PINAHID niya ang luha at kumalas sa bisig ng lalaki, tahimik siyang pumasok sa kwarto ng kanyang anak. Humihikbi siya papalapit kay Taner na may nakakabit na oxygen, pagod siyang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama.“Anak ko, mahal ka ng Mama ha, gumising kana oh.” aniya at pinaghahalikan ang kamay ng anak niya wala na siyang pakialam kung ano ang hitsura niya ngayon sa kakaiyak. Wala siyang pakialam kay Keith na sumunod pala sakanya.
Di niya maiwasan ang magdamdam, mahal na mahal niya ang anak higit sa pagmamahal na meron siya sakanyang sarili. Si Taner nalang ang meron siya, si Taner nalang ang nagpapasaya sakanya, si Taner nalang ang rason kung bakit pinagtuloy niya ang buhay niya at si Taner nalang ang pagasa niya na mamahalin siya ng walang kahit kapalit.
“Nasaan ang ama ni Taner.” suminghot siya sa narinig at tumingin dito.
Nagtiim bagang ito at namumula ang mata, parang pinipigilan na emosyon doon. Hindi niya nakayanan amg titig kaya umiwas siya at tumingin lang sa mukha ni Taner. Di pa ngayon, di dapat ngayon malalaman ng lalaki kung sino ang ama ni Taner.
“Bakit di ka makasagot? Tang**na! Sabrina, sino ang ama ni Taner!” tumaas na ang boses ni Keith kaya napatayo siya at sinalubong niya ang matulis na titig nito.
“Si Frances sino pa ba?” pagsisinungaling niya, tinitatagan niya ang sarili na hindi pipiyok sa harapan ng lalaki kahit nangangatog na ang tuhod at nanginginig ang mga kamay.
Umiwas ito ng tingin at umupo sa gilid ng anak, matagal itong nakatitig kay Taner. Piniga ang puso niya sa tanawin ng mag ama. Nakokonsensiya man siya dahil pilit niyang pinaglayo ang mag ama na kusa na ang tadhana ang naglapit dito.
“Kahit kailan talaga ang sinungaling mo Sabrina, pati ba anak ko ililihim mo? Alam ko! Alam ko sa sarili ko na ako ang ama ni Taner! Bakit ba ayaw mong makilala ang anak ko!” nanlilisik ang mga mata ni Keith na dinuduro siya, nagsalabasan ang mga luha niya ng kusa. Napahilamos siya,“Ang selfish mo! Alam mo ba 'yon! Wala kang kasing sama! Magsama kayo ng ama mong matapobre!”
Hindi niya nakayanan ang mga lumabas sa bibig ng lalaki, parang isang libong kutsilyo ang isinaksak sakanyang ng paulit-ulit, malakas na sampal ang binigay niya.“Huwag mo akong itulad sa ama ko Keith! Magkaiba kami! Ka-hit kailan hindi ako naging katulad sakanya!”
“Talaga ba? Anong tawag sa ginagawa mo ngayon?” nakaprenteng nakapamulsa ito na tinitigan siya. Hindi ito natinag sa binigay niyang sampal. “Minsan ba naisip mong ipakilala si Taner sa totoong ama niya? Ha? Sabrina?”
“Hindi. Para ano pa? Masaya na kami kahit wala ka. Masaya kami na kami lang, at ito ang tatandaan mo wala kang makukuha sakin kahit si Taner!”
Nagkibit ng balikat ito at mapaklang tumawa.“Simple lang, sa korte nakang tayo magkikita.”
Tumawa na din siya, parang sigurado kasi ito sa mga pinagsasabi.“Paano mo mapatunayan?”
“Hindi na kailangan, ang Dad mo na mismo ang nagsabi na anak ko si Taner. Alam ko na ang totoo kanina lang.”
Napakuyom siya sa galit at nagmadaling lumabas naabutan niya ang kanyang ama at ang kanyang ina na tahimik. Nang nakita siya nito ay agad itong tumayo,“How dare you Dad, bakit niyo ako pinangunahan sa gagawin ko at desisyon ko para kay Taner! Sino kayo para sabihin ang totoo! Ang selfish niyo! Ang selfish niyo Dad! Kayo nalang lagi ang masusunod! Ako ang ina! Ako dapat ang nagsasabi ng totoo!”
Hiyaw niyang iyak, umalo naman ang kanyang mommy sakanya napaluhod siya habang yakap ng kanyang ina. “Iniisip ko lang si Taner anak, gusto kong makilala niya ang kanyang ama. Kailangan pa ba patagalin nang gayong nasa harapan na ang kanyang ama?”
“Hindi niyo alam ang sinasabi niyo dad, ang sabihin niyo tungkol na naman ito sa negosyo niyo! Dad for god sake! Bata pa lang ang anak ko! He will know that but this not the right time!”
“Kailan ang tamang panahon anak? Kung wala na ako? Wala nang mangingialam sa buhay niyo? Alam kung malaki ang kasalanan ko sayo, sana naman hayaan mo akong bumawi sa inyo ni Taner. Itinatama ko ang kamalian ko.” napaurong naman siya sa nakitang luha ng kanyang ama, sa kaunaunahang pagkakataon nakita niyang umiiyak ang kanyang ama.
“Alfonso makakasama sa iyo iyan, may sakit ka sa puso!” agad naman dumalo ang mommy niya. “Umupo.ka dito.”
Natulala siyang nakatingin lang sakanyang ama na umiiyak pa rin, di niya nakayanan ay lumabas siya at nagtuloy sa chapel sa hospital. Umupo siya at dun ibinuhos niya ang kanyang mga luha.
Ilang minuto din siyang nakaupo doon nang may naramdaman siyang umupo sa gilid niya, nang lingunin niya ito ay si Keith pala. Tahimik lang ito sa tabi niya, at mayamaya ay huminga ng malalim.
“Bakit di mo sinabi sakin noon na nagdalantao ka?” basag na tanong sa katahimikan nilang dalawa.
Matagal siyang hindi umimik, pinunasan ang kanyang mga luha bago nagsalita.“Hindi ko na nagawa pa, nasa simbahan ako nun nang bigla ako nahimatay.” huminto siya at awkward na ngumiti, hindi niya alam kung ikukwento niya ang parteng iyon. Pero sige na, bahala na, siguro ito na din ang tamang panahon at sabihin niya ang totoo.
“I was marching on that day but i was collapsed.” tinignan niya si Keith, may pait sa mukha. “Nang nagmulat ako ay nasa hospital bed na ako, at iyon nga sinabi na nang doktora nga buntis ako. Siguro sa mga panahong 'yon wala ng nagawa ang dad kahit kita sa mukha nito na galit na gakit sakin.”
“Bakit di mo ko hinahanap?” nasa tono ang lungkot at dismayado.
“Sa paglabas ko ng hospital sa airport na kami dumiretso. Sa amerika na ako nanganak kay Taner, kasama ko dun si Kuya Aljohn.”
Matagal hindi ito nagsalita, nakita niyang lumuha ito, napakuyom ang kamao at pulang pula ang mukha. Agad niyang niyakap ang lalaki, hinayaan lang din naman siya sa ginawa. “I'm sorry, I am so sorry, sana nandun ako sa mga panahon na kailangan mo ako. Sana nandun ako habang lumalaki si Taner, sana—”
“Sshh, okay na, patawad kong di ko agad sinabi sayo pero maniwala ka hindi ko tinatago na isang gwapong katulad mo ang ama ni Taner.” mapaklang tumawa siya, pinapagaan niya lang ang sitwasyon kung sana pwedeng ibalik ang kahapon ay ginawa na ni Sabrina.
“Hindi ako makapaniwala na may anak na ako. Di ko inakala na darating ang oras na ito.”
“Ako din e', hindi ko inakala na malalaman mo sa ganitong sitwasyon pa. Nang isang linggo pa gusto kitang makita, dinalaw ako ni Leon at Rio.” huminto siya at kumalas sa pagkayakap sa lalaki.“Nakakainggit ang dalawa no, ilang taon na ang nakakalipas pero sila pa rin, ibang klaseng pagmamahalan iyon.” mapaklang ngumiti siya, di maiwasan ang pait sa tinig.
“Let's go! Baka hinahanap na tayo ng anak natin.” anito nagpatiuna itong tumayo at naglakad.
Tahimik siyang sumunod, may kirot siyang naramdaman sa puso. Ano ba ang inaasahan niya, kahit malaman nito na ang sarili ang totoong ama ng bata hindi ibig sabihin na may babalikan pa siyang lugar sa puso nito.
“Babe!” matinis na tinig ang boses ng babaeng umalingkis kay Keith. Niyakap ng mahigpit, agad siyang nag iwas ng tingin parang may kumikirot sa puso niya sa sandaling 'yon.
Maganda ang babae halatang hindi taga probinsiya kahit simpleng damit ay kumikintab ang balat nitong maputi at mapupulang labi, medyo may pagkablonde ang buhok. Matangkad din ito, sexy ang katawan mukhang isang modelo.
Nasa pinto na sila ng kwarto ni Taner, tumikhim muna siya at agad na pumasok. Pagkasara niya ay agad gumagaralgal ang boses niya ng iyak, din niya naalintana na nandun pala ang mga magulang niya.
“Honey, bakit ka umiiyak?”
“Mo-omy,” hikbi niya, niyakap siya ng kanyang ina.“Anong nangyari ha, anak?”nagaalalang turan ng kanyang ina.
“Mo-m, mahal ko pa siya mom.” patuloy niyang iyak.
BINABASA MO ANG
The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)
Romance#MAJOR EDITING She left and nowhere to find. She hate all the people around. She only thought betrayal of her family. Leaving her precious life and turn to nothing Sabrina found Keith and asking living in one roof for a meantime. Kahit sa panandali...