Kabanata 5

97 22 33
                                    

***

Agad akong bumaba ng sasakyan around 8 na kami dumating ng bahay. Sumunod din si Mommy at Joshua sa'kin. Papasok na sana ako ng tinawag ako ni Dad kalalabas lang niya ng sasakyan pati si Mommy ay napabaling kay Dad. "I'm fine Mom." Tiningnan ako ng seryoso ni Mommy tumango lang ito sumulyap muna ito kay dad at tuluyang pumasok na sa loob.

"What Dad?" turan ko tumambad sa'kin ang seryosong mukha ni Dad.
"Sumunod ka sa'kin may pag uusapan tayo." kalmadong pagkasabi nito. Sumunod naman ako sakanya patungo iyon sa malawak na Harden ni Lola.

"Hindi pa rin nagbabago ang isip ko hija walang magagawa ang kuya mong walang kwenta para dun."pagsisimula nito. Alam ko kung bakit niya ito sinabi tumawag siguro si kuya sakanya. At ano daw walang kwenta? Kahit anak niya ay kakalabanin niya. Napakuyom ang kamao ko sa sinabi ni Dad.

"Kahit anong gagawin mo ay iyon pa rin ang gusto ko. Narinig mo naman siguro ang pinag uusapan namin ng Tito Ricardo mo." walang emosyon na turan nito. Hindi ko nakita ang pagkabahala dito para sa Asyenda. Siguro ay may sulosyon siya at ako 'yon.

"About what Dad?" dahil sa Asyenda? Bakit? Pwede mo naman ma sulosyunan iyon!" mapawalang galang kong turan dito. Wala akong alam kung ano ang klase na pamamalakad nito sa Asyenda pero hindi isang matibay na rason ang pagpapakasal niya para maisalba ito.

Wala sila ibang pinauusapan nang nasa Isla kami. Ito'y tungkol sa Asyenda namin. Narinig ko pa ang isang problemang kinakaharap daw ng Asyenda.

"Sa tingin mo sino ang nagpapasunog ng Asyenda Al?" tanong ni Tito Rick kay Dad. Kumakain kami ng almusal nun. Kaya dinig na dinig ko ang pinag uusapan nila.

"Hindi ko pa alam Rick pero pinapaimbestiga ko na sa mga tao." sagot naman ni Dad. Patango tango naman ito halatang hindi kumbinsido.

"Baka isa sa tauhan mo lang 'yan Al? Huwag kang magtitiwala agad sa mga 'yun." dismayado akong tumingin kay Tito Rick. Hindi ko akalain ganyan siya mag isip. Siya ang Mayor ng lungsod. Mapanghusga ito. Bahagyang ngumiti sa'kin. Ngunit hindi ko binigyan ng pansin at binalik ang tingin sa pagkain. Spoiled brat ako pero may natitira pa rin akong awa sa puso ko. Nagrerebelde ako ngayon sa magulang dahil 'yon ang tama sa akin.

"Don't conclude anything if we don't have the proof Rick." sabad ni Mommy, maging ito ay kita sa mata ang pagkadisgusto sa narining mula dito.

"Your right Christine. If you need help I' am willing to help I have my connections. I am the Mayor. Lalong lalo na si Frances. May alam 'yon sa pagpatakbo ng Asyenda dahil pasasaan pa ay sakanya ito i mamana ni Anrey ang Miranda Corps." mahabang paliwanag nito. Kampante ito sa kung anong mga pinagsasabi. "At isa pa magiging magbalae tayo soon." dagdag nito. Parang bumaligtad ang sikmura ko sa huli niyang sinabi. Magbalae? The hell! Kaya pala namanahan din ang Frances ng yabang sa katawan. Tama nga ang sabi nila. The same feather flock together. Tsk!

Umalis ako ng tuluyan. Hindi ko kasi masikmura ang mga kayabangan. Jusko! Patawarin niyo ako.

"O baka naman dahil sa politika Dad alam kong tatakbo ka bilang Mayor kaya kailangan mo ang tulong---!" hindi pa ako natapos ay dumapo na ang mga kamay ni dad. Sinampal niya ako. Dahil sa sakit sa sampal ang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Stop it! Alfonso." si Mommy agad niya akong dinaluhan. Hawak hawak ko ang pisngi sumubsob sa dibdib ni Mommy. Ang hapdi ng mga 'yon. Bumuhos na ang luha ko. Umiiyak na akong tuluyan. "Manggagamit kayo Dad!" singhal ko dito at yumakap na ulit kay Mom.

