Chapter 9 Darkness

301 16 0
                                    

Xyrene

Gumising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintaba ng kwarto ko napakamot ako sa mga mata ko dahil nagpuyat ako kagabi

"Oh gising ka na pala goodmorning!" masayang bati ni Snow

"Morning" matipid na sagot ko

"Badtrip ata tayo ah" habang nakangiti

"Hindi naman grabe ka! Ang aga ah!" sabi ko sabay bato ng unan

Pumasok na ako banyo at naligo na. Maya maya pa tapos na ako at kinuha ang suklay lumabas na kami ni snow kakain na muna kami nagutom ako ah

Napapatingin ang mga estudyante samin ni snow hindi ko alam kung ako ba o siya. Bumili na kami ng pagkain at pumunta na sa isang lamesa tahimik kaming umupo at kumain.

Biglang may umupo napalingon kung sino yon si lucas na abot tenga ang ngiti. Napakunot noo naman ako hindi naman siya ganyan dati ang sungit niya nga eh

May dala din siyang pagkain gaya namin kakain na ata siya maaga pa para pumasok sa mga rooms namin.

Mga ilang oras tapos na rin kami at lumabas na. Papunta kami ngayon sa room hinatid na din kami ni Lucas.

Napatingin samin ang mga kaklase ko at naghiyawan naman ang mga babae at lumapit kay lucas pinaglulupungan siya ngayon kinukulit siya na papicture naman daw

Sumeniyas nalang ako kay lucas na mauna na kaya tumango siya at tuluyang lumabas na siya ng room dahil sa mga babae

Umupo na kami ni Snow sa bandang likod ang pwesto namin sumandal ako na parang walang pakialam tahimik at walang emosyon ang mukha.

Nakuha ng atensiyon ko ang papalapit na si Jane at umupo sa harap ng Desk ko.

"Oh look the devil is here!" sabi niya na nakakapang asar

Hindi ko siya pinapansin. Wala naman akong pakialam kung anong sabihin niya.

"Sikat ka ngayon sa school ah dahil sa powers mo na meron ka. At chaka yung lalake pala na kasama mo si lucas bayon?"sabi niya habang nilalaro ang buhok ko

Hindi parin ako sumasagot nakacross arm ako at nakatingin sa mga kaklase ko

"Kung si lucas yon ipapaalam ko lang sayo na lumayo ka sakanya dahil hindi kayo bagay!" sigaw niya

Hindi ko parin siya kinikibo at hanggang sa tumayo at lalo akong hinarap.

"Wala ka bang bibig para magsalita ah! Bingi ka ba? Hindi diba!?" umalis siya saglit at bigla akong binato ng isang makapal na libro. Nainis ako.

This time lumingon na ako sakanya na na walan emosyon kitang kita sa mga mukha niya ang pagka inis dahil hindi ko siya kinakausap.

Dahil na nasaktan ako sa ginawa niya tumayo ako at kinuha ang libro binato niya sa akin.

Napalingon na ang nga kaklase ko sa amin dahil sa librong umeko kanina. Sinensiyahan ko si Snow na umupo at manood lang pisikal sa pisikal hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi ako namamatay.

Kinuha ko ang libro at malakas na hinampas sa mukha niya gaya ng dati nabigla ang mga kaklase ko napaupo sa at hawak ang kaliwang pisngi niya. Pumutok ang gilid ng labi niya

Muli kong ibinato sakanya ang libro at napahiga na sa sahig ito at nagsisigaw sigaw bumalik ako sa pwesto ko at hinayaan lang siya doon

"Damn you Xyrene!" sigaw niya alam kong naluluha siya matanda na siya umiiyak pa.

Umupo siya sa upuan niya at tinignan ako ng masama pati ang mga alipores niya. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kawalan.

"Bes lakas natin ah" bulong ni Snow sabay tawa. Napatawa nalang din ako at hinampas siya.

Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon