Kabanata 21

43 6 7
                                    


NANG narinig niya ang pangalan ng lalaki bumagal ang ikot ng paligid, sumariwa ang lahat ng alaala niya na kasama niya ito. Parang pinaglalaruan nga siya ng tadhana, kung makapaglaro ito ng damdamin niya noon pati ba ngayon ay lilinugin na naman ang mundo niya.

Mapakla siyang ngumiti, tinatago ang totoong emosyon.

"Oh? Talaga? Baka naman po naniningil sa kasalanan niyo Dad."

Hindi nagsalita ang kanyang ama, hindi nga ito makatingin sakanya. After all, her heart is partying right now. Masaya siya na nakabangon ang lalaki, nakakatawa nga at nandito ito sa bayan at maging isang kalaban nila sa negosyo. Ay hindi pala sakanila kundi sakanyang ama lamang.

"Probably, I need your help." umurong ito at dahan umupo sa sofa nila."Sue him, get a tricks to get him!" diin ng kanyang ama.

Humalakhak na siya, hindi alam ni Sabrina kung bakit siya natatawa pero sa mukha ng ama niya ngayon na para bang dehado ito."Nakilala niyo pa ba ang sarili niyo Dad?" tumayo siya at naglakad ng distansiya
Pagod pa nga siya sa byahe pero ito inabala naman siya ng kanyang ama.

"Noon si Frances ang gusto niyo at ngayon si Keith na naman?" napahilamos siya sa kanyang palad."What do you think of me? isang robot na pasunurin ninyo sa mga pinaggagawa niyo."

Humarap siya sakanyang magulang."The Hacienda is at risk hija,"

"Shit that unreasonable reason Dad! Narinig niyo ba sinabi mo? Iyon din ang sinabi mo sakin noon! Pero 'yon pala ginamit mo lang ako para umungos sa politika!"

Narinig niya noon ang dahilan sa kondisyon ng mga Ramirez. Malinaw na malinaw pa sa ulirat niya ang kanyang narinig.

"Huwag kang bastos! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo! Gusto kong makasal ka kay Frances dahil alam kung mabuhay ka niya!"

"Tama na Alfonso." pigil ni mommy

"Ganyan naman kayo, manghusga ng kapwa, magsalita ng tapos at ngayon tignan mo ang taong niyurakan mo ang pagkatao ay siya pa ang magpabagsak sayo!" sigaw niya dito, sinalubong niya ang matulis na titig ng ama.

"Okay! Kung ayaw mo di huwag! May alas naman ako, gagamitin ko ang apo ko para mapaamo ko siya."

Tumaas nga yata ang dugo niya sa narinig. Mapakla siyang ngumiti, ibang usapan na kung ang anak niya ang pag-uusapan."Don't you dare step of the limit Dad! I'm warning you!"nanlilisik ang mata niya.

Hindi niya payagan ang ama niya ang pakialaman ang buhay ni Taner, mamumuha si Taner na isang bata. Gusto niya maging normal na bata ang anak niya, di tulad sakanya na naging robot. Ayaw niyang pagsisihan ng anak niya ang mga desisyon sa buhay katulad nalang ng pagsisi niyang sinunod niya ang ama di sanay masayang pamilya sila ngayon.

Nagmadali siyang pumanhik sa kwarto niya at pabarag na isinira ang pinto at agad na dumapa sa kama. Kahit pagbaliktarin ang mundo ama pa rin ni Taner si Keith. Hindi niya iyon ipagkait kung sa isang araw ay magkikita ang mga ito.

Sigurado siyang sinadya ng lalaki ang banggain ang ama niya, pero nakapagtaka kung bakit isang Asyendero na ang lalaki sa gayong isa lang itong tagapamahala nila sa Asyenda. Mapait siyang napangiti, Oo nga pala matagal na ang panahon ng nagkrus ang landas nila. Hindi man lang niya naisip na maraming taon na ang nagdaan.

NATULUGAN niya ang pag iisip kanina, siguro dala din ng pagod sa byahe. Bumangon siya at nag ayos para lumabas, pupuntahan niya ang kanyang anak. Magdilim na din at di pa siya nakakain.

