AGAD na inihiga ni Sabrina ang sarili sa kama, iniisip ang ginawa niya sa binata. Mali ba siya? Masyado yatang bastos ang ginawa niya kay Frances. Huminga siya ng malalim at muling tumayo. Dumungaw siya ng kunti sa likod bahay kung saan iniwan si Frances. Nakita niyang nakaupo doon ang lalaki at nakayuko, malungkot ang mukha. Isinandal niya ang kanyang likod sa rehas ng bintana, parang pinipiga ang puso ni Sabrina habang nakatingin dito. Ayaw man niyang aminin pero parang naawa na siya dito.Naguguluha ka na ngayon! Kastigo ng kanyang isip. Bakit nga ba hindi niya magustuhan ang binata? Frances is a material boyfriend. Bakit ayaw niyang masikmura ang gusto ng magulang niya. Napailing siya, nakakapagod na.
Muli siyang tumingin dito pero wala na si Frances roon. Bumalik nalang din siya ng higa, mayamaya pa ay tumunog ang phone niya.
From Unknown number:
Good night sweetie. See you!
Napangiti siya sa kilig, hindi niya dapat hulaan pa kung sino ang nagtext. Nagtitipa siya ng mensahe dito pero wala yata siyang makuhang salita para mag reply. Ilang beses na siyang nagtitipa ng mensahe pero di gumana ang sistema niya.
Inilapag nalang niya ulit ang phone at ipinikit ang mata. Inaantok na rin siya.
NAGISING ang diwa ni Sabrina sa pabango na nalanghap niya. Parang pamilyar kasi sa kanya ang bangong 'yong. Sumilay ang ngiti niya ng nakita niya si Keith na nakadungaw sa kanya nakangiti ito ng matamis. "Good morning sweetie"
Kung pwede lang sana magtalon siya sa kilig sa harapan nito ay ginawa na niya. Ang OA mo mag react ano! Anang kontrabidang isip niya. Inggit ka lang! Sagot naman niya.
"Good morning... bakit ka nandito? Paano ka nakapasok? Baka makita ka ni Dad!" aniya sa pag alala
Ngumiti sa kanya ng matamis hinagod pa ang kanyang ulo. "Relax, pinadalhan ka ni Manag Sita ng pagkain. Bakit hindi ka kumain kagabi?" nagtatakang tanong ni Keith. Naalala na naman niya ang tagpo kagabi. Sana lang ay wala ng nabanggit si Manang Sita tungkol kay Frances.
Inilapag naman nito ang pagkain sa harap niya, nakakatakam naman ang inihain ng nobyo niya."Ah. Eh.... Nakatulog kasi ako kaagad" pagsisinungaling niya. Nakita niyang tumatango ito kaya napanatag din siya. "Thank you dito ah"
Agad nilantakan ni Sabrina ang pagkain. Wala siyang pakialam kung nasa harapan niya ngayon ang nobyo niya. Kagabi pa siya gutom kundi lang sana nangyari kagabi na di niya inaasahan ay maayos sana ang pagkain niya. "Ginutom mo talaga ang sarili mo." komento nito saka tumayo na, teka? Nagtatampo ba 'to?
"Kagabi lang naman ah, saan ka pupunta?" aniya
"Lalabas na ako"
"Samahan mo muna ako dito."
Tinitigan lang siya ni Keith may ibang pahiwatig ng pagtitig nito sa kanya kaya iniwas niya ang kanyang tingin. Huli na para ma realize niyang nandito pala sila sa kwarto niya.
"Lalabas na ako hangga't kaya ko pang magtiis sweetie." anito at ngumiti ng nakakaloko. Mas lalong nag iinit ang pisngi niya sa sinabi ng nobyo.
Narinig nalang niya ang tawa nito at pagbukas ng pinto. Naiwan naman siyang nakatulala at habol ang hininga. Damnit! Parang natanggalan siya ng tinik ng siya nalang mag isa sa kwarto.
"Hija!" tawag ni Manang Sita ang nagpabalik diwa niya.
Tumayo siya agad at binuksan ang matanda. "Bakit ho?"
"Pinasabi ng Papa mo maghanda ka mamaya may darating na bisita."
Kinakabahan na naman siya parang pamilya itong tagpo sa kanya. Gusto niya sana itanong kung sino ang bisita wala naman silang inaasahan bukod sa pamilya Ramirez.
Agad na naghanda si Sabrina pinadala nalang niya kay Manang Sita ang pinagkainan niya at lumabas na din pagkatpos. Nadatnan niya ang daddy at mommy niya nasa dining at ang mag amang Frances hindi lang silang dalawa ngayon kundi may kasama itong babae na kasing edad lang ng mommy niya.
Nakatingin ang lahat sa kanya ng dumating siya doon. "Good morning honey!" ani Mommy na malapad nag ngiting sumalubong sa akin.
"Emerald, si Sabrina" pakilala ng mommy niya sa babaeng katabi ni Ricardo.
"Hi Sabrina, ang ganda mo naman talaga kaya pala itong si Frances nahuhumaling sa iyo." ani ng ginang na si Emerald.
Pinasadahan ko ng tingin si ang katabi nitong si Frances, nakangiti ito sa kanya pero bagkus ang lungkot ng mga mata ng binata. "Hi po!" baling niya sa ginang. Umupo siya sa gilid ng mommy niya
"So let's start Alfonso!" ani Tita Emerald sa galak na boses.
Tumikhim muna ang daddy niya, mayamaya pa ay dumating ang mga nakatulong nila na may dalang mga pagkain. Pero mas naagaw ang atensiyon niya sa nobyo na tumulong sa paghain ng pagkain sa mesa. Nagugulahan si Sabrina sa nangyayari. Mataman niya tinignan ang nobyo pero hindi man lang ito tumingin sa gawi niya at nasasaktan siya doon. Nilagyan ng tubig ang tig iisang baso nila nang napadako ito sa tapat niya ay tumayo siya bigla at natabig ang tubig kaya nabuhusan siya nito. "I'm sorry po!" anito agad naman itong dumalo sa kanya, basa ang damit niya.
"Tulungan mo ko!" mahina lang 'yon pero may diin sa boses.
Hinila niya si Keith paakyat sa kwarto niya at isinarado ang pinto. "Anong ginagawa mo? Bakit ka tumulong?" aniya
"Bakit? Ayaw mo? Gusto ko lang makatulong."
"Boyfriend hindi mo dapat ginagawa 'yan"
"Bakit alam ba nila? Hindi naman diba?" anito na may paghihinagpis ng boses. Parang sumasakit ang puso niya doon. Oo nga naman ano ba ang pinagpuputok ng butse niya. "Magbihis ka na naghihintay na sila sa baba!" anito at tumingin sa nabasang parte ng damit niya bakat doon ang panloob niya kaya agad siyang napatakip.
Napangiti ito ng nakakaloko, "Kanina ko pa 'yan nakita."
"Tsee! Ang manyak mo!" magbibihis na sana siya ng hapitin siya ng binata sa bewang at isinandal sa pinto. Nalanghap na naman niya ang shower gel ng lalaki. Ang lapit ng mga mukha nila. Dahan nitong binaba ang labi sa kanya napasinghap siya sa sensasyong dulot ng halik ng nobyo. Lumalim pa ang halikan nila kundi pa siya nagpigil. "I love you" aniya at umalis na para magbihis, tumungo na siya sa banyo.
"Magkita tayo mamaya sa love bridge" narinig niyang sabi ni Keith.
"Okay! Noted!" sigaw niya din dito.
BINABASA MO ANG
The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)
Romansa#MAJOR EDITING She left and nowhere to find. She hate all the people around. She only thought betrayal of her family. Leaving her precious life and turn to nothing Sabrina found Keith and asking living in one roof for a meantime. Kahit sa panandali...