Chapter 20

2K 47 1
                                    

Chapter 20
Date

"That was awesome!" si Kyu na panay ang tingin sa mga litrato ko. Iba't-ibang anggulo iyon, at sobrang ganda lang ng mga kuha.

"You're so natural, ang galing." ani Rome naman. Ang mga staff ay may break kaya karamihan ay wala na ngayon dito.

"Can we talk?" bulong ni Ace sa akin, kami lang ang nagkakarinigan. May kausap sa telepono si Director, ang ibang staff na natira ay busy sa mga trabaho nila.

"Saan?" bulong ko rin, kahit kabado sa maaari naming pag-usapan.

"Lika," he said, naglakad siya palabas, sumunod naman ako ng walang nakakapansin.

Pumasok siya sa isang kuwarto, sumunod naman ako. Sinarado niya ito, tumingin ako sa buong silid.

Blanko siya, may mga upuan na plastik na magkakapatong, may mga puting tela na siguro'y nilalagay sa mga mesa, may itim rin, walang bintana o kung ano pa man, may isang electric fan lang sa gilid, patay ang ilaw. The place is dark, pero nakikita ko pa naman si Ace, at ang matalim niyang titig. Pero bakit mas guwapo siya pag galit?

"Sino 'yon?" tanong niya, alam ko na ang tinutukoy.

"Kyu, kaibigan ko."

"Paano mo nakilala? Nag-aaral ba 'yon sa UP?" kalmado pa siya, pero alam kong nagtitimpi lang siya.

"Tiga DLSU siya, don't worry, mabait siya..."

"And he's hitting on you!" ngayon para ng thunderstorm ang boses niya. Natakot ako sa biglaan niyang pag-sigaw, he's very angry.

"Hindi Ace, mali ang akala mo..." umiling-iling ako, pilit pinapakita sa kanya na mali siya.

Gusto kong sabihin sa kanya na sumama lang ako kay Kyu para huwag ikalat ni Kyu ang mga litrato namin noon sa Mall, at ang video na sinasabi niya.

Gustong-gusto kong sabihin kay Ace na ginagawa ko ito para isalba ang image at pangalan niya. Para walang kumalat na tsismis tungkol sa amin, kahit totoo naman talaga na kami.

"It's very obvious Sofi, the way he held you. Shit, at bakit ba pumayag ka rin na kunin niyang model? Ano bang kailangan mo? I can give all that, bakit...bakit sumasama ka sa lalaking hindi mo gaanong kilala!" he said very oblivious of my tears, his voice and anger makes me cry. I don't want him to be angry with me.

"Nagtitiwala ako sa'yo na wala kayong ginagawang masama ni Hariet, dahil trabaho lang iyon..." I said coldly. "Now, Ace...why can't you trust me? Wala ka bang tiwala sa akin? Iniisip mo ba na kaya kitang ipagpalit?"

Natigil siya sa paglalakad sa harap ko dahil sa sinabi ko. Hinarap niya akong mabuti, still with those angry eyes.

"Because, I know...that Kyu will steal you away from me!" I saw fear on his eyes.

Umiling ako. Hindi ko nanaman matanggap-tanggap ang rason niya. Bakit pakiramdam ko ang babaw ng rason niya, at pakiramdam ko rin ang babaw ng tingin niya sa akin?

Iniisip niya ba na kaya kong magpaagaw? Iniisip niya ba na hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya?

"Ace, I love you, enough..."

"Then stop this bullshit, sabihin mo sa lalaki na 'yon na ayaw mo ng maging model niya. Kasi nagagalit boyfriend mo. Kasi nakakaselos na."

"You're very unreasonable!" singhal ko, hindi na nakapagpigil pa.
"May narinig ka bang reklamo sa akin noong isinigaw mo sa buong mundo na kayo ni Hariet?! May naramdaman ka bang galit galing sa akin?! Ace, ayokong magbilangan tayo rito e. Pero, bakit ba hindi mo na lang ako pagkatiwalaan. Wala akong ginagawang masama. Tiwala naman o,"

She Got AwayWhere stories live. Discover now