Kabanata 11

51 7 8
                                    

***

Tumitili ang mga nandon sa gym ng umakyat ito papunta sa kinaroroonan niya. Nandiyan na naman ang puso niya na parang tambol. Seryoso itong nakatingin sakanya, hindi nga ito tumitingin sa dinaanan. Pinasadahan ko naman ang mga nagtitili, karamihan ay kapareha lang niya ng edad. Siniko naman siya ni Rio, "So maiwan na kita ha? Nandiyan na si Mr. Miranda, nice meeting you ulit." anito at tumayo na, kumaway lang siya dito. Bumaba ito para puntahan ang nakaabang na lalaking kasamahan ni Keith, si Leon. Napangiti siya, ang cute nilang tignan parang bagong sibol na pag iibigan.

"Anong ngitin ngiti mo diyan." napalingon naman siya sa bagong dating, seryoso ang tingin na pinukol nito at lumingon kung saan siya nakatingin kanina at kumunot ang noo naman itong bumaling sakanya.

"May gusto ka ba kay Leon? Huwag na pagmamay ari na 'yan ni Rio." siya naman ang nakapakunot ang noo, ano raw? Ang sarap sigawan ng lalaking 'to na ito ang mahal niya. Tssk. Ang sarap bigwisan, "Nagseselos ka ba?" sumilay ang ngiti sa labi niya, mukhang ang sarap mang asar ngayon ah. Totoo naman kasi nasa himig nito na nagseselos.

Bahagyang tumawa ito, nakalaglag talaga ng panty ang ngiti nito. Oh god Sabrina. Napailing siya ng ilang beses, nahihibang na siya sakanyang iniisip.

"Tara na nga baka mainlove ka pa sakin dito, mahirap na." kinuha nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng gym. "Aba! Ang lakas ng hangin dito, wala naman yatang bagyo." aniya, medyo mainit pa nang lumabas sila kaya walang sabi nalang itong naghubad at ibinigay sakanya ang Jersey shirt nito. Siya naman ang na estatwa sa nakita dito. Iwan ba niya parang ang sarap yata haplusin ang tiyan niya na maraming tinapay.

"Hindi mo naman ako pinagnanasaan niyan diba?" anito, dali dali naman siyang umiwas ng tingin dito. Shit! Nakita na pala ng binata, nakakahiya! Mabilis siyang naglakad palayo, bahala na kung saan siya dalhin ng mga paa niya. May nakita siyang daan papunta sa dagat, kaya dun siya lumiko. Hanggang sa narating niya ang dulo, may mga mangrove at may nakita siyang tulay na gawa sa kahoy. Kaya umakyat naman siya doon. At naglakad "Sabrina! Hintayin mo ko," tawag ni Keith, habang paakyat sa tulay. Huminto naman siya at lumingon dito. Ang bilis ng pintig ng puso ko, parang hinahabol siya ng aso sa bilis niyang naglakad. Nakakahiya kasi.

Mabilis pa sa kidlat itong dumating sa harap niya, tulad niya hinihingal ito. Napahawak pa ito sa tuhod. "Ang bilis mong maglakad ganyan kaba kapag kinikilig?" holy crap! Parang nabingi yata siya sa sinabi ni Keith, mas lalo lang yata nagwala ang puso niya sa sinabi. Jusko Marimar! Sana lamunin na ako ng lupa ngayon, parang kamatis na mukha niya sa pula. "Oh namumula naman ang pisngi mo? Kinikilig ka ba?" paninigurado nito sakanya at humawak sa balikat niya. Wala na, wala na talaga siyang masabi.

Umiwas siya at lumayo ng bahagya, "bakit ang dami yata mong napapansin ngayon." aniya na pinipigilan ang sarili sa hiya, nanginginig ang labi niya. Hindi ito umimik, dahan dahan itong lumalapit sakanya. Napaawang ang labi niya dahil alam niya kung ano ang gagawin ng lalaki. Huminga siya ng malalim bago sinakop ang mga labi niya ni Keith, pumipikit siya. Tinanggap niya naman ang mapusok nitong mga halik. Hindi niya namalayan ang na nakakapit na siya batok nito sumusunod sa galaw ang mga labi niya dito. Natatakot at saya ang nararamdamn niya sa nadiskubre sakanyang puso, ang mga agam agam niya nang nasa Asyenda ay napatunayan na niyang mahal nga niya ito.

Huminga siya ng malalim nang naghiwalay sila. Kapos ang hininga niya, hinaplos naman ni Keith ang labi niya. Ang init ng palad nito ang dumadami sakanyang labi. Nagsitayuan ang mga balahibo niya dun. Kapakuwan ay kinulong siya sa mga bisig ng binata, wala siyang ibang narinig mula rito kundi ang ang puso nitong bilis ng pintig. "Mahal mo ba ako?"

Napatigil siya sa narinig, tama ba ang narinig niya? Dahan dahan naman siya kumalas dito, tumingin naman ito sakanya. Nasa mata nito ang kagustuhan malaman ang sagot niya. "Dahil ako mahal kita Sabrina." malimbing na turan ni Keith sakanya na nagpagulat sakanya. Mahal siya din ni Keith. Sumilay ang ngiti niya sa labi. Hindi siya nakapaniwala sa narinig mula rito.

Dahil sa saya ay siya mismo ang humalik dito. Ang saya niya, ang saya parang nawala lahat ng problema niya sa narinig. "Mahal mo ba ako?" ulit nito sakanya. Ang kulit din ng isang ito. Tumango lang siya bilang sagot at matamis na ngumiti dito napatili naman bigla siyang binuhat ni Keith, natampal pa niya ito. "Keith, put me down." aniya, na tumatawa. Pero tila wala itong narinig at inikot ikot pa siya. Kita niya ang masayang mukha nito.

Maya maya pa ay binaba siya ng lalaki, tumingin siya dito. Malapad na ngiti lang ang sumilay sa labi ng lalaki. Hindi niya maiwasan na kiligin. Napaamin siya ng wala sa oras, umiiling siya at yumakap mula. Gumanti din ang lalaki ng pagyakap sakanya. "Keith?" sambit niya, may gusto lang siyang malaman rito tungkol nang nasa Asyenda sila.

"Hmmm, ano 'yon swetie?" kumalas siya ng yakap at tumalikod dito, napahiyaw naman siya ng yakapin siya nito mula sa likod. Parang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa pagtawag nito ng sweetie, ang sarap pakinggan. "Pinagsisihan mo ba na hinalikan mo ako dun sa cable car?"

Kumalas ito ng yakap at pinaharap siya, kinulong ang mga pisngi niya sa mga palad dito. "Never, I mean it. Gusto ko talaga halikan ka ng mga oras na 'yon. Hindi ko kasi alam kung paano ko iparamdam sayo ang nararamdaman ko sa sandaling 'yon Sab, and it's going to kill me if I don't."

Kinikilig siya sa sinabi ng binata, alam niyang nagsasabi ito ng totoo. She is just misunderstood everything, "And I feel dying when you said, those words before you left." may hinanakit ang boses nito, naaalala nga niya ang sinabi niya kay Keith, dun sa harap ng gate. Nagkamali pala siya,

"Akala ko kasi pinagsisihan mo 'yon. And you mister tore me into pieces if you didn't know." pinikot niya ang matangos na ilong ni Keith. Natawa naman si Keith sa sinabi niya. He looks at her in amusement, ang lakas din ng charm ng lalaking 'to. Baka hindi niya mapigilan ang undies niya at mabitawan niya dahil sa ngiti nitong nakakahawa.

"And I miss you, I feel bothered nang hindi kana nagpunta sa bahay." pag amin niya tumalikod siya ulit dahil nahihiya naman siya sa confesion niya sa lalaki. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya 'yon. Never in her entire life, ngayon lang.

Humahalakhak na ang lalaki, kaya tiningnan niya ito. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Keith. "I miss you too Sweetie, kaya pala hinanap mo ako. Sana nagtago pa ako ng matagal para hanapin mo talaga ako." tudyo nito sakanya kaya napairap siya at tinampal niya ito sa balikat. Masayang yumakap ito sakanya at siniil na naman siya ng mas mapusok na halik mula rito.

Her world stop because of Keith, for now, she just listen of her heartbeats. She deserve to be happy. Hindi niya iniisip ang susunod na mangyari kung ano man 'yon handa siyang harapin ito.

The Run away Debutant (Hacienda Ligaya Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon