“SABRINA! hija! Ikaw na ba 'yan! Ang ganda mo talaga walang kupas.” bungad ni Manang Sita sakanya ng makalabas siya sa kotse. Mas lumapad at sumingkit ang mata ng matanda ng maaninag si Taner na kasunod niya.Ngumiti siya.“Magandang araw po Manang, kamusta?” niyakap niya ang matanda. “Okay lang ako hija, ikaw ang kamusta.”
Sinalubong nito si Taner at niyakap.“Ito na ba si Taner, ang gwapo manang mana sa Ama.” bahagya pang napatakip sa baba ng mapagtanto siguro nito ang sinabi.
“Mama sino po siya.” magalang na tanong ni Taner na nakatanaw kay manang.
“Siya si Manang Sita, ang nag aalaga sa Lola mo.”
“Hi po ako po si Taner, gwapo po ba ako? Sabi ni Tito Al manang mana ako sa papa ko, pero di ko pa siya nakita. Nakita niyo na ba siya, gwapo ba? Mas gwapo ba sa akin?” ang sunod na sunod na tanong ng kanyang anak. Kita niya sa mukha ni manang Sita ang manghang mangha kay Taner.
“Aba, ang daming tanong ng bata ka.” ginulo ni manang ang buhok ni Taner. Bumaling naman ito sakanya.“Ilang taon na ba ito hija?”
“Limang taon na po si Taner, manang.”
“Sus, maryosep! Parang di bata magsalita ah,” nasa gulat ang tinig.
“Manang may bisita ba si Daddy?” mapaklang ngumiti si manang at may kislap sa mata ng tinignan siya nakunot naman ang noo niya.
“Manang? Tinatanong ko ho kayo.” untag niya.
“Ay, sorry.” napahagod ito sa batok.“Oo. Pero umalis na din nang dumating kayo.”
Nakita nga niya ang dalawang kotse. Ang isa ay itim na Ford ang nakasunod ay red BMW. Gusto niya makita ang nasa loob niyon pero tulad ng kotse nila ay tinted din iyon. Parang kilala niya kasi ang sumakay doon sa Ford.
“Sino po sila at anong pakay nila kay Dad.”
“Ahh, e' maay problema kasi sa Asyenda.”
Napaisa ang kilay niya sa narinig, she is surprise to heard that. She never heard it from her mom when called her. Ganun na ba talaga ka problemado ang Dad niya sa Asyenda at humingi na ng tulong. Di niya akalain na dadating sa punto ng ganun ang isang Alfonso.
“Sita! Ang daldal mo talaga!” balik diwa naman siyang napatingin sa taong matinis na tawag, ang kanyang ama habang bumaba sa hagdan nakasungkod ito.
Hirap na itong maglakad dahil inatake ito sa puso at nagkomplikado ang sakit, mapait siyang ngumiti sa sarili. She bit her lower lips to stop the tears want to fell, she feel bad pero hindi parin nakunan ang pagkamuhi niya dito.
“Lalo!” tumakbong salubong ni Taner sa kanyang lolo. Di pa rin nagbago ang tawag ng anak. Lalo pa rin. Agad naman napayakap ang Dad niya. “Gwapo ng Apo ko at ang bango pa.”
Akay si Taner na lumapit sakanila.
“Sorry naman Alfonso.” pagpaumanhin ni manang nang nakalapit na. “Bumalik kana sa trabaho.” utos ng kanyang ama dito. Nagmamadali naman si Manang pumanhik sa loob.
“Mabuti at dumating ka, you have to help me.” she turn her head, napailing na naman siya. Parang deja vu ang pangyayari limang taon na ang nakaraan.
She sighed, pagod niya itong tinignan.“Wala pa rin kayong pagbabago Dad, tulad pa rin kayo ng dati.” nilagpasan niya ito pero di pa siya nakahakbang sa hagdan ng bahay nagsalita ito muli.
“I don't want you to do it by forcing yourself hija. If you want to, I considered it.” mahinahon nitong sambit. May nagbago pala, mas kalmado ang boses nito. Di tulad ng nasanayan niya.
Lumingon siya dito, si Taner ay nakikinig lang sa kanila at palipat-lipat ang tingin.“Pagod ako Dad, please pahingahin mo muna ako.”
“Taner, lets go inside. Lala wait you inside.” matamis siyang ngumiti sa anak. “Let's play later lalo.” anito at kumindat pa, di niya tuloy mapigilang matawa. Kahit kailan talaga si Taner ang pampawi ng problema niya sa buhay.
Tumawa din ang Dad niyang nakatanaw sakanila papanhik sa loob.
Nakita nga niya ang mommy niya na pababa sa grand staircase. Nalamyos pa niya ang bango sa loob ng bahay. Oo nga pala, hanggat nabubuhay ang lola niya ay palaging maayos ang bahay at laging pinapaganda.
“Lala!” takbong yakap ni Taner sakanyang Lala.
“Finally, nakayakap na rin ako sayo.” natatawang sambit ng Mommy niya.
“Lala, nag aaway sila Lalo at Mama kanina.” nagpuot itong sumbong sa Lala niya. “Taner!” banta niya.
“Ano sabi mo apo? Nag away ang mommy mo at Lalo?” lumukob ang inis sa boses ng mommy niya.
“Taner! Di kita tinuturuan maging ganyan, alam mo bang kasalanan ang makinig sa usapan ng matatanda!” matigas niyang sabi habang palapit sa anak na umalingkis sa kanyang Lala.
“Sssh, huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang apo ko honey, bata lang si Taner.” anito at niyakap ang apo.
“Hindi dapat palalakihin ng ganyan iyan Mommy. Kailangan kong turuan ng maayos ng ugali ang anak ko.”
“Teka nga! Bakit ka nagagalit sa bata, totoo ba na nag away na naman kayo ng papa mo?”
Marahas siyang umupo sa sofa, pumikit siya ng mariin. Ngayon pa lang siya dumating pero problema agad ang bumungad.
“Totoo ba anak?” umupo ang mommy niya sa gilid. “Sita!” tawag niya kay manang.
“Ano ho iyon?” rinig niya ang boses ni Manang sita.“Kunin mo muna si Taner, iakyat mo sa kwarto niya.”
“Sige. Taner hijo, halika.”
Dumilat siya at nakita niya si Manang na akay ang anak niya papanhik sa ikalawang palapag ng bahay.
“Hindi pa rin nagbago si Daddy, Mom.” mungkahi niya.
“Bakit anak?”
“He asked me again to help him.” lumunok siya ayaw niyang makita ng ina ang hirap niyang pagpigil sa luha. Tumingala siya, nanumbalik lang kasi ang sakit sa nangyari noon.
“Sabrina, your father really need help now. Nawawala na ang mga tao niya at di matapos-tapos ang pag ani ng katubuhan dahil kulang na siya sa tao. He is running out time, off season na at magsira na ang central.” malungkot na lahad na kanyang ina.
May munting awa siyang naramdaman sa ama niya, bakit nasaan na ba ang mga tao nito noon. Sa kalawakan ng Asyenda ay alam niyang maraming trabahador ang ama.
“At matindi ang kalaban niya sa negosyo anak. ” patuloy ng kanyang ina. Kumunot ang noo niya,“Paano nangyari 'yon Mom? Di ba tayo ang may pinakamalaking lupain dito.”
“Noon iyon anak, hindi na ngayon.”
“Anong kailangan ng Dad, Mom? Bakit kailangan ko siyang tulungan? Anong alam ko diyan.” umiling siya, nakadama na naman siya ng kaba at samu't saring pumasok ang ideya ng ama sakanyang isipan.
Nakaramdam siya ng pamilya na kaba, nanumbalik ang sakit na naramdaman niya noon limang taon na ang nakaraan. Wala naman kasi siyang ibang pakinabang sa ama kundi ipagkasundo siya. Kasal? Nagtiim bagang siya, nunkang papayag siya, hindi na siya ang Sabrina noon na palaging susunod at uutusan lang.
“Sino ba kasi ang kalaban na 'yan ng Dad, at kailangan ko pang madamay diyan.” inis niyang turan.
Wala naman siyang potensiyal sa negosyo ng ama niya. Oo nga at nagtapos siya sa pag aaral pero si kuya Aljohn naman ang mamanahan ng Asyenda.
“Si Keith.” napaawang ang labi niya sa narinig ng Dad niya papasok ng bahay. Lumukob ang hinagpis niya sa narinig na pangalan.
“Si Keith?”
BINABASA MO ANG
The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)
Любовные романы#MAJOR EDITING She left and nowhere to find. She hate all the people around. She only thought betrayal of her family. Leaving her precious life and turn to nothing Sabrina found Keith and asking living in one roof for a meantime. Kahit sa panandali...