Xyrene
"Mapapa sa akin ka rin Xyerene! Akin ka lang akin ka lang!"
Napabalikwas ako ng bangon pawis na pawis ako ano pa ba ang nagbago?
Bumukas ang pinto at nakita ko roon si lucas na kasama si Snow mukhang nagtataka sila bakit pawis at gulat na gulat ako.
"May problema ba?" tanong ni lucas at sa ka tumabi sa tabi ko.
"Nanaginip lang ako" sabi ko na napahihimas sa ulo ko
"Anong napaginipan mo? Tell me" sabi niya at hinarap sakanya
"Wala hayaan muna ayos na ako lucas" sabay higa ulit sa kama.
"Sige mabuti pa baka makasama pa sayo. Magpahinga ka na muna at ibibili ka na muna namin ni snow ng pagkain okay?" hindi na ako nagsalita bagkus tumango nalang ako sakanya
Lumabas na sila ng kwarto at sinara iyon napatingin ako sa bintana at may lalakeng nakatingin sa kinaroroonan ko nakahiga siya at nakapatong ang dalawang kamay sa ulo niya
Napatayo ako at tinignan siya ng maigi. Nagsink in sakin na siya ang lalakeng nakausap ko nung gabing nasa damuhan ako siya nanaman
Sinara ko ang bintana at humiga nalang uli kapag nakikita ko ang pagmumukha niya naiinis ako
Biglang bumukas ang bintana na ikinagulat ko iniluwa doon ang lalaking pinagmamasdan ko kanina may dala siyang prutas at nakangiting nakatingin sakin
Anong nakain mo!
Napatayo ako at humarap sakanya halos magkalapit lang kami ramdam ko ang paghinto at pagbaba niya sa mga prutas sa lamesa
"Anong ginagawa mo dito sino ka?" matigas kong tanong
"Dinalhan kita ng prutas ayaw mo ba? Ako si Jett" sabi niya saka sumandal sa pader
"Bat mo ako dinalhan ng prutas?" sabi ko
"Nothing" walang gana niyang sagot
Napasimangot nalang ako at humiga uli sa kama ko ng bumukas na ang pinto nandito na sila lucas pero wala na si Snow
"Nasan si Snow?" tanong ko
"Pumasok na siya. Sino siya? Kilala mo?" sabay turo kay jett
"Si jett" matipid kong tanong tumingin ako sakanya at ngumiti naman ng nakakaasar
Bwisit! Sarap mong lasawin
"Ako si lucas" masayang sabi ni lucas inilahad niya ang kamay niya na ikinataka ni jett
Napakamot naman sa ulo si lucas at biglang binawi ang kamay napailing nalang ako saka nila ang sungit naman ata ni jett
"Siya nga pala xyerene kumain ka na eto na yung binili ko oh" sabi ni lucas saka naman inabot sakin hindi ko pinapansin si jett nakakailang naman parang ang lala naman ng mga sugat ko grabe
Mga ilang oras din lumabas na ako ng clinic dala ang mga prutas ni jett mmaya ko na kakainin kasi nakakahiya sa totoo lang
Naglalakad kami ngayon kasama ko ang dalawa napapatingin samin ang mga estudyante dahil sa kagwapuhan ng mga kasama ko nauuna ako saka nika dahil balak ko silang iwan ng bigla akong hilain ni lucas
Napatingin ako sakanya at nginitian lang ako nahihiya ako sa ginagawa ng dalawa hindi ko naman sila ka ano ano ankakahiya
Nasa tapat na ako ng kwarto ko at tumingin saka nila.
"Dito nalang ako ah?salamat sa paghahatid by--"
"Kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako ah?" sabi ni lucas
Kanina pa hindi kumikibo si jett nakatingin lang siya sa akin. Nagpaalam na ako sa dalawa at pumasok na sa loob inilapag ko ang prutas na dala ko at dumapa sa kama
Ano bang nangyayari?
LUCAS
Naglalakad ako ngayon kasabay si jett pinakilala siya sa akin ni xyrene. Hindi siya kibuin mukha siyang masungit masaya naman ako na nakilala ko si xyrene hindi ko pa alam ang tunay na ugali niya pero alam kong mabait siyang tao.
Papunta ako sa room ko ngayon pero kasabay ko pa rin sa paglalakad si jett. Bigla siyang huminto sa harap ko
"Alam kong kaibigan mo na ngayon si xyrene pero may araw din na hindi siya mapapasayo" sabi niya sabay alis sa harap ko
Anong sinasabi niya?
Napakamot nalang ako sa ulo at pumasok na ng room maingay at halos marami samin ang babae konti lang ang mga lalake kaya halos babae lahat ang maingay kung ano anong pinag uusapan
"Uy lucas halika sumali ka muna samin lagi ka nalang tahimik!" masiglang sabi ni rico
"Ano ba yan?" tanong ko
"Pagkain salo salo dito masarap to siguradong mabubusog ka" nakangisi niyang sagot
"Sige kayo nalang wala akong gana"sabay alis
Umupo nalang ako sa pwesto ko at natulog nalang doon kesa makipag salamuha pa sa mga kaklase ko na akala mo totoo.
Hindi nila ako maloloko. Iniisip ko si xyrene na sana ay ayos na siya ngayon maaga pa naman para umuwi ng domitoryo.
******
JETT
hindi ko alam kung ano ang sinabi ko kay lucas nababaliw na ata ako nasa itaas ako ng puno ngayon na kung saan nakatingin ako kay xyrene na natutulog ng mahimbing kahit malayo siya kitang kita ko siya
Nakapagdesisyon na din ako kay Natan na bantayan na si Xyrene pero may nauna na si lucas alam ko medyo malapit na sila sa isa't isa kaya ako pala ang makikiepal
"Any problem?" biglang lumitaw si Thea sa likod ko at tumabi sa tabi ko
"Wala"matipid kong sagot
"I know you'e jealous"lumingon ako sakanya na may nanlilisik na mata
"At bakit naman ako magseselso? And for what?" masungit kong sabi.
"Because of lucas ang xyrene" sabi niya sabay tawa
Wala na talaga siyang ginawa kundi asarin ako umalis nalang ako sa kinaroroonan ko at bumalik nalang ng kastilyo humiga ako ng kama ko at tumingin sa kisame.
Malayong magselos ako dahil wala naman talaga akong pakialam sakanya kung hindi dahil kay Natan!
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasySi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...