Chapter 23

370 9 2
                                    

Lucas

"Turing lang sayo ni Xyrene ay isang kaibigan lucas kaya hindi pwedeng maging kayo!" gigil na wika ni Jett. Naglalaban kami ngayon sa ground field halos nagsisigawan mga babae dahil saamin.

Hindi ko alam kung anong problema sakin ni Jett. Gumawa sya ng fire eagle at mabilis na pinaatake sakin iyon sa pag ilag ko natamaan pa rin ako. Masyado syang malakas di kaya ko medyo lampalampa pa, si Jett ang nakilala kong papatayin ka kapag gumawa ka ng hindi nya gusto lalo na ako hindi ko malaman ang dahilan kung bakit galit sya sa akin.

Simula sa langit gumawa ako ng Kidlat panay iwas parin ako sa pag atake sa akin ni Jett, hindi nya ako tinitigilan alam kong pagod na sya kaya naman inipon ko ang lakas ko at pagkatapos non ibinagsak ko sakanya ang nangangalit kong kidlat na sya namang tama sakanya non. Hindi nya napansin iyon dahil wala syang pakialam kahit anong pagtama ko sakanya.

Napuruhan sya. May konting awa ang damdamin ko kahit ayoko man gawin to kailangan. Nakahandusay sa lupa ngayon si Jett wala syang malay pero buhay pa sya balak ko sana syang lapitan ng pigilan ako ni Gian.
"Kami na ang bahala sakanya. You need take a rest Lucas" umalis na sila at sinamahan naman ako ni Thea sa kwarto.

"Kamusta na si Xyrene?" tanong ko. Napangisi sya. "Hindi ko alam, bat sakin mo tinatanong? Ako ba gumamot sakanya?" mataray nyang wika. Bumuntong hinga nalang ako dahil sa kasungutin nya. Maya may nakarating na kami sa third floor nauna syang pumasok sa akin pagkapasok ko nakita ko doon sa isang kama ang pinakamamahal kong kaibigan. Si Xyrene. Dali dali akong pumunta don at niyakap sya. Gising na sya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ng marinig ko ang pagngiwi ni Xyrene. Malalim pa rin ang nga sugat nya masyado syang nilason ng kalaban nya. Umalis na si thea at iniwan kaming dalawa.

"Xyrene kami kana? Akala ko di ka na magigising" nag aalala kong sabi. "Lukas siraulo ka talaga! Nakita mo buhay pa ako oh! Aish" sabay hatok sakin ng dalawang beses. Natawa naman ako dahil sa kakyutan nya tumingin sya sa akin na may pagtataka. Ngumiti nalang ako at kinurot ang mga pisngi nya.

*****

Pumasok ako ngayon nakaupo ako sa upuan ko kaklase ko si Jett kahit na nasa Titan kami kailangan parin naming pumasok. Nakatingin lang ako sa labas may snow kasi. Biglang bumukas ang pinto ng classroom nakita ko doon si Jett na may galit sa akin.

Pinuntahan nya ako sa upuan ko at hinawan ang kwelyo ko. "Ano! Masaya ka na dahil nanalo ka sa laban!?" sigaw nya. Walang masabi ang mga kaklase ko sa ginagawa nya tahimik lang sila at nakatingin sa amin. "Anong pinagsasabi mo Jett?" taka kong tanong. "Alam kong may gusto ka kay Xyrene and you know what? Kaya hindi nya ako magustuhan dahil sayo! Ikaw ang mahal nya at hindi ako"

"Sinong mahal ko Jett?" nabigla kami ng dumating si Xyrene. Halos umurong ang dila namin ng makita naman sya sa harap ng pinto parang tumigil ang oras dahil sakanya. Nakabukas ang mga bunganga namin pero walang lumalabas na salita.
"Nag aaway ba kayo? Anong problema?" papalapit na sya sa amin ng pigilan ko sya. Inalis ni Jett ang pagkakahawak sa kwelyo ko. "W-wala Xyrene nag uusap lang kami ni Jett wala yon sige na" tinignan ko ng masama si Jett at pagkatapos non lumabas ako ng classroom.

******

"Anong gusto nya! Anong gusto nyang palabasin! Gago ka Jett gago ka" sabay sira sa bawat sanging sa likod ng buillding ng Titan Castle. Naiinis ako kay Jett sa hindi malamang dahilan. "May gusto ka kay Xyrene? Pwes hindi ko na problema yon kung ako ang gusto nya! Edi palalayuin ko sya sakin ng mapunta sya sayo!" gigil kong sabi sa ka ako gumawa ng malaking Hipo hipo na may kasamang kidlat at sinira ang buong sagingan dito.

Hingal na hingal ako sa ginawa ko.  Halos sinira ko ang tanim nila dito. Binuhos ko lahat ng inis at galit kay Jett dahil lang kay Xyrene. Hindi nya alam kung gaano ko kamahal ang kaibigan ko. Sugatan din ako ng mga oras ngayon punit ang suot ko, gulo gulo din ang buhok ko muli nanaman sana akong magwawala ng may yumakap sa akin mula sa likod. Napahinto ako.

"Lucas ano bang ginagawa mo! Bat ka nagkakaganyan! Lucas!" umiiyak ngayon sa likod ko ang pinakamamahal kong babae. Hindi ako nagsalita bagkus ay tahimik lang ako ng mga sandaling iyon. "Kung may problema ka man sabin mo sakin Lucas, ayoko ng nagtatago ka sakin" umiiyak parin sya kaya naman napaluha nadin ako. Alam mo xyrene, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na mahal na mahal kita kahit binabalewala ka ng iba. Natatakot akong umamin sayo at ba ka iwasan mo ako ng malaman mong mahal kita.

Bulong ko sa isip ko. Humarap ako sakanya at pinunasan ang basa nyang mga mata. Ngumiti ako at saka kinausap sya. "Wala to xy nagsasanay lang ako para sa pagbabalik ng nga Reapers kung sakali mang kunin ka nila sa akin ililigtas ko ang prinsesa ko"ngumiti ako na sya namang hampas saki. "Wag mo nga akong bolahin Lucas! Nakuha mo pa akong asarin ah! Bwiset ka!" sabay punas ng mga mata nya.

Tumawa naman ako ng napakalakas kaya naman kinurot nya ako. "Aray! Yung sugat ko oh Xyrene! Bala ka magtatampo ako" nagpacute ako kunwari sakanya na sya namang tawa na may kasamang kunot noo. "Oh bakit? Masyado ba akong gwapo ah?" sabay kindat sakanya balak nanaman nya sana akong kurutin ng umilag ako.

"Bleh!" asar ko. Para syang batang nagdabog sa harapan ko kaya naman lalo akong natawa. Sa mga sandaling iyon hindi ko alam kung saan nagmumula ang saya ng puso ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko ang babaeng to buong buo ang araw ko bawat minuto hindi ko sasayangin ang mga kakulitan at pag aasaran namin may tampuhan man hindi ko parin kayang suyuin si Xyrene. Tumakbo ako at hinabol naman nya ako, may hawak syang pamalo kapag nahuli nya daw ako paghahampasin nya ako.

Bigla akong natisod ng gamitin nya ang kapangyarihan nya. "Ang daya mo!" sigaw ko ng papalapit na sya gumawa naman ako ng napakaliit na kidlat kaya naman natakot sya doon at nabitawan ang pamalong hawak nya

"Hahahaha! Takot naman pala eh!" asar ko kaya naman nakita ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mga mata nya. Natahimik ako nilapitan ko sya. "Lucas naman eh! Alam mong takot ako sa kidlat kahit maliit lang iyon wa!" ang cute nya. Tumawa ako ng mahina. "Sorry na xyrene, gusto mo ng lolipop?" asar ko. Pinalo nya ako na sya namang tawa namin.

Maya maya napatigil kami sa isa't isa at nagkatitigan naiilang medyo sa akin si Xyrene pero ako nakatitig lang ako sa mga makikislap nyang mga mata. Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib nya. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Sa mukha at mata nayan hinding hindi ko makakalimutan ang ganda na iyan. Dahil yan ang dahilan kung bakit lagi akong masaya" binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Namula sya sa hiya. "Wag ka ngang magpatawa lucas, hindi ka nakakatuwa ah!" habang nayuko. Bumuntong hininga nalang ako at sa ka niyakap sya hinding hindi ko makakalimutan ang masasayang ala ala namin ni Xyrene.

Tandaan mo Xyrene, may oras na din na mamahalin din kita papakasalan at haharap tayo sa altar, hindi pa sa ngayon pero antayin mo ako at ibibigay ko lahat ng gusto mo lalong lalo na ang pagmamahal ko.

Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon