Chapter 5 The Truth

470 16 0
                                    

Lucas POV

Ako si Lucas Fulgencio 19 na taong gulang nakatira ako sa isang kagubatan na kung saan kasama ko lang ang aking Lolo na si mang carding siya ang kumupkop saakin nung bata palang ako namatay ang mga magulang ko sabi ni Lolo carding dahil daw sa aksidente.

Buhat ko ang isang babae na nakita ko kanina sa may kagubatan at pinagkakaguluhan ng mga taga roon alam ko na hindi siya normal na tayo kaya ganun nalang ang galit nila dito sa babaeng to hindi ko alam kung anong pangalan niya maganda siyang babae mahaba ang buhok inosente ang mukha

Dinala ko siya dito sa kagubatan dahil kilala siya ng lolo ko malakas ang pakiramdam niya sa babaeng to kaya dali dali niya akong pinapunta sa kinaroroonan nito

Hindi ko maiwasan pamatingin sa makinis niyang mukha hindi ko mapigilan na titigan siya napakatangos ng ilong niya

Pumasok ako sa loob ng kubo at nadatnan doon si lolo sinalubong niya ako at pinagmasdan ang babaeng hawak ko hindi ko alam pero tuwang tuwa si lolo na makita ang babaeng pinakuha niya sakin sa kabilang dako ng academiya

"Lo, bakit niyo po pinadala sakin dito ang babaeng yan?"

"Lucas apo alam mo naman siguro na hindi siya normal na tao kaya ko siya pinadala sayp dahil gusto kong sabihin sa batang ito ang totoong pagkatao niya"

"Sino ba siya Lo?"

"Siya si Xyrene apo mabait siyang bata pero maraming nakakatakot na bagay ang nasa loob ng pagkatao niya kaya delikadong mailabas niya iyon apo" sabi niya habang nakatingin kay Xyrene.

"Antayin nalang natin siyang magising lucas hayaan muna natin siyang magpagaling"

Umalis si lolo sa pagkakaupo ng kama ni xyrene habang ako naman ay nakatingin parin sakanya. Ang sabi ni lolo hindi siya normal na tao eh ano siya? Katulad din namin?

Mapapahamak lang siya...

********

Xyrene POV

"Xyrene!"

"Xyrene wag kang sasama saka nila lumayo ka saka nila!"

"Lumayo ka saka nila Xyrene!"

Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong boses mula sa panaginip ko. Tagaktak ako ng pawis at napangiti nalang ako ng maramdaman ko ang katawan ko na may mga sugat pala ito

Lumayo ako saka nila?

Hingal na hingal ako dahil sa hindi ko malamang dahilan na lumayo daw ako saka nila hindi ko maintindihan kung sino ang babaeng nasa panaginip ko ano bang nangyayari

"Gising ka na pala" napalingon ako ng magsalita ang isang lalake sa tabi ng pintuan

"Sino ka?" tanong ko.

"Ako si lucas fulgencio ako ang nagdala sayo dito pinadala ka ng lolo ko."

"Anong kailangan niyo sakin?"

"Wala saka ka na magtanong hindi ako google para pagtanungin mo" tinalikuran nalang ako.

Aba! Kala mo kung sino bakit? Sinabi ko waring google siya aish!

*****

Nakahapag kainan kami ngayon at nagkwekwento ang lolo ni lucas na nangangalang carding hindi ko alam bakit napakagaan ng loob ko sakanya napakabaiy niya saakin samantalang si lucas dedma kain lang ng kain

Nagtatawanan lang kami ng biglang sumeryoso ang mukha ni lolo carding dahil daw may sasabihin na mahalaga ito saakin

"Xyrene gusto mo bang malaman kung sino ka ba talaga?"

"O-opo" nag aalangan kong sabi.

"Ganito kasi yan, noong bata ka ibinigay ka saakin ng ina mo dahil sa balak kang patayin ng mga tiyuhin niya dahil ayaw nila sayo. Galit sila sa nanay mo dahil sa sobrang bait at ganda nito. At sa kasamaang palad hindi namin inaasahan na may isang kristal na bato ang pumasok sa loob ng utak mo akala ng ina mo ay tuluyan ka ng mawawala pero ang totoo niyan may gustong ipaalagaa sayo ang isang diwata gusto niyang ipagkatiwala sayo ang kapangyarihan niya dahil alam niyang ikaw lang ang makakakontrol nito" uminom muna siya ng tubig.

"At pagkatapos non akala namin madali lang ang lahat pero hindi, dahil isa ka sa mga may special na kapangyarihan dito sa mundo ng mga normal na tao o immortal na tao. Kaya delikado ang buhay mo wag na wag mo basta ilalabas ang kapangyarihan mo dahil lang sa galit kung hindi maamoy ng mga kalulu ng kasamaan ang taglay mong kapangyarihan at babalakin ka nilang patayin".

Kinabahan ako sa sinabi ni lolo carding hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may special power ako matatakot ba ako dahil balak akong patayin ng mga kaluluwa ng kasamaan

Kaya pala ganun nalang ang pakiramdam ko sobrang lakas ko minsan lalabas ang kapangyarihan ko dahil sa inis at galit natatakot ako ayoko pang mamatay

Napatigil ako sa pagkain dahil sa katahimik namin hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ni lolo carding si lucas naman ay ngayon nakatingin na sa akin seryoso ang mukha niya samantalang ako at tulala parin

Alam ko na hindi pa ngayon ang oras para alamin ang lahat may mga araw na malalaman ko lahat ng tungkol sa buhay ko at sa kapangyarihan na hawak ko alam ko hindi lang ako nag iisa alam kong marami kami kaya hindi nila ako maloloko

Marami pang panahon para jan kailangan ko muna ng mahabang oras para makapag isip at makapagplano

Hindi pa kami tapos mag usap ng taong nasa harap ko. Babalikan ko siya kapag handa na ako.

Itutuloy







Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon