Snow PoV
Tulog na tulog si Xyrene mukhang napagod kahapon nakita ko ang laway niya na tumutulo kaya binalak kong kuhanan siya ng litrato at ibigay kay lucas nagpipigil ako ng tawa dahil baka magising siya. Ng makuha ko na lumabas ako ng kwarto at humalakhak ng tawa halos paghahampasin ko ang pader sa kakatawa ko. Bumukas naman ang pinto nila Lucas at iniluwa doon si Jett na nagtataka sakin.
Tumigil ako sa pagtawa at umayos ng tayo papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng hawakan niya ang kamay ko.
"Sandali. Si Xyrene kamusta siya? " at nakatingin ng deretcho sakin.
"Ahh eh natutulog pa siya mukhang pagod na pagod siya eh kaya ayun ayokong gising bakit?" taka kong tanong
"Wala" saka siya umalis at iniwan akong tulala. Baliw yun.
Pumasok na ako sa kwarto at nakita kong gising na si Xyrene kaya napangiti ako ang cute niya tuloy kapag bagong gising siya tumabi ako sakanya kaya napalingon siya sakin.
"Goodmorning sis!"masayang bati ko at niyakap siya.
"Morning snow. Kain na tayo tara nagugutom na ako tuladmoabang nakapikit siya. Napailing nalang ako
"Hindi kapa nga naliligo kakain kana ang baho mo kaya amoy laway ka yuck!" pang aasar ko kaya natawa siya saka ako tinulak. Pumasok siya ng banyo at tinignan muli ang picture niya muli nanaman akong tumawa at pinaghahampas ang kama niya maya maya at lumabas na si Xyerene sa banyo kaya napatingin siya sakin na may pagtataka ang mukha.
"Bilisan mo para makakain ka na" sabi ko na may pagkaseryoso ang boses saka tumalikod. Pagkalabas ng pinto tumawa ako at hinintay na doon sa labas.
Pagkatapos lumabas na siya at naglakad pumunta kami sa canteen pero hindi namin alam kung saan. Kaya naglakad pa kami ni Xyrene.
******
Xyrene
Kanina pa kami lakad ng lakad ni Snow dito sa loob ng kastilyo na ito pagod na ako kakalakad kaya naisipan kong umupo nalang sa tabi ng hagdan. Umupo sa tabi ko si Snow at naghalukipkip gutom na kami dahil dalawang oras na kaming naglalakad mataas na rin ang tirik ng araw mainit sa labas pero sa loob malamig. Hindi namin alam kung saan kami pupunta ni Snow kaya tumayo na ako at balak sa ng bumalik ng kwarto ng may lumitaw na lalake sa harap ko.
"Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Natan para mag almusal." lumakad siya at sinundan namin ni Snow.
Naglakad kami sa hallway at nasisinagan kami ng araw dahil sa malalaking bintana sobrang ganda ng tanawin kapag lumabas ka mamaya lalabas ako.
Lumiko kami at nandito sa isang malaking pinto nanaman pumasok kami pagkapasok namin nakita ko sila Lucas at Jett doon na hindi pa kumakain hinihintay ata kami. Si natan pala ang lalakeng nakausap namin sa office kahapon."Maupo kayo" magalang na sagot ni natan kaya umupo kami ni Snow sa bandang dulo malaki ang lamesa at puno ng pagkain siguradong mabubusog ako.
"Ang tagal nyo kanina pa ako nagugutom" sabi ni thea habang nakasimangot.
"Edi sana kumain ka na problema pa wari namin na nagugutom ka tsk" sabi ni snow at padabog na umupo sa upuan. Umiling nalang ako at napangiti tinignan ko si Thea na nakabusangot at matalim ang tingin samin.
Sinimulan na naming kumain kanya kanyang kuha ng pagkain kahit anong kainin pwede. Kumaha ako ng isang hita ng manok at tatlong hotdog kumuha ako ng mangkok para ilagay doon ang meat at gulay tumigil muna ako sa pagkuha dahil naramdaman ko ang pagtitig nila sakin si Gian nakanganga si Lucas naman hindi natuloy ang pagsubo ng meat. Inisnob ko sila at kumain na.
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasySi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...