Chapter 7

1.6K 43 2
                                    

Chapter 7
Promise

Matapos ang Gala night ay umuwi na ako, hindi ko na hinintay pa na umuwi si Ace, nauna na ako, kaya ko namang umuwi mag-isa.

"Ihahatid na kita," si Inigo na nagmamagandang loob.

"Hindi na, sobrang sakit na ng ulo, uuwi na ako. Pakisabi na lang kay Ace." sabi ko at tumingin muna sa double glass door, bago kay Inigo.

"Sigurado ka ba na hindi ka na magpapaalam ng personal? I mean, baka hanapin ka sa akin?"

"Hindi na, sabihin mo na lang. Una na ako," hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, umalis na ako agad at sumakay sa taxi na kanina pa naghihintay.

It was a tiring day for me, natulog ako pag-uwi, hindi ko na rin namalayan kung anong oras umuwi si Ace, basta ang alam ko, natutulog lang ako ng mahimbing.

Kinaumagahan ay hindi ko rin siya nakita. Hindi siguro umuwi, kasi hindi man lang nagalaw ang kama niya. Wala ring bagong sticky note sa ref.

And worst, walang nakahandang pagkain. Wala nga talaga si Ace...hindi umuwi.

Umalis na lang din ako sa Apartment at dumiretsyo na sa School. Nakikita ko galing sa malayo ang pag-irap ng mga babaeng binully ako noon. Tumigil na sila ng tuluyan ngayon.

"Hey," si Celine, naghikab siya at lumapit sa akin. Inakbayan ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hindi muna ako papasok, masama pakiramdam ko, paexcuse ako. Pero baka bumalik ako mamayang hapon, ngayong umaga, aabsent ako." iyon lang ang sinabi niya at umalis na.

My days go worst. Hindi na nga talaga umuwi pa si Ace, hindi ko rin siya mahagilap sa School.

Isang araw umuwi siya, pero umalis din dala lahat ng mga kailangan niya.

"May shoot kami, I'll be gone for 5 days." he said, nagpapaalam siya na may shoot sila. Kahit ang totoo ay nagtitaping na sila para sa moving ipapalabas sa susunod na buwan.

He's hiding it from me, ayaw niyang malaman ko. Bakit? Anong problema? Hindi naman ako makikialam ah.

Madalang na lahat ng pagkikita namin, hindi naman siya obligado na makipagkita sa akin oras oras, alam ko naman na abala siya. But shit, I miss him.

Isang gabi umuwi siya, I smell beer and cigar from him. He's not like this...

"Ace," lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang? Mukhang nakainom ka ah."

"Naaya lang nila Inigo, Sorry."

"Sorry saan?" nagkibit ako ng balikat, so far ito na ang mahaba-haba naming pag-uusap nitong mga nakaraang araw, halos hindi niya ako kausapin e.

"Sa lahat, ang busy ko lang talaga. Kailangan kong mag-double time sa lahat ng shoot at sa pag aaral."

"Ano bang matimbang saiyo?"

Pinakatitigan niya ako ng ilang segundo. Ngumisi siya.
"Matimbang, siguro 'yung makapag-ipon ako, at mabigay ko lahat ng gusto mo."

Natigilan ako sa sinabi niya, I look at him, directly in his eyes.

"Sorry, kung masyado akong abala Sofi, promise, babawi ako, promise, bukas, sa Birthday mo. Pupunta tayo sa Star City, hintayin mo lang ako roon. Darating ako agad."

And that was the last words he said, before he passed out.

Maaga akong nagising pero, mas maaga lang si Ace, hindi ko nanaman siya naabutan. I want to ask him about last night, na magkikita kami sa Star City, pupunta pa rin ako.

I texted him also...para maalala niya.

Today is my 18th birthday. Marami ang bumati sa akin sa School. Nakareceive ako ng gifts sa ilang kaklase at kay Celine. Hindi ko naman sila maaaya, kasi wala naman kaming engrandeng handaan.

"Sorry, wala akong maipapakain sainyo." sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba, ayos lang. Basta sa exam, pagaya ah." ani isa, nagsitawanan kami.

"Tama, magpagaya ka." pagsesecond the motion naman ni Celine, nagtawanan ang lahat, ako lang ang hindi. Ngumiti lang ako, to act civil.

Hindi niya alam ang issues ko, gusto kong umamin sa kanya na sumama loob ko, pero para saan pa?

Matapos ang asaran kasama ang mga kaklase ay nakatanggap ako ng tawag sa Mommy at Daddy ko.

"I miss you both!" sabi ko, kinakawayan sila sa screen.

"I miss you sweetheart, kumusta ka riyan?" si Daddy, he's wearing his usual attire as a nurse.

"Ayos naman po Dad,"

"Sabagay, you'll be fine there, kasi kasama mo si Ace, hindi pa ba nanliligaw saiyo?" tumawa si Mommy sa naging tanong ni Daddy.

"Ano ka ba naman mahal, magkaibigan lang 'yang dalawang 'yan, at sabi sa akin ni Lewi, may nililigawan daw si Ace, anak mayaman daw."

Patuloy sila sa pagkukuwento sa akin tungkol sa nililigawan daw ni Ace, bagsak na ang balikat ko, at nawawalan nanaman ako ng gana. Mabuti na lang at kailangan na nilang umalis para sa trabaho nila, hindi na ako makakarinig ng mga kuwento nila.

Habang papauwi ako, ay inabala ko na ang sarili ko sa pagtitext kay Ace, wala siya ni isang sagot.

Naupo muna ako sa isang bench sa labas ng Star City, bahagya nang umaambon, gusto kong sumilong, pero my pride just wont let me.

Tumayo na ako at naglakad palapit, mahigit isang oras na ako rito. Malakas na ang ulan, at sobrang basang-basa na ako.

He promised....

He promised, tumulo ang mga luha ko habang nanginginig na nakatayo rito sa harap ng Star City, bagsak ang balikat ko at nakatitig lang sa kawalan.

Umagos ang mainit na luha ko sa aking pisngi, nanginginig ang mga labi ko at basang basa na ako ng ulan.

Nanatili akong nakatayo, hinihintay siya, kasi nangako siya. Nangako siya, na darating siya. Nangako siya...

She Got AwayWhere stories live. Discover now