Kabanata 15

47 5 5
                                    


MASIGARBONG palakpakan ang narinig ni Sabrina sa paglabas niya sa pintuan. Matipid siya ngumiti habang pinasadahan ang mga bisista niya sa araw ng kanyang debut. Yes. It is her 18th birthday.

Agad siyang bumaba sa hagdan na parang isang prinsesa tulad ng nasa fairytale. Maganda ang gown na pinili ng mommy niya. Isang Red tube dress ang pinagawa nito. Dahan-dahan siyang bumaba, nakatingin lang ang mga bisita ng mga magulang niya. Nakita niya si Frances sa may dulo ng hagdanan. Nakangisi itong nakatingin sakanya. Nakita niya ang mga pinsan niya sa kaliwang mesa na tinatanaw habang pababa siya. Habang nasa kanan naman ang mga magulang niya at ang mga tita at tito niya kasana ang magulang ni France. She's smile bitterly.

Wala na may nanalo na sa puso niya. Ngumiti siya kay Keith na prenteng nakatayo sa sulok at gwapong gwapo sa suot nitong blue polo suits.

Nahagilap din sa isang  sulok si Keith. Parang gusto niya itong yakapin mahigpit dahil pumunta ito. Hindi kasi ito nangakong pumunta, alam kasi ng lalaki ang kasunduang kasal nila ni Frances. Kita niyang nasasaktan ito pero itinitago lang.

“Your look beautiful and stunning.” nakangiting salubong ni Frances sakanya. Matipid lang niyang nginitian ang lalaki.

Tinanggap niya ang bisig ni Frances at ipinilipit ang kanyang kamay doon. “Wala man lang bang compliment diyan?” anito habang papunta sila sa gitna.

Nagsimula na ang 18th dance niya.

Umugong ang kantang You by baril valdez.

“You don't look handsome on your suits Frances.” matabil niyang deritsahang sabi.

Mapaklang tumawa ito.“You are so harsh Sabrina, one of this days ay maging akin ka naman.” prente nitong sabi.

Iniwasan nalang niya ang malagkit na titig nito. Binalingan niya ng tingin ang kaninang tinatayuan ni Keith pero wala na ito roon. Nadisapoint siyang tumingin muli sa harap.“In your dreams France. I would not let that happen.”

Nagpaawang ang labi nito na may sasabihin  pa sana ng naagaw ang atensiyon nila ng pinsan. Matamis siyang ngumiti kay Lance.“Pwede bang hiramin ang pinsan ko pare?”

Walang nagawa si Frances at tumango nalang, tahimik naglakad palayo. “Kamusta kana kuya Lance.” masiglang bati niya sa pinsan.

Kibit ng balikat ito.“Ito gwapo pa naman. Nagbibilang na nga ako ng mga chix.” birong sabi nito napatawa tuloy siya

“E ikaw ba? Masaya ka ba?” natigilan siya sa tanong ng kuya niya. Nagkibit ng balikat din siya.

“Siya ba yung magiging asawa mo?” anito na pinasadahan ng tingin si Frances.“Don't say it kuya. I hate it.”

“You don't like him?” marahan siyang tumango. Nahihirapan siya ayaw niya pero siya magagawa.

She is happy in love to Keith Miranda. Gusto niyang ipagsigawan dito sa pinsan. Walang ibang nagmamayari sa puso niya. “Tito Al is mess. Laging alam nitong kung paano mag kontrol. To be honest Sab, I don't like him.”

Gusto niyang umiyak sa harapan ng kuya Lance niya para panigan siya sa gagawin niya mamaya. She planned to escape, wala ng makapagpigil sa kanyang gagawin. She planned this, walang ibang nakakaalam kahit si Keith. Ayaw niyang matali sa taong hindi niya mahal.

Nagpalit na ang mga kanta at kung sino ang nakasayaw niya na di niya kilala except kuya Lance, kuya Larry at Kuya Martin.

Sinayaw din siya ng kanyang mga tito at sa huli ay ang ama niya. Matamis ito nakangiti habang sinasayaw siya. The songs filled her system.

Dancing with my father again. Ang titile na kanta.