Nasa harap siya ng salamin at hawak ang kwentas na binigay pa ng kanyang mommy noong debut niya. Nang kumatok ang mommy niya sa pinto. "Pumasok ka lang Mom nakabukas lang 'yan." sigaw niya. Napangiti siya habang hawak ang kwentas. Di niya minsan tinanggal iyon, ramdam niya na malapit ang taong nagbigay nito sakanya. Di naman siya naglakas ng loob na magtanong sa mommy niya tungkol doon.

"Anak." sambit ng mommy niya at lumapit sa kinaroonan niya.

Ngumiti ang mommy niya ng nakita na hawak niya ang kwentas."Mahalaga talaga ang kwentas niyan sayo ano, naalala mo na ba ang nagbigay niyan."

Bahagya siyang umiling, totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi niya pa rin naalala kung sino ang nagbigay sakanya nang kwentas.

Matagal siyang tinitigan ng kanyang ina parang may gustong sabihin ang kanyang ina."Mom, may sasabihin ba kayo?"

Tumango ang kanyang ina, umupo ito sa kama at humigit ng malalim na hininga."Anak, anong plano mo kay Taner at sakanyang tunay na ama?"

"Hindi ko alam Mom, takot ako Mom." napailing iling pa siya."Baka kawawa lang ang anak ko dahil hindi siya kilalanin ng ama niya." umupo din siya sa gilid ng kanyang ina.

"Anak." ginagap ang kamay niya."Hindi mo dapat tinatakot ang sarili mo, harapin mo ang katotohanan."

"May karapatan ang ama niya, sa pagkakilala ko kay Keith mabait ang bata na 'yon anak, sa totoo nga nakikita ko kay Taner ang katangian ng kanyang ama." dagdag niya pa

Tama ang kanyang ina, sumisimbolo ang bata sa ama nito. Mukhang pinagbiyak na sibuyas dahil sa magkamukha ang dalawa."Mom hindi pa handa si Taner, ayaw kung biglain ang bata."

Napangiti ng matamis ang kanyang ina, napakunot naman ang noo niya sa nakita sa ina."Si Taner ba ang hindi handa anak? O, ang 'yan ang hindi handa." turo ng ina niya ang puso niya.

Iyon din ang tanong niya sa kanyang sarili, handa na ba siyang makita ulit ang lalaki? Ano kaya ang mararamdaman ng lalaki kung malaman nito na may anak sila.

Hindi niya nagawang sabihin kay Keith ang tungkol sa pagbubuntis niya, hindi siya pinapayagan ng kanyang ama na lumabas ng mansiyon. Dahil sa nangyari ay hindi nga natuloy ang kasal nila ni Frances, umugong ang balita sa buong bayan na hindi si Frances ang ama ng kanyang dinadala kaya napilitan ang kanyang ama ipadala siya sa amerika para pagtakpan ang kahihiyan niya.

Frances do his part just to protect her. Sumama ito sa pagpunta niya sa amerika at doon na sila naghiwalay ng landas. Nagpapasalamat pa rin siya sa ginawa ng lalaki kahit sinasaktan niya ito.

"I'm over it, Mom. Hindi ko alam kung mapapatawad na ako ni Keith."

"Ihanda mo ang sarili mo anak sa muli ninyong pagkikita. Sigurado akong babalik pa ang binata dito para suyuin ulit ang ama mo."

Napamulagat siya sa narinig. Ano daw? Babalik ang lalaki dito sa mansiyon? Kung ganun si Keith ang sakay ng isang sasakyang naabutan niya kanina pagdating.

"Bakit siya pupunta dito Mom?" hindi nakubli ni Sabrina ang takot sakanyang mukha.

"May proposal ito sa ama mo, tutulong sa ama mo para matapos ang ani ng tubo pero ang ama mo ay mataas yata ang pride, hindi pumayag."

Mangha si Sabrina sa narinig."Akala ko ba tayo ang may kailangan bakit siya pa ang pumunta dito."

"Talagang mabait si Keith anak. Ipahiram lang naman niya ang mga tao niya sa iyong ama."

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon