Kabanata 12

56 7 8
                                    


HINDI sila umalis sa tulay, nag e' enjoy siya sa presensiya ni Keith. Kanina nga ay binigay niya ang t-shirt nito dahil naiilang siya na nakatopless ito, hindi na mainit kumpara kanina. Naglakad lakad sila hanggang sa dulo ng tulay at umupo dun at hinintay na lumubog ang araw. Ang ganda ng view dito, kita talaga ang malawak na dagat. For her, it is the romantic place for her with Keith and the first date, waiting the sunset together.

Nakayakap lang si Keith sakanya patalikod, dama niya ang mga bisig nito. And she feel secure in him, sana wala ng katapusan ang araw ngayon. She didn't want to end it, gusto lang  niya kasama ang lalaki.

"Malapit na ang debut mo diba?" anito, napakunot ang noo niya sa sinabi ng binata. Paano niya nalaman? Bahagyang lumingon siya dito, nakangiti ito sakanya. "Paano mo nalaman?" kung hindi nito nabanggit ay nalimutan niya ang kanyang darating na debut, masyadong preoccupies ang isipan niya dahil sa lalaki. Tinignan niya ito ng mataman, biglang bumalik sa isipan niya ang mga sinabi ni Elsa. Parang umatras na siya sa kanyang binabalak dito, dahil hindi iyon ang gusto niya, gusto niya na may ipakilala siyang boyfriend na totoong mahal niya at hindi isang pagpanggap lang. She hate herself thinking Keith to her pretend boyfriend, hindi na kailangan ng magpanggap at hindi deserves ni Keith ang isang pagpapanggap lang dahil mahal niya ang lalaki. No doubts.

"Narinig ko lang sa daddy mo." malungkot na baling nito sakanya, batid sa mata nito na may gusto itong sabihin sakanya, it made her worried. Ngumiti ito pero kita na pilit lang ang ngiting 'yon. "And what that's sad face mister?" panghuhuli niya, baka sabihin nito kung bakit dahil nag aalala siya.

Huminga ng malalim si Keith bago nagsalita,"I just worried, kung ano ang reaksiyon ng Dad mo about us." parang hiniwa ang puso niya sa sinabi. Alam kasi niya na may haharapin pa siyang problema, and it is her Dad. She sighed heavily, she give her sweetest smile into him.

"Hey, don't be like that. Gusto ka bang papangit? I will introduce you to my Dad," she lend her back to Keith chest. "I know he will like you dahil pinagkatiwalaan ka niya, at wala siyang rason para umayaw." aniya na sa malayong karagatan nakatingin. The biggest lie she said, dahil hindi niya alam ang susunod na mangyayari pagkatapos nito. Iba ang ama niya, iba ang pagkakilala niya dito. Sana hindi alam ni Keith, ang pag-rereto sakanya ng ama kay Frances. Umayos siya ng upo, at bumaling ulit sa lalaki. "Just promise me Keith, no matter what happen just stay in my side." pagsumamo niya, kailangan niya ng karamay, at sandigan. Kailangan niya ng makaintindi sa sitwasyon niya and she is hoping that Keith will do that for her.

"Promise." maikling sagot nito pero panghahawakan niya 'yon. Yumakap siya dito at gumanti din ito ng yakap. Napangiti siya, ang bilis niyang bumigay sa lalaking 'to samantalang kay Dee ay lumipas pa ang isang taon.

Sinusulit nila ang nabibilang na oras. She's leaning in Keith chest at nakayakap ito sakanya. Tumingala siya sa kalangitan may ilang bitwin na siya nakikita, hudyat na gumagabi na kailangan na nilang umuwi. And besides, baka hinanap na siya ng Daddy at Mommy niya sa bahay. Binigyan siya ulit ni Keith ng isang mapusok na halik bago ito tumayo.

"Ihatid na kita sa bahay." anito, tinanggap naman niya ang kamay na nakalahad. Nagsimula na silang naglakad pabalik. Malungkot siyang binaybay ang daan pauwi. Alam niyang maghihiwalay na sila ng daan at ngayon pa lang nga ay na mi-miss na niya ito.

"You want me to go with you?" anito, nang nasa tapat na sila ng gate ng bahay. Pinasadahan niya ang loob ng bahay, nakabukas ang lahat ng ilaw at mukhang may mga bisita. Kinakabahan naman siya, parang may alam na siya kung sino 'yon. Sana nga mali ang iniisip niya.

