***
Ilang araw na niyang hindi nakikita sa bahay si Keith mula nang ihatid siya nang gabing 'yon. Hindi niya maitanggi na namiss niya ang lalaki. At sa araw din na hindi niya nakita ito, mas lalong nalungkot siya. Ayaw niya sa pakiramdam na ganito. Ilang araw na siyang balisa kung ano ba ang nararamdaman niya sa lalaki.
Gusto niya laging kasama ang lalaki. Masaya siya kung kasama niya ito. She feel secured with Keith around, para bang makakampi siya sa ano mang mangyayari. She sighed heavily, sa bawat araw na pinipigilan niya ang puso para kay Keith mas lalong lumalaki ang pag ibig niya dito. Nagbalik siya sa diwa ng tumunog ang phone niyang hawak, nasa likod bahay kasi siya nagpapahangin saglit at para makapag isip na rin.
"Elsa?"
"Hi bestie! How are you? Mabuti at sinagot mo na ang tawag ko." anito sa boses na pagtatampo.
Nakailang miscall si Elsa sakanya noong isang araw. Hindi ko kasi dinala ang phone ko nang pumunta kami ni Keith sa Asyenda. Kaya ti-n-ext ko nalang siya na tumawag nalang ulit dahil may lakad ako. Ito naman ang hindi tumawag naghintay pa naman ako.
"I'm fine best." aniya hindi niya kaya maging masaya. She feel bothered. Baka tinotoo na ni Keith ang sinabi niya na bye, nasaktan lang ako. Kaya ko sinabi 'yon.
"What's wrong best? May nangyari ba? Mukhang malungkot ka yata?" she sighed again, tama naman kasi ang kaibigan niya.
"I'm okay best don't worry."
"Hmmm, I know you Sabrina. Don't denie it! Sa debut mo pa rin ba? Nah, take my advice. You should take someone to be your pretend boyfriend." ang hirap naman ng pinagawa ni Elsa, sino naman ang ipapanggap niya? Si Keith?
Parang may umilaw sa isipan niya sa sinabi niya sa huli? Bakit hindi? Ang problema kung papayag si Keith sa gusto niya. Hindi na nga niya nakita ang lalaki ilang araw na. And all of that fu*** days was tortured for her because she miss Keith a lot.
"Bye Elsa. I have important thing to do. I call you later!" aniya at binaba ang phone. Parang aangal pa nga ito pero kailangan niyang makita ang lalaki ngayon.
Tumayo siya sa duyan at pumunta sa kwarto niya para magbihis. Simpleng plain dress ang sinuot niya at naglagay lang siya ng pulbo at lip tint. Pinusod niya ang kanyang buhok, at may ilang hibla ng buhok niya ang hinahayaan lang niya doon. Nang nakuntentong pinasadahan ang anyo sa salamin ay nagmamadali siyang bumaba. Mabuti nalang at wala lagi ang ama at ina niya. Maagang pumunta si Dad sa Asyenda at maging si Mom ay maaga din umalis. Iwan niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito, kaya malaya siya nakakalabas ng bahay na hindi nito alam.
Nang nakalabas na siya ay dun lang niya naisip na hindi pala niya alam kung saan pupuntahan ang binata. Oh comm'n Sabrina. Mag isip ka kung nasaan 'yon. You need him. Napangiwi pa siya sa sinabi ng kontrabidang isip niya.
Narinig niya na may naglalaro sa gym sa tapat lang ng bahay nila. Kaya pumunta siya nagbabasakaling nandun ang lalaki. Sumimple siyang tumingin sa court, laking tuwa niya ng nakita ang lalaki doon. Busy ito sa pakikipaglaro, pumapalakpak pa siya ng na shoot ang bola sa pagtira nito.
"Miss? Halika rito. Mas maganda dito titingnan." alok ng magandang chinita na babae sakanya ang upuan na sa tabi nito. Hindi naman siya umayaw at pumunta siya sa gilid ng babae. Ang tamis ng ngiti nito habang nakatanaw sakanya kaya naiilang din siya. "Hi, ako pala si Rio." anito at inilahad nito ang kamay sakanya.
Hindi naman siya nag aalangan na tanggapin ang kamay nito. "Sabrina." simpleng sagot niya. "Ang ganda mo." anito, namula naman siya sa sinabi nito. Sanay siya na sabihan ng mga kaibigan niya na maganda siya ngunit may halong pang aalaska naman 'yon. Ngumiti lang siya sa babae. She is speechless.
BINABASA MO ANG
The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)
Romansa#MAJOR EDITING She left and nowhere to find. She hate all the people around. She only thought betrayal of her family. Leaving her precious life and turn to nothing Sabrina found Keith and asking living in one roof for a meantime. Kahit sa panandali...