Xyrene POV
Naglakad na ako pabalik ng underground akala siguro ni Jett ay magseselos ako at makakaramdam ng sakit sa loob ng puso ko pero nagkakamali siya.
Pagkapasok ko nakita ko si Lucas na sa akin patungo ang ginawa niyang kidlat na umaapoy natakot ako at bigla iyon naglaho kaya napakunot noo ako kay lucas.
"Papatayin mo ba ako lucas?" masamang sabi ko.
"Hindi ko naman kasi alam na darating ka Xyrene saan ka ba nanggaling?" habang pababa siya sa ere.
"Sa tabi tabi lang naglakad" wika ko saka ko siya nilampasan sa paglalakad.
Pumesto ako at huminga ng malalim para kumuha ng enerhiya gusto kong ilabas ang tunay na anyo ko para naman malaman mo kung sino ba ako at ano ang kapangyarihan ko. Halos halo halo ang kapangyarihan ko eh.
Naghanda na din si Lucas kami ang maglalaban ngayon. Maya maya may init sa katawan ko na lumabas at napadilat ako ng may itim na enerhiya ang lumalabas sa katawan ko
Hindi kaya?
Nakatingin lang sa akin si Lucas na ngayon ay nakangiti tuwang tuwa pa ata sa nangyayari sakin. Ilang sandali pa gumawa ako ng eagle na sing laki ng aso at kitang kita sa mga mata nito na mapula at matulis ang nguso maiitim ang pakpak matutulis din ang mga kuko nito. Pumatong siya sa balikat ko at nagpakawala ng nakakakilabot na ingay.
Napatakip ng tenga si Lucas dahil sa eagle nawala ang kapangyarihan ni Lucas at pagkatapos non tumingin siya sa akin.
"Malayong kakampi ka ng kasamaan Xyrene" sabi ni lucas habang nakatigig sa akin.
"Hindi ko alam lucas pero ang nararamdaman ko ay malakas ako. Alam kong hindi patas ang laban nasa sayo kung gusto mo pa akong hamunin" sabi ko.
"Hindi ko alam. Kaya mo ba akong saktan?" tanong niya
"Kung kinakailangan pero kung hindi. Hindi ko kayang saktan ang nag iisa kong kaibigan" saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti ilang saglit pa pinaglaho ko na ang eagle at ang enerhiyang itim.
"Gusto kong pumunta ng Academy lucas" at lumabas ng underground pero pinigilan niya ako.
"Ano namang gagawin mo don Xyrene?" Nagtatakang tanong niya.
"Mamamasyal" matipid na sagot ko at binitawan niya ang kamay ko. Alam kong susunod naman si Lucas kaya hinayaan ko siya. Marami tao ngayon pero hindi naman siguro masamang lumabas ng kastilyo.
"Bawal lumabas ng walang sinasabi si Sir natan" matigas na sabi ng kawal
"Lalabas ako kung gusto ko" matigas na sabi ko. Lalabas na sana ako ng pigilan nila ako hinawakan nila ang magkabila kong braso at tinutukan ng sandata nila.
"Hayaan niyo sya! Palabasin niyo siya kung gusto nya kapag napahamak siya hindi natin sagot ang kamatayan niya" lumingon ako sa likod at nakita ko doon si Jett na nakaharap sakin. Ngumisis ako at lumabas na ng kastilyo.
Puno ang dadaanan namin ni Lucas kasabay ko siya ngayon sa paglalakad tahimik lang kami at walang nagsasalita. Napabuntong hininga nalang ako.
"Xyrene may tanong ako" siya na ang nagbasag ng katahimikan.
"Ano yun lucas" sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Kung sakali bang maging kayo ni Jett papayag ka? O kung kayo na iiwan muna ba ako?" napahinto ako at tumingin sakanya nakayuko siya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko naman gusto si Jett dahil wala naman akong pakialam sa mga taong ayaw sakin lucas" naiinis na sabi ko.
Magsasalita pa sa na siya ng may narinig kaming kaluskos. Marami sila hindi lang isa. Naalerto ako alam kong aatake sila ilang minuto lang. Maya maya pa may lumabas na babae sa harap namin ni lucas medyo malayo siya at hindi maaninag ang mukha niya.
"Hello Xyrene namiss mo ba ako?" malambing niyang sabi.
Kilala ko siya. Siya yung babaeng nagbigay sakin ng pulang mapa pano ko naman makakalimutan ang mukhang demonyong katulad niya.
"Bakit? Parte ka ba ng buhay ko para mamiss kita?" mataray na sabi ko. Natawa siya ng mahina.
"Of course, hindi ako parte ng buhay mo. Okay lang kung hindi mo ako na miss. Gusto ko lang naman sabihin na nakapag handa ka na ba?" inalis niya ang cloack sa ulo niya.
"Handa para saan?" nagtataka kong tanong.
"Hindi mo alam? Natatandaan mo naman ang binigay kong mapa sayo diba?hindi mo alam kung kailan sila susugod Xyrene baka isang araw patay na ang mama mo kapag hindi mo pa napuntahan ang lugar na iyon" mapaglaro niyang wika.
Napakuyom ako sa sinabi niya hindi ko pinapahalat sakanya na mahina ako kaya pinipigilan kong manghina. Isa na rin ang kapangyarihan ko na gustong kumawala.
"Oh Dear, Kung gusto mo pang mabuhay ang ina mo sundin mo nag sinasabi ko" bigla siyang nawala at pumasok sa madilim na puno. Naalerto kami ni lucas at naglabas siya ng kidlat mula sa itaas.
Lumabas ang napakadaraming lobo sa paligid namin. Mapupula ang mata nila matutulis ang pangil may dugo pa ito at halatang may kinain na nilalang. Mula sa itaas nagbaba si lucas na nakakakilabot na kidlat na kung saan tumilapon ang iilang lobo. Lalong nainis ang mga lobo kaya sabay sabay nila kaming sinugod. Lumipad ako kasama si lucas naglabas ako ng ware wolf black and Red mas malaki ito sa mga lobong gusto kaming kainin ngayon.
Hinayaan kong sugurin ng ware wolf ang mga lobo. Ilang saglit pa sugatan na ang ware wolf ko masyado silang marami pinaglaho ko ang ware wolf. Si lucas at patuloy pa rin sa pakikipag laban ng may humila sakin pababa.
"Xyrene!"sigaw ni lucas inabot niya ang kamay niya pero huli na dahil bumagsak na ako. isang anino ang humila sakin at sinaksak ako ng nakakalason na espada. Unti unting pumipikit ang mga mata ko. Dahil sa ginawa ng anino kanina ay sumugod papunta sakin ang mg lobo at pinagkakagat ako kung saan saan ganun din si lucas pero mabilis siyang nakalipad.
"Lumayo kayo! Kung ayaw niyong sunugin ko ang buong kagubatan na to!"nanggigigil na sabi ni lucas.
"Hindi mo sila matatakot lucas dahil hindi ka nila naririnig. Kontrolado ko sila kaya wala kang magagawa" lumabas ang isang lalakeng matangkad sa may puno.
Kilala niya si lucas?
"Damn you Nick!" sigaw ni lucas at tumawa naman ito. Naglabas ang lalake ng marami pang lobo malalaki na ito mas malaki pa ata sa ware wolf ko.
Biglang bumagsak si lucas sa lupa ngayon ay kinakagat na rin siya ng mga lobo.
"Please tama na maawa ka" nanghihina kong wika.
"Diba malakas ka? Bat hindi ka lumaban? Hanggang pagmamakaawa ka nalang ba?" lumapit naman sa akin ang iilang lobo at galit na galit ang tingin sakin.
Si lucas ay wala ng malay naliligo siya sa sarili niyang dugo. Napaluha ako.
Ang kaibigan ko...
Nagalit ako. Kinagat na ako ng mga lobo nanghihina na ako at unti unti na ding pumipikit ang mga mata ko ang lason na isinaksak sakin kanina ay kumalat na. Bago ako pumikit lumingon ako sa lalakeng nakangiti at papaalis na hindi ko na siya nakita ng pumikit na ako ng tuluyan.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasiSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...