Ngumito siya dito at umiling, hindi pwede hindi pa siya handa. Saka nalang kung handa na siya, "Huwag na gagabihin ka pa. Thank you," aniya at yumakap dito. Hinalikan naman siya nito sa ulo at pagkatapos sa noo naman niya, kinikilig na naman siya sa ginawa ng lalaki mas lalong lang yata siyang na inlove dito. He is so gentleman.

Kumaway siya dito at tuloyan ng pumasok. Humugot siya ng lakas upang maglakad papasok ng bahay. Kinakabahan siya kung ano ang idadahilan niya kung magtatanong ang mga 'to kung saan siya nanggaling lalo na ang dad niya.

Hindi pa man siya nakapasok ng bahay ay agad niyang narinig ang boses ng daddy niya at tama nga siya may bisita ito. Lalagpasan na sana niya ng tinawag siya ng kanyang ama."Sabrina, saan ka nanggaling gabi na ah." anito.

Nakita niya na nag Hi ang taong bisita nito na walang iba kundi si Frances at ang ama nito. Ano na naman ang ginagawa nila dito, at ngayon lang niya nakita ang lalaki na pumunta sa bahay nila. Hmmm, anong paki mo. May Keith kana anang bahagi ng utak niya.

"Diyan lang Dad, nagpapahangin." matipid niyang sagot.

"Bakit hindi ka nagpasama kay Frances, it would be great.  Magkakilala kayo ng lubusan diba hijo?" baling nito sa nakaupo sa sopa. Kung hindi lang ang ama niya ang kausap ngayon malamang umirap na siya, kahit anong gawin nito. Wala talaga itong mapapala.

"Ofcourse Tito, I would like to." anito at ngumiti pa sakanya. Tumingin lang siya dito ng walang ka emo- emosyon.

"It's okay dad, hindi naman siguro ako maliligaw sa lugar na 'to."

"It's not okay hija, you should spend time with Frances. Maging asawa mo siya dapat masanay kana." napangiwi siya sa sinabi. Wala na ba talagang pagbabago ang isipan ng kanyang ama. Tumindig yata ang balahibo niya sa sinabi ng kanyang ama.

Kahit kailan hindi niya magugustuhan ang lalaki, kung alam lang ng kanyang magaling na ama kung ano ang ginagawa ng Frances na 'yan sa Isla.

"Akyat na ako sa kwarto dad, Im tired." pagod na sabi niya sa ama

"What about dinner? You should eat---- lumingon ito ka Frances. Hijo, can you join Sabrina for dinner?" ngumiti ito ng malapad, tumayo ito at   lumapit sakanila.

"Go hija, bawal ang magpapagutom." anito,  huminga siya ng malalim at umiling tanda ng pagsuko. Masyadong maganda ang araw niya ngayon kaya pagbigyan na niya ang ama.

Inilalayan naman siya ni Frances, kumunot ang noo niya dahil hindi sa dining area ang punta nila kundi sa likod ng bahay. Mas lalong nagtaka siya sa nakitang mga ilaw na gawa ng series light tiningnan niya si Frances pero ngumiti lang ito bilang ganti. Iminuwestra nito ang silya at pinaupo siya, umupo din ito sa tabi niya. Naka serve na ang pagkain parang pinaghandaan pa talaga ito, may candle pa sa gitna at isang boquet ng  bulaklak na rosas. Paano nito nalaman ang paborito niyang bulaklak?

Kinuha nito ang bulaklak at binigay sakanya. Mataman lang niya itong tiningnan, wala siyang nararamdaman na kilig sa mga ginagawa ni Frances. Kung siguro si Keith ang gumawa ng mga 'to ay paniguradong tumitili na siya sa kilig.

"Let's eat." kinuha nito ang kubyertos at binigay sakanya. Katakam takam sana ang pagkain ang nakahain sakanila

"What is this?" takang tanong niya, malinaw naman siguro dito ang pag ayaw niya sa simula pa lang.

"A date."

Umiwas siya ng tingin dito at mapaklang ngumiti. "Alin doon ang hindi mo maintindihan?" tumayo siya parang nawala yata ang gana niya. "Thank you pala sa flowers mo." aniya at lumisan sa lugar bastos na kung bastos.

Hindi niya kayang magplastikan dito. Parang sinusundan siya ng konsensiya, si Keith lang ang laman ng isip niya at sa tingin niya ay nakakasala siya kay Keith.

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon