NAKATANAW lang si Keith sa malawak na lupain ng ama na ipinamana sakanya limang taon na ang nakaraan. Bago ito binawian ng buhay ay sakanya ipinasa ang pangangalaga sa munting Asyenda na mayroon ito. Hindi naman talaga asukarera ang ama niya minana lang din niya ito sa ninuno at hindi na pinagtuunan ng pansin.“Dalian ninyo ang trabaho, dapat matapos natin ito ngayong araw!” rinig niyang sigaw ni Mang Ed, ang katiwala sa Asyenda. Matagal na ito sakanya at inaasahan niya ito.
“Okay lang ba tayo Mang Ed, may problema ba?” tanong niya sa matanda nang nakalapit siya.
Minsan na niya itong bininta pero wala naman nagkainteresado man lang dahil sa maliit ang lupa hindi pa mataba. Mabuti nalang at nakitaan niya ito ng sulosyon. Kung di man lang niya mabinta, baka mapakinabangan niya.
“Kayo pala Sir, wala naman pong problema. Iyong isang sasakyan lang ay nakagrahe na may sira.”
Nakita nga niya ito na nakagrahe na. Kaya naisip niyang bisitahin ang Asyenda.“Ipinaayos nalang natin Mang Ed ”
“May problema po, kailangan ng mga tao mag overtime para matapos natin ito ngayon.”
Tumingin siya sa mga trabahador na busy at hindi iniinda ang init ng araw. Nasa mukha ang pagod ng mga 'yon, at alam niyang gusto ng mga tao niya magpahinga.
“Sir Keith?”
“Sige ho, pero magpahinga muna kayo, handa akong magbayad ng overtime.”
Kahit sa kararampot na kita sa nakapag ipon naman siya. Di niya hayaan na malugi siya dahil pinaghirapan niyang bumangon ulit at gusto niya ipakita na kaya niyang pantayan ang mga taong nanakit sakanya noon. Gusto niyang ipakita na deserves niyang tratuhin na isang tao hindi sino lang na anak ng bastardo.
“Sige hijo.”
Tumalikod na siya at naglakad ulit patungo sa sasakyan may meeting pa siya kay Don Alfonso, napakuyom ang mukha niya naalaala na naman niya ang nangyari. Kundi lang talaga kailangan nito ang tulong niya ay hindi siya makipagnesgoyante dito.
Limang taon na ang nakaraan pero sariwa pa rin sa mga alaala niya ang nangyari. Naalala pa rin niya kung paano siya gumapang sa lupa nagmamakaawa na huwag ilayo sakanya ang babaeng mahal na mahal niya.
Hindi niya nakalimutan ang mga salitang pinilit niyang kinalimutan.
Hindi pa siya magaling sa mga sugat na natamo niya pero tumakas siya Hospital at puntahan si Sabrina. Ilang araw din siya nakalatay sa kama ng hospital, at sa araw ay lalong nababagot siya at takot na takot na mawala nang tuluyan ang babaeng mahal na mahal niya.
Nang dumating siya sa mansiyon ay maraming tao. Nagkasiyahan ang mga taong nandun. Nakita niya ang nakaukit na letra sa may munting stage, ENGAGEMENT PARTY. Sabihin na nang lahat na bakla siya sa mga sandaling 'yon dahil tumulo ang luha niya, nang nakita siya sa guard ay pinaalis siya pero nagpupumilit siyang pumasok. Nakita siya ni Don Alfonso, nasa mukha nito ang galit.
“Umalis kana dito Keith! Kung ayaw mong mamatay sa kamay ko. Umalis kana! Huwag mo ng guluhin ang anak ko!”
Hinila agad siya ng guard pero nagpupumiglas siya, lumuhod siya sa harap ni Don Alfonso.“Sir, please bigyan mo ako ng chance patunayan na mahal ko ang anak niyo Sir, kaya kung buhayin ang anak niyo.”
“Ano! Saan ka kukuha ng pangbuhay sa anak ko hijo? Sa kararampot na kita mo sa sweldo ko sayo? Maging manugang ko ang katiwala ko? Ganun ba 'yon? Hijo, hindi kayo bagay sa anak ko. Ayaw kong maghirap siya sa buhay— hindi ang isang bastardo ang matutuluyan ng anak ko!”
Kumapit siya sa mga tuhod ng Don, at umiiyak. Nagmamakaawa.
“Uma—” naudlot ang sasabihin ng Don dahil dumating si Sabrina. “Dad! Tama na! Huwag niyong saktan ang damdamin ng tao.” agad siyang pinatayo ni Sabrina.
“Umalis kana Keith, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Bakit ka sumugod dito, dapat nasa hospital ka nagpapagaling.” sinakop ng mga palad nito ang mukha niya.
Nahihiya siyang makita ng nobya ang mukha niya ngayon. Mukha siyang bakla sa kaiiyak,“Mahal, sumama ka sakin. Di ba maging masaya tayo. Ikaw ang gusto kung maging ina ng mga anak ko. Ipaglaban mo naman ako.” nakita niya ang mga luhang nag uunahan sa mga mata nito. Hiniwa ang puso niyang makita na umiiyak ito.
“Magpagaling ka Keith, huwag mo na akong subukan ang sarili mo sakin hindi kita mahal.” kumalas ang kamay nito sa mukha niya at akmang tumalikod.
Iyon ang pinakamasakit na narinig niya sa araw na 'yon. “Alam kong nagsisinungaling ka lang Sab, sabihin mong di 'yan totoo.”
Umiiling lang ang ito sakanya.“Tama na Keit pinahirapan mo lang akong magdesisyon. Please leave me alone.” anito at umalis na
Parang namanhid yata ang buong katawan niya, napaluhod nalang siya sa lupa at napahilamos sa mukha.
“Umalis kana hijo, sayang ang bayad ko sa hospital.” anito at umalis na
Kinakalad naman siya ng guard doon.
Bumosina siya ng nakarating na siya s mansiyon ng mga Lim. Agad naman binuksan ng katulong ang gate, nang nakapasok siya agad siya umibis at nakita niya si Leon na nakasandal sa kotse nito.“Ang tagal mo Keith, kahit kailan talaga parang di mo kilala ang ka meeting mo.” mapaklang ngumiti ito at umiling.
“I'm not affraid man, and besides siya ang may kailangan dapat maghintay siya.” kampanteng sagot niya sa kasosyo.
Matalik niya talaga kaibigan si Leon, hindi siya pinapabayaan ng kaibigan. At tinulungan din siya nito sa negosyo kaya maayos niyang napatakbo ang Asyenda, lumago iyon at nagkaroon siya ng lupa sa iba't ibang bahagi ng lungsod.
“Tara.” yaya niya.
Hindi siya umalis ng tuluyan sa lungsod, dalawang taon lang siya nawala dahil tinuloy niya ang master degree niya at iyon nga ay natapos ay bumalik siya upang mapangasiwaan ang Asyenda.
Nang malapit na sila sa opisina ay bigla siya kinakabahan, ramdam niyang may nakamasid sa kanya.
“Leon, mauna kana. May babalikan lang ako sa sasakyan.”
“O sige.”
Dinahilan lang niya iyon parang hindi pa siya handa makita muli ang Don. Nagtungo nalang siya sa likod ng bahay kung saan, nakita niya ang dalaga na nagduduyan noon. Hindi naman nagbago ang bahay, ganito parin ang ayos ng huli nakita ito tatlong taon. Medyo may kinuha lang dahil wala ng duyan doon. Mapait siyang ngumiti parang may sakit na pumuklit sa kasuloksulokan ng puso ni Keith.
Biglang tumunog ang cellphone niya, nakita niya ang pangalan ni Leon sa screen.“Pare, nasaan kana ba? Halika ka na.” mahina lang tinig ni Leon sa kabila. “Okay.”
Agad siyang bumalik at pumanhik na ulit sa bahay, kung bakit naman kasi bumalik pa siya. Ayaw niyang maramdaman na may kulang ang puso niya. Alam niya kung sino 'yon. Hindi naman kasi iyon nawala.
“Magandang araw po sa inyo Don Alfonso.” bati niya sa taong nakawelchair, matanda nang kunti ang lalaki sa lumipas na tatlong taon.
BINABASA MO ANG
The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)
Romansa#MAJOR EDITING She left and nowhere to find. She hate all the people around. She only thought betrayal of her family. Leaving her precious life and turn to nothing Sabrina found Keith and asking living in one roof for a meantime. Kahit sa panandali...