyang kamay, isang kwentas na hugis puso ang pendant, nang muli niya tignan ang kalaro ay palayo na itong nakangiti at kumakaway paalis.


Author note:

Pagpaumanhin niyo po sana patuloy pa rin ang edition ng akda ko. Sana magustuhan ninyo ang storya ko. if you have saw wrong about it so please remind me. To edit again. Thank you po. Vomments are appreciated. Love lots all mwaaah. Anyway thanks for the beautiful cover, i really relly like it! Xoxo❤ MVCabusas.

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon