Xyrene
Nandito pa rin ako sa Hospital na kung saan wala kami sa loob ng academy. Walang masyadong gamit sa clinic kaya nandito ako. Wala naman daw kasing nasusugatan na gaya ko maliban lang sa mga namamatay.
Dalawang araw na ako dito tatlong araw nalang ang hinihintay naming tatlo. Nakakaboring din dito minsan umaalis si Jatt minsan si Lucas bumabalik sila ng Academy para kamustahin.
Naiwan kami ngayon ni Jett dito sa Loob ng kwarto wala si Lucas dahil kailangan niya daw pumasok.
Ang tahimik ng kwarto walang gustong magsalita. Tahimik ako dahil tulog si Jett. Toink. Nag uusap na din kami ni Jett pero hindi gaanong matagalan hindi daw kasi ako matinong kausap.
Sa sobrang inip ko sa kwarto na ito dahan dahan akong lumabas at balak ko sanang mamasyal dahil namiss ko nga bayan ko.
Nang makalabas ako tuwang tuwa ako. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa rooftop. Malamig ang simoy ng hangin medyo maggagabi na din at hindi pa ako kumain ng dahil sa Jett na tulugin.
Nakikita ko ang bawat sasakyan nakakalula kung tutuusin ang dami kong iniisip na mamagandang bagay pero isa lang naman ang nagpasakit ng loob ko namimiss ko ang mama ko.
Napakuyom ang mga kamao ko dahil baka sinasaktan nanaman siya ng papa ko. Hindi ko siya tunay na ama gusto niya lang niya na ituring ko siya na ama para mapasakanya si mama kung hindi ko gagawin yon papatayin niya ang mama ko. Lalo kong naikuyom ang mga kamao ko nakakainis.
"Anong ginagawa mo dito? Dapat bang takasan mo ko?" Hinihingal na sabi ni Jett
"Nagpapahangin lang ako" habang sinisinghop ang malamig na hangin.
"Pwede ka namang magpaalam sakin di yung iiwan mo ko don" ramdam ko ang mga yabag niya kaya napalingon ako.
"Masarap ang tulog mo eh gigising pa ba kita?" mataray na sabi ko.
"Sorry?" sabay kamot sa ulo
"Ayos lang. Dumating na ba si Lucas?" tanong ko.
"Hindi pa bukas pa daw ang balik niya dito. Tara kain na tayo sa baba?" napalingon ako dahil sa sinabi niya. Never naman nagyayang kumain tong mokong nato. Napangiti nalang ako at tumango sumunod nalang ako sakanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako kay Jett na ngayon ay hindi nakatingin sakin.
Pababa na kami ng rooftop ng may sumulpot na isang babaeng nakaitim at mahaba ang buhok at inuusok ang katawan niya ng mapupulang usok. Tumingin siya sa amin ni Jett na may nakakalokong ngiti.
Lalong hinigpitan ni Jett ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Natakot ko ba kayo?"sabi ng babae at inalis ang nakatakip sa mukha niya.
"Wag kayong mag alala hindi ako kaaway pumunta ako dito para may sabihin kay Xyrene" nagtaka ako.
"Ano yon?" sabi ko
"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko. Hawak nila ang mama mo patay na din ang tatay mo" sabi niya at umiwas ng tingin.
Anong sabi niya? Hawak nila ang mama ko?
"Anong pinagsasabi mo!?" napataas ng konti ang boses ko
"Ang sabi ko hawak nila ang mama mo at patay na ang tatay mo. Kung gusto mo pang mabawi ang mama mo puntahan mo ang lugar na ito" inabot nya sakin ang isang papel na may nakaukit na red star. Magsasalita pa sana ako ng mawala sya sa harap namin.
Hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko nanghihina ang mga tuhod ko biglang tumulo ang luha ko napaupo ako sa sahig dahil parang mababaliw na ako.
Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kusang tumulo ang luha ko sa mga mata ko. Hindi ko na kinaya at humagulgol na ako.
Bakit? Anong nangyayari? Bakit pati ang pamilya ko!
Ramdam ko ang pagyakap ni Jett sakin kaya napahawak ako sa dibdib niya. Pilit niya akong pinapatahan. "JETT HINDI TOTOO YON DIBA! SABIHIN MO SAKIN JETT!" malakas na sigaw ko.hindi siya nagsasalita bumuntong hininga siya at sinabing"oo hindi totoo yon Xyrene" parang may pag aalinlangan pa ang boses niya.
Mga ilang sandali pa tumahan na ako pero ramdam ko pa rin ang sakit ng puso ko. Kaya ang ginawa niya Jett binuhat niya ako gamit ang mga braso niya habang ako nakahawak sa batok niya.
Hating gabi na at inaantok na ako pagod ito dahil sa pag iyak ko. Hindi na kami kumain dahil sa babaeng yon wala na siguro akong gana.
Inihiga ako ni Jett sa kama at shock pa rin ako hindi ko siya tinignan niya bagkus nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Muling tumulo ang luha ko at napahawak sa unan ko. Pumikit nalang ako at alam kong hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko.
*****
Jett
Alam ko naaawa din ako kay Xyrene hindi ko rin alam gagawin sa narinig ko. Alam kong ito na ang mangyayari dahil amoy na amoy na ng kasamaan ang kapangyarihan ni Xyrene.
Nasa rooftop ako ngayon at si Xyrene ay mahimbing na natutulog. Iniisip ko kung paano siya kakausapin para makapunta sa kastilyo balak ko ng sabihin kanina kung hindi lang dumating si Vironica. Kilala ko siya dahil nakikita ko siya sa kastilyo.
Bigla akong nakarinig ng basag na salamin mula sa ibaba kaya napalingon ako doon. Nakita ko ang isang babaeng balak tumakas sa isang bintana napakunot noo ako.
Xyrene?
Nagpanic ako lumipad siya palayo ng Hospital kaya sinundan ko siya nag invisible ako. Anong gagawin niya? San siya pupunta?.
Sobrang bilis ni Xyrene hindi ko alam kung saan siya pupunta balak ko sana siyang pigilan pero may pumipigil sa loob ng katawan ko na hayaan ko lang daw siya. Nasa pinakataas kami ng kalangitan kami lang dalawa ilang metro lang ang layo namin.
Bigla siyang nawala kaya kinabahan ako. Mabilis akong pumunta sa dereksyon niya at wala na talaga siya. Nawala ang pagkakainvisible ko.
Kasalanan ko hindi ko siya pinigilan ang tanga naman Jett. Nagulat ako ng may presensya sa likod ko
"Bat mo ako sinusundan Jett?" sabi ni Xyrene
"San ka ba pupunta? Balak mo pang tumakas?"
"Hindi ba halata?gusto kong iligtas ang mama ko! Ayoko siyang mapahamak Jett!"sigaw ni Xyrene na ngayon ay lumuluha na. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Shhh.. Tahan na Xyrene okay lang sila. Hindi pa ngayon ang oras para puntahan mo sila. Kailangan mo pang magplano" sabi ko habang yakap siya.
"Hindi Jett! Hindi na ako makakapaghintay natatakot ako para sa mama ko" patuloy pa rin sa pag iyak.
"Wag kang mag alala tutulungan kita basta sumama ka sa akin" sabi ko at inalis ang pagkakayakap. Humarap ako sakanya. Basang basa ang mga mata niya sa luha.
"Bakit sapalagay mo ba kapag sumama ako sayo maliligtas mo sila!?" sigaw niya. Nakakaawang Xyrene. Napakahina niya kapag dating sa emosyon.
Magsasalita pa sana siya ng bigla ko siyang hinalikan nakakarindi kasi alam kong nagulat siya sa ginawa ko tumigil sya sa pag iyak at pagpalo sa mga braso ko. Ilang sandali pa sumabay siya sa pagkakahalik ko at lalo ko pang diniinan ito. Napahawak siya sa batok ko.
Anong ginawa mo sakin Xyrene.
Hindi ko ngayon maintindihan ang nararandaman ko may halong saya at pagkagulo ng isip at utak ko. Patuloy lang kami sa ginawa namin hanggang sa hinila ko papalapit sa akin si Xyrene.
Bakit ang lakas ng karisma mo Xyrene Montefalco. Gusto na ba kita?
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasiaSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...