Chapter 15

1.8K 37 1
                                    

Chapter 15
Sadness

"Ano namang gagawin natin dito!" halos hilain ko si Ace paalis sa isang fastfood chain. Oo nga't kaonti na ang tao pero baka may makakilala sa kanya!

"Kakain," he said, very witty. "Ano bang ginagawa ka sa McDo?" inirapan niya pa ako bago inakbayan.

"Ace, gusto mo bang may kumalat na balita tungkol sa'yo! Ayaw ko rito!" magwawalk-out na sana ako pero hinigit niya ako, para akong string na napabalik sa kanya.

"Mabilis lang naman e, gusto ko lang gawin 'yung mga simpleng bagay kasama ka..." and because of what he said, napatingin talaga ako sa kanya ng matagal. Tears formed on my eyes, pakiramdam ko ang tagal naming hindi nagkita. Kitang-kita ko ang pangungulila sa mata niya, and I know my eyes are showing the same.

"Bibili lang tayo, hindi na tayo kakain dito...please?" at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

I nodded, wala ng rason para humindi, kaya tinulak na niya ang glass door, napatingin kaagad ang ilang crew kay Ace. I know they will soon realize who's this man.

Nagpunta kami kaagad sa counter, Ace hands is all on me.

"Gooad afternoon Sir, what's your order?" tanong ng babae at nanatili ang mata niya sa mukha ni Ace.

"Dalawang cheese burger and bestfriend size fries, dalawa rin, and McFloat, more ice. Take out." ani Ace.

Lumaki ang mata ng cashier ng siguro'y mapagtanto kung sino ang kaharap. Damn it, pakiramdam ko may mga napapatingin na rin.

"Ace Madrigalejos?" thank goodness at mahina ang boses ng babae.

Tumango si Ace and say "Sshh, huwag kang maingay."

Nakita ko ang pamumula niya. Hindi rin nagtagal ay pinilig ng babae ang ulo at binanggit niya ulit ang order namin, umaalis-alis siya para kunin ang order, at madalas ay napapatingin talaga siya sa kay Ace, at maging sa akin.

"Excuse me po," nakita ko ang pagkalabit kay Ace ng isang bata.

Humarap kami roon, may hawak na camera ang bata.

"Fan na fan ni'yo po ang kapatid ko, sir Ace, pero hindi po siya nakakapaglakad..." the girls eyes look so sad, I feel bad for her.

"Asaan siya?" tanong ni Ace, umalis ang bata at sinundan niya, ako naman ay nanatili sa counter at hinintay ang order namin. Buti na lang at nakapagbayad na si Ace.

"Here's your order po," nginitian ako ng crew, kinuha ko na ang order na ititake-out namin at ngumiti na rin sa kanya.

Sinundan ko si Ace, at inabutan ko siyang nagpapicture kasama ang isa pang batang babae na nasa wheel chair, todo pasalamat ang ginawa ng mag-asawa kay Ace.

While watching from here, parang mas lalo lang akong napush ng mga nakikita, na tama, hindi ko dapat pinag-iisipan ng masama si Ace, na dapat hayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin, dahil marami siyang napapasaya.

Matapos iyon, ay inaya na ako ni Ace palabas sa McDo. Nagtungo naman kami ngayon sa WoF, tingin nang tingin ang mga tao sa dako namin. Buti naman at hindi nila kaagad nakuha kung sinong artista ba ang nakita nila. Well, sino namang artista ang gagala sa Mall at simpleng makipagdate di'ba?

Si Ace Madrigalejos lang ang kayang gumawa no'n.

Inakbayan ako ni Ace habang papasok kami sa private room ng WoF magvivideoke raw kami, kaya kami andito.

Dito na rin namin kinain ang pagkaing binili sa McDo. Nagsalang ako ng mga kanta at kumanta kami ng sabay.

Natatawa na lang ako pag high notes at halos mamiyok ako habang siya naabot niya.

"Ayoko ng kumanta!" sabi ko at ibinaba ang mic.

Tumawa siya at hinigit ako palapit sa kanya. "Ayos lang 'yan Sofi, mahal pa rin kita kahit sintunado ka." tumawa pa siya bago ako niyakap.

Napanguso na lang ako, pero agaran ding uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. He always have his ways to make my crazy heart skip a beat, and make me feel the "kilig".

Nanatili kaming magkayakap habang tumutunog ang ang beat ng kantang I love you so, ni Toni Gonzaga.

Hindi na kumanta si Ace, at ako, magkayakap lang kami sa loob. Pumikit ako ng mariin at siniksik ang mukha sa dibdib niya. It feels home in his arms...

"Ang bango mo Ace," sabi ko na lang bigla.

He chuckled sexily and kiss my forehead. "Better don't say that again at baka mahalikan kita rito." narinig ko pa ang pagtawa niya.

Iniangat ko ang ulo, at hinaplos ang gilid ng pisngi niya, ang panga niya ang at tainga niya. Hinawakan ko rin ang mata, makakapal niyang kilay at matangos niyang ilong.

"I want you to stay..." pero hindi 'yan lumabas sa bibig ko, pinanatili kong nasa utak ang pagmamakaawang iyon.

I don't want to be greedy, he's doing this for his dreams, hahayaan ko siya. Kasi iyon lang ang magpapasaya sa kanya.

"You touch me so intimate, are you seducing me?" ngumisi siya at kumindat pa, the confidence of this man!

Bumaba ang kamay ko at nginitian siya. "You're really so handsome Ace,"

"Mas gumaguwapo ako lalo pag katabi ka, Sofi..."

Ngumiti ako, umusog siya palapit sa akin at hinawakan ang baba ko, inangat niya ang mukha ko para mahalikan ako. I close my eyes, and let him kiss me. I tried to respond his intense kiss. Kumapit pa ako sa kanya para mahalikan siya ng maayos.

The softness and tenderness of his lips never leave my mind, kahit na pauwi na kami at pabalik na sa Apartment.

Nagtatawanan pa kami habang nirerecall ang mga nangyari kanina.

Ang saya-saya namin habang nag-uusap ng ganito. Hanggang sa marating namin ang Apartment.

Natigil ako sa pagtawa dahil may SUV na itim ang nakapark sa harap lang ng Apartment, lumabas ang sakay nito, Hariet Reyes and another woman in her 50's.

"Kailangan mo ba talagang tumakas ng ganito ha Ace!" sigaw kaagad iyon ng babae, at alam ko na agad na Manager niya iyon.

Hariet brows rose, tinignan niya ako at sunod si Ace.

"That was just a shoot, kaya namang ikansela di'ba? Manager A, alam mo naman na aalis ako." Ace let go of my hand. "Sasama na ako sainyo," he said.

Nagbuga ng hangin ang Manager at tumango na agad, Ace look at me first before he enters the Van.

I will get used to this kind of scene, from now on...

Pero bakit sobrang sakit nu'ng binitawan niya na lang bigla ang kamay ko?

"One last warning Sofia..." napatingin kaagad ako sa nagsalita. Nakalimutan kong andito pala si Hariet.

Tinignan ko muna siya saglit.

"Back off, you're ruining him..." that was rude, pero alam kong totoo.

Mabilis din siyang sumakay sa SUV at hindi nagtagal ay umalis na ito.

Pumatak paisa-isa ang luha ko.

Parang kanina lang ang saya-saya ko, tapos ngayon...bigla na lang akong nalungkot.

There is really no permanent in this world. My decision is shaking a bit, dahil kay Hariet, natatakot ako na baka sa isang iglap, Ace will fall with her. Hindi ko kakayanin, pero...sa isang banda, naisip ko pa rin ang mga pangako ni Ace.

Mahirap kumapit sa mga pangako, because it's bound to break. Pero wala na akong ibang kakapitan kun'di ang mga pangakong iyon. Himself and his promises. Iyon lang.

She Got AwayWhere stories live. Discover now