Kabanata 23

55 4 5
                                    


He has the right to know Sabrina

He has the right to know Sabrina

He has the right to know Sabrina

PILIT bumabalik ang mga katagang binitiwan ni Leon nang dumalaw ito sakanya at pilit din niyang winawaksi iyom sakanyang isipan. Hindi pa nga siguro handa ang puso niyang makita muli ang lalaki, ni hindi nga niya alam kung nabura na ang pagmamahal niya sa lalaking na gayomg hindi naman niya ginawa.

Kinapa niya ang dibdib niya, ramdam na naman niya ang kabog ng puso niya sa tuwing maalala ang lalaki. Mapait siyang ngumiti, siya kaya iniisipan ba kaya ng lalaki o kinalimutan na siya nito at kinamuhian. Ramdam niya ang sakit at hinagpis nang huli nilang pagkikita sa engagement party.

Hindi niya na nagawang ipaglaban ang lalaki, nangako siya sakanyang ama na itutuloy niya ang kasal kapalit sa buhay ng lalaki. Patuloy ng bumuhos ang luha niyang pinagmasdan ito sa malayo habang naglakad palayo. Piniga ang puso niya sa awa sa taong mahal na mahal niya. Kung pwede pa lang takbuhin niya ang lalaki at pugpugin ng halik upang pawiin ang sakit na nadarama ay ginawa na niya, pero lahat ng sulok ng bahay may bantay. Takot siya baka saktan na naman ng Dad niya si Keith.

Nang gabing iyon ay nagkulong siya sa kwarto at di na muling lumabas, walang nagawa si Frances at hinayaan siya nun.

Huminga siya ng malalim at nagpatuloy ng nagbihis at bumaba, mula nang isang linggo ay lagi nagkulong siya sa bahay. Nilukob na naman siya ng kalungkutan sa nakaraan.

"Sita dun 'yan sa labas," utos ng mommy niya na may dalang bulaklak na rosas.

Nasa hamba pa siya ng hagdan, lumilinga siya ang abal ng mga tao sa bahay pati ang Lola niya. "Anong mayroon?" puna niya nang nasa harapan na siya ng kanyang mommy.

"Utos ito ng 'yong ama anak, may bisita siya ngayon at isang selebrasyon na din sa pagdating mo." aniya ng kanyang ina na abala sa pag arrange ng bulaklak.

Napairap siya, kahit kailan talaga ang plastik ng kanyang ama. Noong isang linggo pa siya dumating,"Maghanda kana anak dapat maganda ang aking anak." nakangiting saad ng kanyang ina at hinahaplos ang kanyang buhok.

"I'm okay with this Mom." saad niya at umupo sa sofa.

"Si Taner pala."

"Nasa labas naglalaro na naman."

Tumayo siya at naglakad palabas. Di pa siya nakalabas pero narinig na niya ang tinig ng kanyang anak. Napangiti siya, ang daldal talaga ng anak niya.

Pero napawi ang ngiti niya kung sino ang kausap nito nasa mesa ng pang apat, nasa tabi ni Dad si Taner at nasa kabila naman ang dalawang panauhin. Napakunot ang noo niya ang pamilyar ng boses, na may kaba sa dibdib. Ngumiti si Taner ng makita siya at tumakbo ito sakanya nangingiti itong yumakap sakanya.

"Bakit nandito ka sa labas, anong tinuro ko sayo?" piningot niya ang ilong ng anak niya at sinundot niya sa tagiliran, humagikgik naman ang anak niya. "Ano nga?"

"Mama, huwag po." tawa pa rin ng tawa ang anak niya."Hindi kita titigilan basta hindi mo sabihin." natatawa niyang sambit.

"Oo na po," sumagap ng maraming hangin ang kanyang anak, naalerto naman siya sa kaba, ngayon lang nagkakaganito si Taner. Naala niya ang sarili sakanyang anak. It can't be.

"Taner? No! Taner! Inhale, exhale sundin mo si Mama anak."

"Ma-ma." hirapang sambit nito. Tumulo ang luha niya."Tulong! Dad, mom!"

Napaupo siya sa bermuda grass ng hinawi ang kamay niya sa isang taong di niya nakilala dahil hilam ng luha ang kanyang mata.

"Hey, baby boy huminga ka ng malalim sundin mo ako." narinig niyang sabi sa nag alalang boses sa harapan niya. Dumalo din ang mommy niya at lahat ng katulong sa bahay. Panay lang siya ng iyak, maraming takot ang naramdaman niya sa oras na iyon. Sa lahat lahat pa na pwede manahin ni Taner sakanya ay ang kanyang sakit pa. No! Humagulhol siya.

"Dalhin na natin ang apo ko sa hospital, Sita tawagin mo ang driver."

"Ako na po mag drive, sumunod nalang po kayo." kinarga nito ang anak niya mabilis siyang tumayo at sumunod sa lalaki. patungo sa sasakyan nitong nakapark sa labas, ang itim na ford. Parang pamilyar ang sasakyan."Leon, sumunod ka nalang din." baling nito kay Leon.

Sumakay na siya agad sa likod at ng mommy niya habang hawak niya si Taner na naghihirap pa rin huminga."Taner! Baby, please huwag mong iwanan si Mama, sorry na ha, di sana ito nangyari sayo kung di kita kinikiliti, mahal na mahal ka ng mama mo. Please." humihiyaw niyang iyak.

"Sssh, tama na anak, baka mapano ka. Okay lang si Taner." alo ng mommy niya.

"Mom, bakit ganun, sa lahat ng pwedeng manahin ng anak ko iyong pang walang kwentang sakit ko."

"Huwag mong sabihin iyan, anak, tulad mo makakayanan din ni Taner ang lahat ng 'to. Ganito ka din noon, limang taon gulang ka."

Niyakap siya ng kanyang mommy, dun niya binuha ang lahat ng luha niya. Di niya kaya mawala ang anak niya, hindi!

NASA labas lang siya kasama ang mommy at Daddy niya at si Keith, walang emosyon na ipinakita sakanya di na rin niya pinansin ang lalaki, hindi niya akalain na sa ganitong pangyayari silang dalawa magkikita. Si tadhana talaga oh, nanadya na talaga.

"Kayo po ang mga magulang ng bata." bungad sakanila ng doktora paglabas sa kwarto kung nasaan si Taner nakahiga, may oxygen na nakakabit sa ilong.

Agad tumayo silang dalawa at humarap sa doktor."Kamusta po ang anak ko dok."

"Okay na po siya Misis, matanong ko lang may history ba ang pamilya niyo sa asthma, bata pa ang iyong anak para makaranas ng ganito."

Napahilamos siya, napasa nga niya ang sakit niya sa kanyang anak. Di niya napigilan tumulo ang luha niya."Ako po dok, may history po ako sa asthma, bata pa lang din ako nun ng nagkaganiyan ako." nagtaas baba ang balikat niya.

Napasinghap siya ng may bisig na yumakap sakanya."Don't worry hija, gawin namin lahat ang makakaya. Sa ngayon stable na ang paghinga niya, ang gagawin mo lang ay huwag pagurin ang anak niyo, iwasan mapagod ang anak mo para di na siya sumpungin ulit."

Tumango siya, "Salamat dok." nakatanaw siya habang paalis ang doktora, natulala siya ang bata pa ng anak niya makaranas ng ganitong sakit.

"Ssh, it's alright, he will be alright."

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon