Third Person POV
"Pakawalan niyoko dito!" Sigaw ng dalagang si Snow. Pilit nyang nagpupumiglas sa pagkakatali sakanya ng bired wire na siya namang lalong nagpupunit ng kanyang balat. Umiiyak ito at lalong nagmamakaawa pero walang nakakarinig sakanya kundi ang kanyang pag-echo ng kanyang tinig. Bugbog ang katawan at may hiwa ang kanyang tiyan. Nakakulong lamang sya sa isang bodega na napakaliit lamang.
Nakakaawa ang dalaga sapagkat lalo pang pinapahirapan ito sa tuwing umiinit ang ulo ng gwardya sakanya kapag nagigising ito tuwing sumisigaw sya. Wala ng ginawa ang dalaga kundi umiyak ng umiyak, gusto na nyang sumuko pero iniisip nyang may pag-asa pa rin na ililigtas sya ng kanyang kaibigan na si Xyrene.
♡♡♡♡
"San ka pupunta? Maglalayas ka?" Tanong ni Thea. Hindi man lang sya nito pinansin kaya naman pinigilan ni Thea ang kamay ng dalaga. Tinignan nya ito ng walang ka emosyong emosyon. "Problema mo?" Mataray na sambit ng dalaga sakanya. Tinabig lamang nito ang kamay ni Thea at nagpatuloy sa pag iimpake ng kagamitan.
Napabuntong hininga nalang si Thea at gumuhit sa kanya ang nakakalokong ngisi sakanyang labi. Dali daling kinuha ang bag ni Xyrene at tumakbo palabas ng kwarto. "Hoy! Sandale! Bag ko yan! Aish! Hoy!" Halos madapa si Xyrene sa pagmamadali upang maabutan si Thea. Alam nyang bawal gumamit ng power ka pag walang training wala syang ginawa kundi lumipad sa ere para makuha ang kanyang bag.
Tinatawanan sya ni Thea. "Habulin mo ko! Sabihin mo muna sakin kung saan ka pupunta o baka gusto mong isumbong pa kita kay Lucas at Jeth!" Halakhak ng dalaga. Lalong nanlaki ang mata ni Xyrene sa sinabi ng dalaga sakanya kaya naman binilisan nya pa lalo ang paglipad upang maabutan. Pero nabigo sya ng may humila sakanya pababa. Bumagsak ang kanyang katawan sa malamig na sahig. Napangiwi ito at napahawak sakanyang bewang.
"Diba bawal ang gumagamit ng kapangyarihan ka pag walang training Mrs.Xyrene?" Napamulat ang kanyang mata ng isang babae ang nakatayo sakanyang harapan at dali daling tumayo at humingi ng pasensya. "Naku! Sorry po madame hinahabol ko lang po kasi yung kaibigan ko kinuha nya yung bag ko." Natatakot na sambit ng dalaga. Taas noo siyang tinignan ni Madame at pinasunod ito sakanya.
"Po?" Hindi makapaniwalang sagot ng dalaga. "Hugasan mo lahat ng plato o guidance ang punta mo?" Pananakot ni Madame. "No powers! Kundi, bibigyan kita ng Suspention in Two weeks" umalis si Madame na nakanganga ang bunganga ng dalaga. Hindi ito makapaniwala dahil isang katambak ng plato ang pinapagawa sakanya upang hugasan.
Xyrene POV
Sobrang nangangwit na ako sa kakatayo. Ganito pala ang ginagawa ng mga maid dito sa school na ito. Ganito pala sila kahirap naghuhugas, napakadaming hugasan. Nahiya ako sa sarili ko dahil nandito pala ang platong pinagkainan ko kanina. Kalahati na din ang nahugasan ko konti nalang ito kaya ko pa. Pero ng tignan ko ang oras alasnuwebe na pala ng gabi, ako nalang pala ang tao dito sa kusina ng Cafeteria.
Gusto ko ng magpahinga ano ba kasing kabobohan ang ginawa ng Thea na yon, ayan tuloy napasabak ako sa kabundok na plato aish. "Ay daga!" Napatili ako ng may yumakap sa beywang ko. Paglingon ko si Kean pala. Ano bang ginagawa nya? Kinikilig tuloy ako. "Ayos ka lang ba?" Malambing na sagot nya. Kinikilig ako parang sasabog ako sa ginagawa nya.
"Hoy! Ano pang tinatameme mo jan? Hugasan mo na yang mga yan para makapag pahinga ka na kung ano anong ginagawa eh!" Napaayos ako ng tayo, bwiset! Hindi naman pala si Kean yon! Umaasa lang talaga ako na magugustuhan nya ako pero hindi. Okay lang bwisit siya. Nakakainis yung may crush ka sa campus tapos hindi ka naman pansin nakakahurt kaya iyon.
Pagkatapos naglakad na ako sa hallway walang katao tao sobrang inaantok na ako. Napaunat ang dalawa kong katawan at napapikit pikit dahil sa antok, sa ginawa kong iyon bigla ako tumilapon ng napakalakas at tumama ang likod ko sa pader. Sa sobrang lakas may lumabas na dugo sa bunganga ko at nag-ubo ubo pa ako. Nanlalabo ang paningin ko. Ang nakikita ko sa harapan ko ngayon isang usok, usok na itim bigla akong sinakal nito ng sobrang higpit. Hindi ako makahinga halos mapahawak na ako sa leeg ko. Napakalamig ng kamay nito. Namumula ang kanyang mga mata, kusa nalang nagbukas ang bunganga ko at unti unti nyang kinukuha lahat ng lakas ko pero, biglang sumindi lahat ng ilaw sa paligid.
Nakita ko siya! Nakakatakot siya! Sobrang nakakatakot! Nagsuka ako ng dugo at naghahabol na din ng hininga. May mga tauhan na nagsilabas ng kanilang mga kapangyarihan at sinugod ang taong nasa harap ko. Umuusok sya, isa siyang Demonyo.
Bago makarating ang mga tauhan ng Academya may bigla siyang tinusok sakin na isang bagay na kung saan nakita ko ang kaisa isa kong kaibigan na naghihirap ngayon. Duguan siya at pinahihirapan siya ng apat na lalake sa isang lugar. Sumusuka siya ng dugo napaiyak ako sa nakita ko. Nag alab bigla ang galit sa katawan ko. Sumigaw ako ng malakas. Hindi! Hindi pwedeng mawala si Snow. Wala akong nagawa kundi umiyak at maikuyom ang aking mga kamay at nagwala.
Humihingi siya ng tulog at sinisigaw ang pangalan ko. Kahit nanghihina sinubukan kong tumayo pero bumagsak din ako. Lumuha nalang ako ng lumuha hanggang sa nawala ang imahe na nakita ko... Nagkakagulo na ngayon pilit akong kinakausap ng isang lalake pero hindi ko siya marinig. Tanging naririnig ko lang ay ang sigaw ng kaibigan ko na humihingi ng tulog. Nagdilim lahat ng paningin ko. Papatayin ko kayo.
Itutuloy....
Please vote
And
Comment.Ps. Kaya natagalan ako sa pag-update nahirapan akong buksan itong acc na ito. Nakalimutan ko ang password, and thank full ako kasi nakapag update ako. I'm sorry. I love you guys. Godbless!
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasiSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...