JETT POV
Pagkatapos umalis nila Xyrene sa kastilyo nakaramdam ako ng hinanakit sa puso ko naiinis ako dahil nakakaramdam ako ng ganito. Papunta ako ngayon sa Training room mabigat ang yabag ko feeling ko may hindi magandang mangyayari. Napahinto ako at lumingon uli kung saan lumabas sila Xyrene.
Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko lumabas na din ako ng kastilyo at sinundan sila Xyrene at Lucas kung saan sila dumaan. Lumipad ako gamit ang Fire Dragon ko. Kinabahan ako dahil sa hindi ko sila makita.
May napansin ako di kalayuan na kalbo ang kagubatan dali dali ko iyong pinuntahan at nakita ko nalang ang bakas ng dugo at mga damit na naiwan doon. Bumaba ako at hinawakan ang dugo may kulay green ito halatang nilason ang iisa saka nila nakaramdam ako ng galit.
Iniisip ko pa rin si Xyrene kung nasan siya. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Sa di kalayuan may lumabas na matandang lalake doon at papalapit sakin kaya naglabas ako ng apoy sa kamay ko. Napaurong naman siya.
"Sandali iho, hindi kita sasaktan gusto ko lang sabihin sayo na wala na ang dalawa mong kasama" sabi ng matanda
"Nasan sila? Saan mo sila dinala!?" galit na galit kong wika
"Hindi mo pwedeng malaman" sabi niya saka naglaho na para lang bula. Sa inis ko nagbato ako ng apoy sa derksyon niya pero wala na talaga siya. Sumigaw ako ng malakas at sumabay naman ang malakas na ulan napaluhod ako.
Iiwan mo na ba ako Xyrene?
Sinuntok ko ang lupa dumugo muli ang kamay ko at napangiwi ako. Bat ba ang tanga ko!?. Lalong sumikip ang dibdib ko at tumulo ang luha ko.
Pinaiyak ako ng isang babaeng akala ko mahina pero mali pala ako.
******
Third Person
Bumalik na si Jett sa kastilyo para makapagpahinga nakasalubong niya si Gian na ngayon ay nag aalala sa kanya dali dali nitong dinala sa kwarto nila at binigyan ng twalya.
Sa kabilang banda naman si Lucas at Xyrene ay pinapagaling ng matandang ng ampon kay Lucas. Malala ang lason na nasa katawan ni Xyrene unti unti nitong pinapatay ang puso niya pero pilit na lumaban ang matandang nagpapagaling sakanya. Mga kagat lang ng lobo ang natamo ni lucas kaya dugo lang ang nawala sakanya.
Pagkatapos tinawagan ni Gian si Natan para ipaalam na nawawala sila Lucas at Xyrene. Dali dali namang umalis sa pinagtratrainingan ni Snow si Natan isinama na din niya si Snow dahil nag aalala din ito sa kaibigan niya. Ilang saglit pa ay dumating na sila sa kastilyo at nagkita kita sa opisina ni Natan.
"Anong nangyare Jett? Sabihin mo sakin" hingal na sabi ni Natan. Hindi pa rin kumikibo si Jett bagkus at nakatingin lang ito sa sahig parang walang narinig.
"Ako na natan. Lumabas ng kastilyo sila lucas at Xyrene para magpunta ng Academy nagmatigas si Xyrene para makalabas. Ngayon ay hinayaan na nila ang dalawa at nagpatuloy sa kanilang ginawa. Hindi nalang inaasahan ni Jett na bakas nalang ng Dugo ang maaabutan niya sa lupa at sira sirang damit." mahabang paliwanag ni Gian.
"Ang sabi ko walang lalabas ng kastilyo dahil delikado!" hindi na napigilan ni Natan ang mapasigaw. Kaya napalingon sakanya si Jett. Nanlilisik ang mga mata nito at tumayo upang harapin si Natan.
"Oo may sinabi ka nga nakinig ba siya?hindi diba!? Nagmatigas siya na lumabas kung hindi mo sana siya dinala dito hindi ka magpapakabaliw ng ganyan!" saka niya itinapon ang upuan.
Pinakalma naman ni Gian si Jett pinaupo saglit ito si Natan naman ngayon ay napaupo na din at hindi alam ang gagawin kaya.
"Sige. Kung yan ang gusto mo papabayaan ko na si Xyrene wala na akong pakialam sakanya mung sakali man na kunin siya ng mga Demond hindi ko na sagot yon" malamig na sabi ni Natan.
Lumingon naman sakanya sila Gian at si Thea na walang pakialam. Si Jett napalingon din at tumayo.
"Mabuti pa" saka siya umalis at iniwan silang tulala.
Hindi na nila alam ang gagawin kaya si Jett nagpakalayo at hindi na muna umuwi ng Academy tinigasan na nya ang puso nya at hindi na nito papakialam si Xyrene. Lumayo siya at hindi na nagpakita pang muli.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/160917026-288-k195059.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasíaSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...