JETT
Nandito kami ngayon sa labas ng kweba at pinapanood pa rin ang paglipad ng isang mahabang buhok at katawan nito. Hindi ko maiwasan na baka si Xyrene ito o patibong lang. Simula ng dumating sa Academy si Xyrene napuno na ng gera ang buhay namin hindi mo man masabi kung kailan ka nila aatakihin.
Hindi parin sya gumagalaw nakatingin sya sa maliwanag na buwan biglang nahulog ang mahabang buhok kanina na na ka lagay sa ulo nya.
Naging lalake na sya ngayon.
Sa sobrang bigla ko hindi na ako makapagsalita sa kinakatayuan ko hindi ko rin alam kung anong reaction nila lucas at ng kanyang lolo. Masyado akong nagulat ng humarap sa amin ito. May bolang itim sa kamay nya nag iispark ito at ang mga mata nya at umiilaw sa galit. Kinabahan ako baka kinuha nya si Xyrene dahil ganyan na ganyan din ang kapangyarihan nya.
"Jett! Anong gagawin natin?" natauhan ako ng sumigaw si Lucas banda sa gilid ko.
"H-hindi ko a-alam" nauutal kong sabi. Hindi pwedeng lumaban si lucas ngayon dahil hindi pa sya gaanong malakas dahil sa nilason sya ng mga pangil ng lobo.
Hindi pa rin bumababa ang lalakeng nasa ere kaya naisipan kong maglabas na din ng apoy at pinantayan ang pagkakalipad nya. Tinignan ko sila lucas at ang lolo nya nakatingin lang din sakin sinasabi sa mga mata nila na wag ko daw syang sasaktan. Naiinis na ako nagpadala nanaman ako sa emosyon ko hindi ko naman alam kung kaaway o kakampi ba sya babatuhin ko na sya sana ng Fire ball ng magsalita sya.
"Where's my Queen?" nakakakilabot nyang wika.
"Anong Queen ang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba? Wala sya dito!" sumagaw ako nakita ko sa liwanag ng buwan kung paano nanlilisik ang mga mata nya sa akin. Hindi na sya nagsalita pa at gumawa sya ng napakalaking Electric Ball ibinato nya sa amin nila lucas ito. Gumawa kami ng Barrier na syang hindi kami matamaan ng Electric Ball. Pero nabigo kami. Nawasak ang Barrier at isa isa kaming tumilapon sa iba't ibang dereksyon tumama ang likod ko sa malaking bato agad naman akong nagluwa ng malapot na dugo mula sa bibig ko.
Ang lakas nya! Sino ba sya? Anong sinasabi nyang Queen? Shit!
Nanghihina akong tumayo at pilay pilay na lumakad. Papunta sa dereksyon ko ang lalakeng nakaputi ngayon kitang kita ko na ang pagmumukha nya. Gwapo sya at gulo gulo ang buhok maputi din sya. Ngumisi ako.
"Ano pa! Patayin mo na kami!" hidni ko mapigilang sumigaw dahil nag aalala pa rin ako kay Xyrene kung nasan na ba sya.
"Kung ibibigay mo sakin ang hinahanap ko. Hindi sana ganyan ang makukuha mo sakin" maangas nyang sabi.
"Ano naman ang ibibigay ko sayo? Kayamanan? San ako kukuha non? Bobo ka ba?" naiinis kong wika.
"Queen" nagtaka ako ng banggitin nanaman nya iyon. Pangalawang beses na syang sinasabi iyon kaya kinabahan na ako.
Baka si Xyrene ang tinutukoy nya.
Kinuyom ko ang kamay ko at nanlilisik na tumingin sakanya.
"Wala dito ang hinahanap mo"
"Pano mo nalaman? Alam ko dito sya nanggaling kaya wala kayong maitatago sa akin"
"Ano bang kailangan mo sakanya? Ano!" sumigaw ako at isang beses na sinuntok nya ako. Mas lalo akong nainis dahil hindi manlang ako makalaban napakadami kong sugat na natamo sa Electric ball nya.
"Gusto mong malaman na kung sino ako?" nakangisi sya.
"Zero!" napalingon kami sa isang babae ang tumawag sakanya. Lumapit sya sa lalakeng nakatayo sa harap ko at hinawakan nito ang balikat nya.
"Wala dito ang hinahanap natin. Kaya umalis na tayo wag mo silang sasaktan dahil wala silang kinalaman dito. Pero alam kong kalaban sila. Tara na bumalik na tayo kapag may balita na uli" mahinhin nyang sabi kay Zero.
Ngumisi sya.
"Magpasalamat ka sa kasama ko at buhay ka pa kung hindi kanina ka pa nawalan ng buhay jan" bulong nya sa akin.
Tinignan nya muna ako bago sya umalis. Ngumisi sya sakin at umalis na. Ng makaaalis sila saka nalang akong sumigaw ng malakas. Naiinis ako sa sarili ko.
Nasan ka na ba Xyrene.
Hindi ko maiwasan magwala masyado ata kaming nagpabaya masyaso kaming naging kampante sa mga bawat araw na akala namin ayos lang pero hindi. Nasira ang lahat ng dahil sa isang babaeng inosente. Yon ay si Xyrene.
Lumapit sa akin si Lucas na ngayon ay puno din sya ng sugat dumugo na din ang kagat ng lobo sakanya. Itinayo nya ako at nilalayan na pumasok sa loob ganon na din ang lolo nya. Nanghihina kaming tatlo nakaupo kami sa sofa hindi namin alam kung anong gagawin.
Biglang gumawa ng maliit na dwende ang lolo ni lucas at isa isa kaming ginagamot. Walang nagsasakita sa amin ni isa hindi rin siguro sila makapaniwala sa nangyari.
"Gusto nyo bang malaman kung sino sya?"binasag ng lolo ni lucas ang katahimikan.
"Sya ang King Of Darkness. Alam ko si Xyrene ang hinahanap nya dahil si Xyrene ang nakakuha ng last energy ng itim na kapangyarihan. Siguro naramdaman nya iyon dahil nailabas na ni Xyrene ang itim. Isa nalang ang hindi nya nailalabas" sabi nya habang nakatingin sa mga sugat namin.
"Ano ho iyon?" naiinip kong tanong.
"Kundi ang kulay pulag nerhiya. Kapag nagsama ang itim at pula pwedeng lumakas si Xyrene dahil sa dalawa ang kapangyarihan nya. Ang itim ay sa kasaaman at ang pula ay galing sa impyerno. Simbolo ng pula ang lava na sumusunog sa mga taong nasa impyerno ngayon." hindi ako makapaniwala sa sinabi ng lolo n ni lucas. Natulala nalang ako.
Ganon na ba kalakas si Xyrene? Kaya pala sinasabi ni Natan na sya ang may hawak ng malakas na kapangyarihan. Imposible.
Ang mga inosenteng mata ay nagiging masama kapag nagagalit.
"Kaya nya sinasabing Queen kanina dahil balak nyang lasunin ang utak ni Xyrene at sya ang magiging reyna ng kaharian ng kasamaan. Balak ng hari na si Zero na gumawa ng panibagong lahi at lalo silang mapalakas kapag nagawa nila iyon kahit ang mga inosenteng tao ay madadamay dito" tumayo sya at umalis sa kinauupuan namin.
Lumingon nalang ako kay lucas na ngayon at nakapikit sya mukhang malalim ang iniisip nya. Maya maya minulat nya ang mata nya at tumingin sa akin.
"Alam ko kung sino ang makakatulog satin upang malaman ang hinaharap" bumuntong hininga muna sya. Hindi ako nagsalita.
"Kundi si Snow. Ang kaibigan ni Xyrene sya ang makakatulong sa atin" Pagkatapos non ay pumikit na sya at nagsimulang matulog.
Masyadong mahirap ang sitwasyon. Sana matulungan mo kami Snow. I wish.
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasíaSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...