Chapter 2

2.1K 46 4
                                    

Chapter 2
Fighting Spirit

"Ma naman, hindi ko naman po pababayan pag-aaral ko...yes Ma, kasama ko po si Sofi, Ma please? Hayaan mo na lang po ako...okay Ma, I love you." that was Ace.

Pababa pa lang ako sa hagdan galing sa kuwarto ko ay naririnig ko na ang ingay ni Ace, he's talking loudly with his Mom over the phone. Siguro'y nakarating na sa kanya ang balita, tungkol sa pag-aartista ng anak.

"Good morning," bati ko nang nasa kusina na. Ace's busy cooking. Nakapagluto na siya ng dried fish at sinangag na kanin. Naupo na ako sa upuang para sa akin at pinakatitigan siya.

"Anong sabi ni Tita?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat, he's now with his uniform. Pag biyernes kasi ay maaga ang pasok niya, ako naman ay alas otso pa.

"Nagbilin lang naman na dapat daw huwag kong pabayaan pag-aaral ko." naupo na rin siya at sumandok na, nilagyan niya ng sunny side up egg ang plato ko.

"Ikaw?" tanong ko, tinutukoy ang itlog.

"I have two eggs, I don't need that." malisyoso niyang sabi, agaran ang paghampas ko ng kutsara sa kamay niya. Napaungol siya sa sakit.

"Pero, maiba ako, ano ba talagang plano mo?" tanong ko habang kinakain na ang itlog na bigay niya.

"My passion is acting Sofi, pero gusto ko pa rin maging Architect. Kaya ko naman e." aniya.

Tumango ako, wala naman siyang hindi kinakaya. And I support him, sa lahat ng gusto niyang gawin, susuportahan ko siya.

"I support you Ace." sabi ko, nginitian siya.

Tumayo siya, yumuko ng kaonti at naabot niya ang noo ko, he kiss my forehead tenderly. Napapikit ako sa ginawa niya, napangiti rin.

Inilayo niya ang mukha at bumalik sa pagkakaupo. I open my eyes.
"Let's eat," at kinuha na niya ang kubyertos at nagsimula na siyang kumain.

Ginalaw ko na rin ang dried fish at kanin ko, we eat together like the usual.

Umalis siya pagkatapos niyang kumain, aniya'y kailangan na niyang magmadali kasi bago daw siya pupunta sa School ay pipirma muna siya sa Kontrata nila sa Commercial.

"Saan ka maglalunch?" tanong ko sa kanya.

"Baka hindi ako makasabay, may pupuntahan din kasi ako mamayang 11." malungkot niyang sabi.

"Okay lang, uh, mamayang uwian?" tanong ko pa.

"Ikaw na muna Sofia, hindi ka naman mawawala." tumawa siya ng mahina. "Malapit-lapit na Birthday mo, punta tayong Star City. Promise." at ginulo niya buhok ko, bago umalis at sumakay sa tricycle na kanina pa nag-aabang.

Bumagsak ang balikat ko. Bahagyang nanghina, tinamad pumasok. Pero kailangan, ayoko namang sayangin ang araw at magmukmok. At ano bang rason ko para maging malungkot?

He's just doing his usual routine. Ganyan na siya noon pa, di'ba Sofia Lamadrid? Ganyan na siya, busy talaga siyang tao mas lalo na pag nakukuhang extra sa isang pelikula, o pag may play sila sa Theater arts. Hindi ka pa ba nasasanay ha Sofia?

Diretsyo ako sa banyo at naligo na, kailangan ko pang pumasok! Hindi tama kung mananatili ako rito!

After taking bath, ay sinuot ko na ang PE uniform ko, naglakad na ako palabas ng kuwarto dala ang ilang gamit ko para sa Drafting mamaya at syempre ang bag ko.

Nilakad ko lang ang galing Apartment patungo sa UP.

"Lamadrid!" inakbayan agad ako ng kaklase ko sa unang subject namin. Tinignan ko siya at nginitian.

She Got AwayWhere stories live. Discover now