Chapter 4

1.9K 36 13
                                    

Chapter 4
Letter

Diretsyo ang lakad ni Celine sa hallway, pinagtitinginan siya ng mga lalaki pati ng mga babae, at pati ako ay pinagtitinginan din.

Hindi naman kami mukhang weird sa suot namin kasi madalas naman na ganito ang suot ng mga babae pag washday.

Nakakapagtaka lang ang klase ng titig nila sa akin. Like they saw miracle or a godess.

"Ang ganda mo Celine!" sigaw ng ilang basketball varsity ng UP.

Medyo nahiya ako sa ayos ko pero nang marinig ko ang hiyawan ng ilang Varsity, ay napangiti ako. They all cheering my name, this is the first time na may mga nakapansin sa akin.

Ang saya pala sa pakiramdam.

"Sofi," nakita kong medyo kunot ang noo ni Ace habang nakatitig sa akin, kasama niya si Inigo, he's smirking, at may kasama pa silang dalawang lalaki. Medyo magkahawig ang dalawang lalaki na kasama nila.

"Ace," lumapit ako agad sa kanila. "Maganda ba ang suot—"

"Binabastos ka nila tapos ang lapad pa rin ng ngiti mo!" aniya, mababa ang boses pero mariin, nawala ang ngiting kanina ko pa siguro suot.

"Hindi naman nila ako..."

"Sofia, alam ko kung kailan at saan, nangmamanyak ang mga 'yan. Lalaki ako Sofia, and what the hell you are wearing!"

Nagulat ako sa biglaan niyang sinabi, especially ang huling salita.

Hindi ba maganda? Masyado ba akong trying hard? Pangit ba? Hindi mo ba ako sinusuportahan?

Gusto ko siyang tanungin, pero hindi ko nagawa, pekeng ngiti lang ang naigawad ko.

"Sorry ah, hindi bumagay." sabi ko, full of sarcasm. "Hindi kasi ako magaling magdala ng damit, tulad mo, at hindi rin ako maitsura tulad mo. Sorry Ace, ah." hindi ko na napigilan pa, at nasabi ko 'yun.

Tinalikuran ko sila at umalis na roon. Hindi ko na nahagilap pa si Celine, siguro'y dinumog na kaya biglang nawala.

Diretsyo ako sa restroom, doon lang bumuhos ang mga luha ko. Tuloy-tuloy, kumalat tuloy ang mascara sa mukha ko.

Ang pangit ko na nga! Pumangit pa ako lalo!

"Sofia, Sofia," may sumisigaw sa labas ng restroom. Alam kong si Ace 'yon. I knew him for a long time, na pati ang boses niya at yabag niya ay kabisado ko na.

"Go away, Ace. Bawal ka rito—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla na siyang pumasok sa restroom, may mga babaeng nagsitilian dahil sa biglaan niyang pagpasok.

"Sofia," he eyed my dress. "That looks good on you, 'yun ang totoo, pero maiksi, kaya nagalit ako."

Lumapit siya at pinunasan ang kumalat na mascara sa mukha ko gamit ang kamay niya. "Sorry," he said.

Ang kaninang galit na inaalagaan ko ngayon ay bigla na lang natunaw sa isang paliwanag niya lang. Tumango-tango ako. Tinignan ko ang suot, it's too short. Tumataas ang skirt kaya umiksi.

Kita ko ang paghubad niya sa suot na hoody, humakbang siya ng isa para magkalapit kami ng husto.

Without any permission ay naisuot niya sa baywang ko ang hoddy, itinali niya ang dalawang pangbraso ng hoody at itinali sa baywang ko, the long part of the jacket is on my back hiding my legs.

"You look fine," aniya at lumabas na lang bigla.

Napakurap-kurap ako, bago tinignan ang nakataling hoody sa baywang ko. Lihim akong napangiti dahil sa ginawa ni Ace.

She Got AwayWhere stories live. Discover now