"Hindi mo naintindihan Sabrina! Tungkol ito sa Asyenda!"anito sa mahinang boses. Kumalas ako sa yakap ni Mommy tiningnan ko si Dad. Namumula na ang kanyang mukha sa galit. Pailing iling akong lumalayo sa kanila doon. Tinatakbo ko na ang loob ng bahay hanggang sa makarating ako sa aking kwarto. Ibinagsak ang aking katawan sa kama napayakap ako sa aking tuhod nanginig iyon. "Hinding hindi ko 'yon gagawin dad. Ayaw ko sa Frances na 'yun." impit ng iyak ko sa loob habang hilam ng luha ang aking mata. Masama talaga ang loob ko kay Dad kahit ano pa ang sabihin niya para gawin niya 'yon ay hindi makatarungan ang bata ko pa para diyan. "Ang selfish niyo!" pag sisigaw ko sa loob.

***
"Nandito na ang Damit mo Anak?" sambit ni Mommy kaya napabalik ang diwa ko sa sinabi ni Mommy nasa kwarto ko pala ito. Nang araw na iyong nag uusap kami ni Dad ay nagkukulong na naman ako sa kwarto lalabas lang ako kung wala si Dad.

"Ready kana ba honey? I am so excited sa daratingong debut. How many days to count off magiging dalagita kana totally." matamis na ngumiti si Mommy sakin, ipinapakita ang damit ko para sa debut ko. Pero nakatalikod ako sakanya. Isang linggo nalang ang hihintayin. Hindi pa ako naiisip na paraan para akong mababaliw sa araw araw.

"I don't know Mom" walang gana kong sagot dito. Umupo si Mom sa kama at hinagod ang aking likod "honey. Don't talk like that. I want you to be happy." anito sa nag aalalang boses. Nag aalala nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit walang tutol ito. Pinagkaisahan ako ng lahat. Naramdaman kung tumayo ito.

"Sana anak maintindihan mo ang ginagawa ng ama mo. He loves you very much. Tandaan mo 'yan." anito at umalis na ng tuluyan. Mahal? Kung mahal niya hindi niya ako ipiplit sa pagpapakasal na 'yan. Tumulo na naman ang luha ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ng wala na si Mom ayaw kong makita niya ang mugto kung mata sa kaiiyak dahil sa aking naririnig

"Ricardo, gusto ko si Frances ang escort ni Sabrina sa debut niya."

"Gusto ko si Frances para kay Sabrina."

Umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Dad. Wala na akong takas talagang itutuloy ni Dad ang gusto niya mangyari. Napalingon ako sa tumatawag sa phone ko. Si Elsa pala ang tumawag.

"Hi kamusta bestfriend!"sigaw nito sa kabilang linya nasa nito ang magiliw kung alam lang sana nito ang kalagayan ko. Kung masaya siguro ako ngayon kanina ko pa ito sinasabayan sa kanyang tawa. Pero hindi.

"Okay lang bestfriend." matamlay kung sagot dito.

"Mukhang matamlay ka best may problema ba?" anito sa nagaalalang boses. Kung kanina ay giliw na giliw ito ay napalitan ng pag aalala.

"Bestfriend." hikbi ko hindi ko napigilan ang boses na pumiyok.

"Bestfriend hoy!" May problema ba?" takang tanong nito. Napakwento ako kay Elsa. Lahat ng nangyayari sa'kin dito ay sinabi ko na. Mataman naman itong nakikinig. Sa ngayon siya lang ang mapagsabihan ko ng problema kahit alam kung tulong ang kailangan ko.

"E' di tumakas kana!" suhestiyon niya.
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Elsa alam kung mali iyon pero may punto ang bestfriend ko. Muli kung iniwaksi ang sinabi niya. Saan naman ako pupunta kapagkuwan? Hindi ko alam ang lugar na 'to.

"Paano? Saan naman ako pupunta?" tanong ko dito. Akala ko naman may maitutulong ito.

"Oo nga no? Teka-----" huminto ito. Mukhang nag iisip ito ng bago. I really need help. Kapagkuwa muli itong nagsasalita. "Bakit hindi mo sabihin may boyfriend kaya ayaw mo sa kasal na 'yan." napakunot noo ako sa sinabi niya. Medyo may punto ang kaibigan dun. Bakit hindi diba? Pero sino naman ang ipakilala ko? Si Diego? Malaking yatang problema ang papasukan ko kung ganun.

"Hoy andiyan ka pa ba?" tawag nito sa kabilang linya. Nandiyan pa pala ito. Masyado akong nadala sa pag iisip sa suhestiyon niya.

"Nandito pa ako. Wala ka namang kwentang kausap. Sino naman ang gagawin kong boyfriend? Wala nga diba?"

Ayaw kong si Diego. Masasaktan lang 'yon. Baka umasa pa na totoo kami kahit hindi. Mas malaking problema 'yon. Kahit kailan ay hindi ko la naranasan mag isip ng ganito. Pakiramdam ko ang bigat na ng problema ko na mukhang pasan ko na ang mundo. Bakit pa kasi ang unfair ng buhay. Kung may magmamahal sayo ayaw mo naman dahil may mahal kang iba. Hay nakakafustrate.

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon