Special Chapter #2

1.8K 42 2
                                    

Special Chapter #2

I tried so hard to be her friend...

"Ace! Bola o!" pinasa sa akin ni Migs ang bola, nasalo ko naman at trinible, tinakbo ko ang distansya patungo sa ring. I'm just eight years old kaya mataas ang ring.

Pero na-shoot ko pa rin. Napatalon ako kasi nanalo kami. 10 points kami habang 3 ang sa kabilang team.

Nakita kong naglalakad si Sofia sa daan, kasama ang aso niya. Napangiti ako, nalaman ko ang pangalan niya kay ate Cali.

Tinakbo ko ulit ang distansya naming dalawa, narinig ko ang tawag nila Migs, pero mas importante 'tong si Sofia, pero hindi niya ako napapansin, siguro abala nanaman utak niya sa kakaisip ng kung anu-ano.

Nagstart na ako sa Grade three at magkaklase kami...pero hindi siya palakaibigang bata, kaya feeling ko nakakaawa siya, o talagang gan'to na siya?

"Sofi," ako ata ang unang bata na tumawag sa kanya nito. Madalas kasi na tawag sa kanya sa school ay Pia, pati ng mga magulang niya Pia rin tawag sa kanya. Si Ate Cali naman, Piyang tawag sa kanya.

Malamig niya akong tinignan.
"Ano?" tanong niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Tinuro niya ang isang palayan. Kumunot ang noo ko.
"Diyan si Mang Cardo, may kalabaw siyang pangalan Puti. Kaibigan ko." iyon lang ang sinabi niya at naglakad na patungo roon. Ang aso niya na hindi niya naman nilalagyan ng tali o kadena ay nakasunod lang sa kanya.

"Sofi, talian mo kaya aso mo, baka mawala..." sabi ko, naghahanap ng topic para naman may pag-usapan kami.

"Hindi dapat tinatalian ang kaibigan, ikaw? Kaya mo bang sakalin at itali ang kaibigan mo?"

Natigilan ako sa sinabi niya, napakurap-kurap ako, sobrang layo na tuloy niya sa akin ngayon, ang astig! Saan niya nakukuha ang ganong klaseng pag-iisip?

"Teka Sofi!" tumakbo ako at hinabol siya, nang magkapantay na ang lakad namin ay saka ko siya hinarap, naglakad ako patalikod habang nasa harap siya at nakatalikod sa daan.

Nakasuot siya ng puting bestida, ang linis niyang tignan, maliit ang labi niya at bilugan ang mata, itim na itim na ito, I don't play doll, but I describe her as one.

"Ang astig mong mag-isip." sabi ko nangingiti.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at humakbang paliko bigla, 'tong babaeng talaga na 'to!

"Mang Cardo!" tawag niya sa lalaking abala sa pag-tatanim ng palay.

"Asan po si puti?"

"Uy! Ikaw pala Pia, andyan si Puti sa likod ng kubo. Gusto mo bang sumakay ulit?"

Tumango si Sofi. Ngumiti ang matanda at lumapit sa amin kahit abala siya.

"May kasama ka," puna ng matanda nang makita ako, taas noo ko siyang tinignan, tumawa ang matanda at ginulo ang buhok ko.

"Sasakay ka rin kay Puti hijo?"

"Opo!" matapang kong sabi kahit natatakot naman talaga ako.

"Mabuti!" ani matanda, naglakad siya patungo sa likod ng kubo, nakasunod naman kami, kinuha na niya agad si Sofi at inilagay sa likod ng kalabaw.

Nanuyo ata lalamunan ko, ano sasakay ako riyan?! No!

"Lika ka na bata," ani matanda.

Pilit akong nangiti, at tumango, hinawakan ako ng matanda sa baywang ko at isinakay ako sa kalabaw, halos mahulog ako, buti na lang at napakapit ako kay Sofi.

"Kabado mo naman, natatakot ka ba?" ani Sofi.

"H-hindi ah!" pero halos maiyak na ako, paano kung mahulog kami?!

"Sus!" aniya.

Humakbang na ang kalabaw sa palayan na bakante, putikan kaya medyo mabagal ang lakad ng kalabaw. Kabadong-kabado ako, iyon ang totoo, nanggigilid na ang luha ko. Ayoko na rito!

"Ahhh!" sigaw ko dahil bigla akong dumulas sa likod ng kalabaw, hindi na ako nakakapit kay Sofi, nahulog ako sa putikan, sobrang dumi ng suot kong jersey at shorts.

Isang malakas na tawa ang narinig ko galing sa maliit na boses ni Sofi.

Natulala ako dahil ang lapad-lapad ng ngiti niya. Kitang-kita ang tuwa sa mukha niya, nakaturo pa siya sa akin at nakahawak sa tiyan.

Hindi ako nakapagreact agad. Ang ganda tignan ng ngiti niyang iyon.

"Nahulog!" tawa siya ulit. "Nahulog!"

Hindi ko man lang maramdaman ang asar, tuwang-tuwa pa ako kasi nakatawa siya, bukang-buka ang maliliit niyang bibig. Nakakamangha.

Hindi maalis sa isipan ko ang tuwang-tuwa niyang reaksyon. Kahit pauwi na ako sa bahay, kahit punong-puno ako ng putik.

Nauna si Sofia'ng maglakad sa akin, hindi na rin siya nagpaalam nang pumasok siya sa kanila. Diretsyo naman ako sa kasunod lang ng bahay nila, ang bahay namin.

"Ace!" nataranta agad si Mama nang makita ako.
"Ang dungis-dungis mo! Saan ka ba galing?" tanong niya, inaalis niya ang mumunting putik sa pisngi ko, natawa ako.

"Nakipaglaro po kay Sofia,"

"Nakipaglaro sa'yo si Pia? Seryoso ka?"

Tumango ako, at tumawa. It was priceless!

And from that day on....
Lagi na akong nakabuntot sa kanya, hindi ako nagsasawang sumunod sa kanya kahit minsan hindi naman niya ako napapansin.

I really love to be with her...mga bata pa lang kami, hanggang nasa grade 4 na kami...

"Bakit ka ba sama nang sama diyan kay Pia? Eh ang weird niyan." ani Migs, alam kong abot iyon sa pandinig ni Sofi.

Kumulo agad dugo ko, baka masaktan ang loob ni Sofi.

"Hindi naman ah, ang astig niya nga." sabi ko, pinoprotektahan siya.

"Eh, 'di yan marunong makipaglaro sa amin, lagi libro hawak niyan, tapos hindi pa pala ngiti." tumawa na ngayon ang isa, nang iinsulto na.

Tinignan ko si Sofi at nakita kong pinunasan niya ang mata, umiiyak ba siya?!

"Anong sabi mo?! Iniinsulto mo ba kaibigan ko?!" asar kong tanong, hindi ko na siya hinintay na sumagot, sinuntok ko na siya sa pisngi, napalakas ata, umiyak siya agad.

Nagtungo naman si Migs sa akin at sinuntok din ako. Ramdam ko ang hapdi sa gilid ng pisngi ko.

"Ma'am! May nag-aaway po sa labas ng classroom!" rinig kong sigaw ng isa naming babaeng kaklase.

Lumabas agad si Ma'am at hinila ako palayo kay Migs.

"Tama na!" sigaw ni Ma'am.

Kitang-kita ko ang reaksyon ni Sofi, she's so shock, at may mga namumuo talagang luha sa mata niya.

"Ace," lumapit siya sa amin.
"Tama na, kalma." aniya, at hinawakan ang pisngi ko.

Parang magic...nawala bigla ang galit ko...

She really can control me, she's all over my system...noon pa lang...
Mga bata pa lang kami, siya lang ang kayang magpakalma sa akin. Siya lang.

She Got AwayWhere stories live. Discover now