Namimilik mata
Third person
Habang kumakain ang mga gwardya sa tabi ng kulungan ni xyreen. Napansin ng mga ito na hindi niya ginagalaw ang kaniyang pagkain kahit nakatanggal ang posas niya.
"Tignan mo nga at baka nag iinarte nanaman iyan." Inis na wika ng gwardya. Padabog naman tumayo ang isa at binuksan ang kulungan. Pinagmasadan niya ang nakayukong dalaga. "Hoy ano nanaman dinadrama mo dyan? kapag hindi ka kumain mamamatay ka. Lagi ka nalang ganyan nakakasawa ka." Sinipa ng gwardya ang dalaga sa tiyan.
Pero hindi ito gumalaw. Walang anong sigaw itong narinig dahil sa pagsipa niya hindi tulad nung una. Lalong nainis ang gwardya. "Tang ina naman." Pinantayan niya ang dalaga at inangat ang ulo nito. Binuksan niya ang bunganga ng dalaga at kumuha ng pagkain sa pinggan upang isubo iyon.
"Gusto mo sinusubuan kapa. Ang are arte mo. tsk!." Hinintay niya itong ngumuya. Pero hindi ito gumalaw. "Pare ayaw naman kumain ng isang to baka tulog lang." sigaw niya sa kasama. Nainis din ito at pumasok din ng kulungan. "Bwisit yan, pinahihirapan tayo!" saka nila ito pinagsisipa at pinagsusuntok. Sa bawat suntok nila wala silang naririnig na daing mula sa dalaga. Kaya napatigil sila at nagtaka.
"Hindi kaya..." Dali dali nilang hinawakan ang pulsuhan nito. Napagtando nilang wala ng buhay ang dalaga. Nangamba sila at natakot ng lubusan. "Anong gagawin natin? Malalagot tayo sa hari dahil sa nangyaring ito!" Natataranta na sila kaya't gumawa sila ng paraan.
Kumuha ng sako ang isa sa bodega. Tinali naman nila ang kamay at paa ng dalaga. Sinako nila ito at idinaan sa likod ng kulungan upang makasigurado silang walang makakakita sa pagtapon nila sa bangkay.
pumunta sila sa pinakamalayong ilog. Ang ilog na iyon ay dadaloy sa dating kastilyo ng Titan Castle. Hindi alam ng dalawa iyon. Kaya tinapon nila ang bangkay ng walang nakakakita sa kanila. Bumalik sila sa kaharian at ipinamalita sa hari na patay na ang dalaga. Lumuhod ang mga ito at humihingi ng tawad. Tumayo ang hari. "Mga hangal! wala akong inuutos na patayin niyo siya! ikulong lang at wag pahirapan!." Pinagsasampal niya ang mga ito. "Siya ay aking pakakasalan. Ngunit nilagok niyo ang kaniyang buhay! Pugutan sila ng ulo ngayon din!" Galit na galit ang hari sa nangyari.
Dali dali nitong pinahanap ang bangkay ng dalaga upang buhayin uli. Ngunit hindi na uli ito na kita. Pinatay ang dalawang gwardya at pinatapon din sa ibang bagahagi ng ilog. "Patay na ang iyong reyna, ano ang iyong balak ngayon? babagsak ka na kapag nalaman nila ang nangyari."Pananakot ng kaniyang Unang asawa. Ang hari ay pwedeng mag asawa ng marami. "huwag kayong tumigil sa paghahanap. Hangga't hindi ninyo nahahanap ang bangkay ay wag na wag kayong babalik dito!." Nagwala ang hari at pinatay ang ibang alagad. "Hindi ka ba napapagod sa iyong ginagawa?. Bat kapa naghahanap andito naman ako." Lumingon sa kaniya ang hari at isang malakas na sampal ang tumama dito. "wala kang pakialam! Ako ang masusunod dito at hindi ikaw!" Kaya umupo ang hari sa kaniyang trono at nag isip.
Habang lumulutang ang sakong nilalaman ng bangkay ni xyreen. Ang mga hayop sa paligid ay nagsilabasan. "Tignan ninyo iyon!" Sigaw ng isang sirena. Namumuhay sa ilog ang iilang sirena hindi ito alam ng marami. Narinig ng mga sirena ang iyak ng iilang hayop. Hindi nila ito maintindihan. "Bawal sa ilog na ito ang magtapon ng kalat. Kaya itapon yan sa gilid ng damo." Tinapon naman nila yon.
At dahil don, malapit lang iyon sa dating kastilyo na natirhan ng mga estudyante. Wasak na kasi yon noong sinugod sila ng mga kalaban. Naglaho ang mga sirena dahil baka may makakita pa sa kanila. Naglupong ang mga hayop sa tabi ng bangkay at iniyakan nila iyon. Habang naglalakad ang isang babae sa gubat. Narinig niya ang mga iyak ng kaniyang mga alaga. Kaya dali dali niya itong pinuntahan. Binaba nito ang dalang basket at pinagmasdan ang sakong yon.
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasiSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...