Chapter 3

1.9K 38 1
                                    

Chapter 3
Judgement

Kinuha ko ang Photo Album sa drawer at nagsulat ng kahit ano sa isang pahina kasunod lang ng bagong picture namin kahapon.

After writing such words, ay itinago ko na ang makapal na notebook.

Nahiga na ako at niyakap ang unan, nagising na lang ako sa tilaok ng manok. Bumaba ako agad para makaligo na, dala ko ang puti kong tuwalya patungo sa banyo, nasa labas pa kasi ito.

Kumatok muna ako sa pinto, nang makumpirma na walang tao ay pumasok na ako. Tabo lang ang gamit dito, wala kaming shower. Gripo lang din. Speaking of gripo, magbabayad na pala kamo ng renta at bayad sa tubig at kuryente!

After maligo, tapis ko na ang puting tuwalya, nagmadali na akong lumabas ng banyo. Eksaktong paglabas ko ay tumama ang mukha ko sa dibdib ng kung sino, lumayo ako habang hinihimas ang noo ko. Tumingala ako, isang nakangising lalaki ang nakita ko.

Ilang beses ko na siyang nakitang kasa-kasama ni Ace, ang dimple sa magkabilaan niyang pisngi ang mas nagpaguwapo sa kanya, kung may kaiinggitan man ako sa parte ng mukha niya, siguro ang mga pilik mata niya 'yon.

"Hi, Miss. Ako nga pala—"

"Inigo!" sigaw ni Ace galing sa ikalawang palapag, bumaba siya agad, at dahil kahoy lang ang hagdan namin, gumawa ng bayolenteng ingay ang bawat hakbang niya.
"Sabi ko naman sa'yo. Huwag kang pumasok!" Ace's still topless, and I'm almost naked here.

Inigo eyed me from head to toe, maging ang itsura ni Ace na parang kagagaling lang sa kuwarto.

"You two sleeping together?" makahulugan nitong tanong.

Kumunot ang noo ko, nagsalubong naman ang mga kilay ni Ace.

"Hindi!" sabay pa talaga kami.
"Magkaiba kuwarto namin!" sabay ulit kami.

Tumawa si Inigo, pakiramdam ko uminit ng husto ang mukha ko!

"Bahala nga kayo diyan!" inirapan ko sila at tumakbo na ako papanhik.

"Careful Sofi, baka madulas ka." rinig kong sabi ni Ace, hindi na ako sumagot, sinara at ni-lock ko rin ang pinto ng kuwarto ko, ilang minuto pa akong tumunganga, bago nagising ng tuluyan at nagbihis ng uniporme.

I comb my hair, basa pa ng kaonti. Wala akong blower rito kaya ayos na itong medyo basa, humarap ako sa salamin at nakita na sobrang plain nga talaga ng mukha ko.

Kinuha ko ang isang press powder sa tukador ko na binigay pa sa akin ni Mommy noon, inapply ko 'yon sa mukha ko, nagspray ako ng pabango, and there, I'm fine.

Kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas na ng kuwarto.

Inabutan ko pa si Inigo at Ace na nakaupo sa sofa, may pinag-uusapan sila, maybe basketball?

"Hatid ko muna 'to sa sakayan, pare." ani Ace at tumayo na.

"Okay then, I'll wait here. By the way, pupunta rito si Jal at Dexter Mondelvalle to talk something with you." ani Inigo, at tinignan ako ng kaonti bago ibinalik ulit kay Ace.

"Sure, sure." ani Ace, naglakad na ako palabas at nakasunod naman siya.

"Sorry kanina, hindi ka tuloy nakapag-agahan. Si Inigo kasi may kakilala na tutulong sa akin para makapagmodelo na ako sa susunod na araw."

Tumango na lang ako. "Ayos lang, sa school na lang ako kakain. Ikaw kumain ka ah." bilin ko pa.

He nodded, and smile. Nagpara na rin siya ng tricycle.
"Ako na magbabayad ng pamasahe mo," aniya at may kinuhang barya sa bulsa. "Kuya sa UP po siya, pakiingatan."

She Got AwayWhere stories live. Discover now