Xyrene
Bumangon na ako dahil papasok pa ako ngayon wala na si snow dito sa kwarto malamang na una na yon ayaw niyang nalalate kahit ako gusto ko.
Pumasok na ako ng banyo at naligo na ng matapos ako nagbihis na ako at umalis na. Dito na ako nagsusuklay sa hallway kasanayan na yan nung nag aaral pa ako sa dati kong school.
Napapatingin ang iba sakin na may blangkong mga mata dahil sa ginagawa ko hindi ako sanay na nagsusuklay sa kwarto mas gusto ko pang nag lalakad.
After 7 years ako tapos na akong magsukalay at papaakyat na sa hagdan para pumasok sa room.
Tahimik mukhang nagklaklase ang bawat room ganyan sila katahimik kapag may teacher kapag wala wild sila parang nakawala sa preso pero ang tatanda na.
Nakakapagod din sa hagdan na ito lalo na nasa 4th floor pa ang room ko sino ba ang hindi hihingalin lalo na kung mabigat ang bag mo? Tch.
Dahil hindi ko na kinaya ang sobrang pagod ginamit ko nalang ang ability ko upang lumipad mabilis din akong nakarating sa pupuntahan ko nakuha ko pang pagpagin ang palda ko kahit wala dumi astig!
Walang nakakita sa ginawa ko napa yes pa ako sa sobrang tuwa naglakad na ako sa hallaw mula sa kinatatayuan ko naririnig ko na ang kaingayan ng mga kaklase ko. Kami lang talaga ang maingay halos sa mga nadaanan ko tahimik.
Pagpasok ko ng room natahimik sila biga. At lumingon sa kinaroroonan ko para silang ewan na nakabukas pa ang bunganga mukha yatang nabigla
Maya maya pa nagsaya nanaman sila kaya napakamot nalang ako sa ulo ko may kaniya kaniyang sarili dito sa rooom may mga gang din at grupo di maman maiiwasan yon eh
Tumabi ako kay Snow na busy sa pagsusulat hindi ko siya inistorbo baka magalit pa sakin ito.
"Xyrene may naghahanap sayo kanina" sabi niya
"Huh? Sino? Bakit daw?" tanong ko habang nakatingin sa mga classmate ko.
"Yung lucas ba yon? Yung kausap ko kagabi hinahanap ka niya hindi ko alam kung anong kailangan niya eh"
"Ganun ba hayaan mo siya. Siya ang may kailangan siya ang pumunta dito"
"Sungit"
Sumandal ako sa upuan ko patuloy pa rin ako sa panonood sa mga kaklase ko na gumagawa ng kalokohan hindi na sila nagbago ganyan na talaga sila bully masyado
Maya maya pa dumating na ang prof namin na hindi man lang nila pinansin kahit naggoodmorning na ito. Wala silang pakialam masaya sila sa ginagawa nila
Binagsak ni Sir.David ang librong dala natahimik bigla napalingon sakanya ang mga estudyante.
"Sir! Nanjan ka na po pala morning!" sabi ni jane
"Wala pa ako hindi pa ako to fake lang to fake lang" pagbibiro ni sir
Natawa ang buong klase at saka bumalik sa kaniya kaniya nilang upuan.
"Si sir naman" sabi ni jane
habang nangangamotMaulap ngayon walang gaanong araw nahihiya si haring araw na lumabas.
"Okay class gaya ng naituro ko noon sainyo gusto niyo bang malaman ang tunay na pagkatao ni xyrene?" sabi ni sir na ikinagulat ko.
Napatingin sila sakin mukhang nagtataka tapos ibinaling na nila ang tingin kay sir.
"Yes sir!" sabi ng lahat.
"Kung ikwento ko man sainyo kung ano si xyrene please! Wag sana kayong magtatanim ng galit at sama ng loob sakanya maliwanag?"
"Yes sir!" sabay lingon sakin yung iba nakangiti yung iba wala lang. Cool ah!
"Si xyrene alam niyo na hindi siya normal na tao pero may puso parin siya gaya natin. Hindi siya nanggaling sa mundo natin sa ibang mundo siya nanggaling dahil ang nanay niya ay isang mandirigma noon at katulad din niya" tahimik ang lahat.
"Pagkatapos dahil nakapangasawa ang nanay niya sa mundo natin sa kasamaang palad hindi nila akalain na mamanahin ni xyrene ang kapangyarihan ng isang diwata"
Mag nagtaas ng kamay."Sir! Diba demonyo siya?"may pang aasar na boses ni Lexa
Ows talaga? Mas mukha ka pa ngang demonyo sakin dahil sa kapal ng make up mo sa mukha!
Ang iba sumang ayon sa sinabi ni Lexa. Aba! Hinawi pa ang buhok niya kala mo maganda puno nga ng harina.
"Tama na yan Lexa wala ka naman magandang sasabihin" prangka ni sir
Bagay mo mukhang pwet ng manok!
"At pagkatapos non ang akala nila normal na tao lang si xyrene pero hindi. Hindi rin siya demonyo kundi sa bandang huli siya din ang magliligtas sainyo" sabi ni sir na ikinagulat ng iba.
"Bakit sir? Halos patayin niya nga ako nung unang pasok niya dito akala mo kung sinong magaling!" sabi ni Ericka sabay snob sakin
Sige lang mga kutong lupa kayo
"Kasalanan muna yon at hindi na niya problema yon. Masyado kang mayabang sa sarili mo Ericka" sabi ni sir.
Hindi na siya nakasagot ba bagkus ako na ang tumayo at nagsalita mag isa.
"Kung ano man ang iniisip niyo sakin demonyo o mamatay tao man. wala akong pakialam gusto niyo yan problemahin niyo! Basta ako alam ko sa sarili ko na hindi ko kayo katulad at hindi kasing dumi ninyo! Bago niyo ako husgahan siguraduhin niyong malinis kayo!" sigaw ko chaka ko sinipa ang desk namin ni Snow.
Natahimik ang lahat at hindi sila makatingin sakin lumabas ako ng room pwersang sinerado ang pinto lupit dahil sa ginawa ko.
Sobrang inis ko pumunta akong mag isa sa gubat at doon nagbuhos ng galit na mararamdaman ko.
Sino ba talaga ako!
Umiiyak ako habang nagwawala sa guba na ito biglang umulan at kumidlat ng malakas winasak ko ang kalahati ng kabugatan sugatan ako dahil sa pagpapakawala ko ng enerhiya halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Masakit para saakin na ganoon nalang ang tingin nila mapang husgang mata ang meron sila.
Sumigaw ako sumasabay pa rin ang pagbuhos ng ulan at napakalas na kidlat.
Maya maya pa napaupo na ako dahil sa sobrang pagod at nanghihina na din ang katawan ko sa mga sugat na natamo ko sa sarili kong kapangyarihan.
Lumuluha pa rin ako ng may pumayong sakin napatingala ako at nakita ko doon si lucas na nakatayo sa harap ko at hindi nakatingin sakin kundi makatingin sa kalawakan.
"Hayaan muna sila wag mo nalang silang pansinin sadyang na iinggit lang sila sayo. Tumayo ka na jan para magamot ka na" sabi niya.
Lalo akong naiyak sa sinabi niya ingggit sila sakin kaya ganun nalang ang tingin nila sakin. Ang sasama nila kung tutuusin
"Tumayo ka na jan" sabi niya na ngayon iniabot niya sakin ang kamay niya.
Kinuha ko namna iyon habang nagpupunas ng luha. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit nagulat ako sa ginawa niya hindi ako makagalaw
"Wag ka ng malungkot nandito naman ako eh hindi naman kita papabayaan crying baby huh! Stop crying na nandito na ako wala ng mang aapi sayo" this time humagulgul ako ng iyak sakanya napayakap na din ako
"Sshhh...tahan na xyrene simula ngayon ako na ang magiging kaibigan mo" sabi niya habang yakap ako pinagpapalo ko ang dibdib niya sa sobrang iyak ko ang sakit sakit ng mga nararamdaman ko
Tumawa pa siya. Naiinis ako dahil bakit ngayon ka lang lucas.
Pinagpapalo ko ang dibdib niya lalo pang lumakas ang luha ko hininas niya ang likod ko. Maya maya pa konti nalang ang luhang lumalabas sakin."Promise mo sakin na hindi mo ako iiwan ah?" habang humihikbi
"I promise xyrene hindi ka na mag iisa" lalo pang humigpit nag yakap niya. Sa ka niya hinalikam ang ulo ko.
Ang sarap ng ganito na may dumadamay sa kalungkutan mo salamat at nakilala ko ang isang tulad mo lucas.
Itutuloy...
Wag kakalimutan amg vote! Salamat mahal ko kayo guys!
Godbless!
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasySi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...