“Happy Birthday anak.” nakangising saad nito.

“Thank you Dad.”

“Alam mo naman na mahal kita di ba, ayaw kong mapapahamak ka. Gusto kung maayos ang buhay mo anak. Just trust me okay.”

Mapaklang ngumiti siya, ano pa nga ba. Ayaw niyang maghimagsik para sa ama dahil ama niya iyon pero ayaw niyang makasal sa taong di niya mahal.

His last dance with her father, namasa ang kanyang mata pero pilit na itinago iyo.

Nang matapos ang kanta ay lumakad na sila ng daddy niya sa mesa kung saan ang mga pamilya niya nakaupo.“Happy Birthday anak.” saad naman ng mama niya.

Sumunod naman ang mga iba pang tita niya sa pagbati. Nang nahagilap niya ang isang Esmeralda Ramirez ay ngumiti siya. The woman in her mid 40's katabi ng mayor.

“Happy birthday hija! Ang ganda mo pala talaga. Tama nga ang anak ko!” hiyaw ng sabi ng ginang. Nahiyang ngumiti siya dito.“Sinong anak niyo ma?” ni Frances na biglang lumitaw doon.

Hindi man niya nabigyan ito ng tingin. Pagod siyang umupo sa isang upuan.

“Of course anak, ikaw.” rinig niyang sagot ng ina nito.

“I like her anak.”

Napahilot nalang siya sa sintido napahagod sa ulo. “Are you okay?” medyo sumakit kasi ang ulo niya at masakit din ang mga paa niya sa gamit niyang heels.

“I'm okay pupunta lang ako ng banyo.” di na niya ito hinintay pang magsalita at tumayo agad patungo sa loob ng bahay.

Palinga-linga na siya, di kasi niya makita si Keith kanina pa niya hinahanap ang lalaki. Hindi na niya kasi ito nakita sa kinatatayuan nito kanina. Gusto man niya itong lapitan agad pero naging abala siya sa bisita na hindi naman niya ito kilala.

Nasalubong niya si Ingrid. Ngumiti ito sakanya, ngumiti din siya kahit alam niyang di sila masyado magkasundo.“Happy birthday Sabrina. Ang bongga ng debut mo. Iba talaga basta paborito ng lola.” banat nito. Tinapangan niya ang titig dito. Kahit kailan talaga ay bastos ito.

Ngumisi siya ng matamis. Gusto niyang inisin lalo ang babae.“Ganun talaga kapag mabait na tao.” kininditan niya ito at iniwan.

Pumasok na siya banyo. Gusto lang niya magpalipas ng ilang minuto bago umakyat sa kwarto kinuha niya ang bag na naglalaman ng ilang gamit niya. Nagbihis din siya ng pantalon at simpleng t-shirt. Di niya alam saan siya pupunta pero gusto niya makausap muna  si Keith.

Nang binuksan niya ang pinto ay tumambad sakanya ang taong hinahanap niya kanina pa. Madali niya itong pinasok sa loob at niyakap ng mahigpit. She miss him. Hindi na sila nagkaroon ng oras nang matapos sa nangyari sakanila. Naging busy siya sa kanyang peparasyon sa debut niya.

“Anong ginagawa mo?” tanong nito ng kumalas ang yakap niya.

“Gusto mong sumama? Aalis ako.”

Napakunot ang noo ng lalaki.“What? Delikado ang gagawin mo.” angil ng lalaki.

“No. Its not. If you going to come with me.” aniya at akmang lalabas na

“Sabrina. Magagalit ang papa mo.”

“I don't care! Mas ayaw kong magpakasal dun sa di ko mahal. I need to break the traditional marriage.” madamdamin niyang sagot dito.

“Magkikita nalang tayo sa labas. Sa likod ako dadaan.”

Hindi na niya ito hinahayaan pang magsalita at lumabas na siya. Sa kusina siya dumaan. Papuntang likod ng kakahuyan. Siguradong walang makakaalam na wala siya ngayon dahil masaya ang mga bisita sa party. Paniguradong hahanapin na siya ng ama niya bukas ng umaga at nasa malayo na siya.

Good bye mama at Josuah.

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon