Chapter 8

1.7K 41 5
                                    

Chapter 8
Possible

My one greatest fear before is to drop my grades, way back in Elementary, sobrang grade conscious ako. I don't play too much para makapagstudy ako.
Pero ngayon...nang tumanda na ako, isa na sa pinakakinatatakutan ko, ay ang maiwala ko ang sarili ko.

It's my fear to lose myself.

And right now. I'm losing it...

Basa ako habang naglalakad sa kalye pauwi sa Apartment, mahigit isang oras akong naglakad pauwi. Basa at walang pakialam sa mga tumitingin.

"Si, Sofia 'yon ah," rinig kong sabi ng iilang nakakasalubong. Pero wala akong panahong makipagusap sa kanila.

Pumasok ako sa Apartment, I got shocked because I saw Ace, he's busy preparing the food at the table, at dahil alam niyang ayaw ko sa cake, isang maliit na mamon ang nasa ibabaw ng mesa at kandila.

"Basang-basa ka, saan ka galing?"

Look like he doesn't know huh.

Lumapit siya sa akin, pero humakbang ako patalikod.

"I'm soaking wet, because of you!" sigaw ko sa kanyang ikinagulat niya.

"Ano? Sofi, busy ako maghapon sa trabaho. Ano bang pinagsasasabi mo?!"

"You promised that you'll going to meet me at Starcity! Pero hindi ka dumating!" sinigawan ko siya ulit.

Doon niya lang napagtanto ang lahat. Mukhang ngayon niya lang naalala ang pag-aaya niya. Stupid, Sofia. Bakit ba naniwala ka kaagad na darating siya! Alam mo namang lasing siya no'ng gabing 'yon!

"Hindi ko alam—"

"Sinungaling! I texted you!"

"Wala sa akin ang cellphone ko, Sofia. Hindi ko gamit ang phone ko."

Uminit ang dugo ko lalo. "So asaan ang phone mo? Nasa nililigawan mo!" singhal ko sa kanya. Namilog ang mata niya dahil sa narinig galing sa akin.

"Ano?! Wala akong nililigawan, Sofi!" umiling pa siya para makatulong sa kasinungalingan niya.

"You're lying, fuck you!" sabi ko na lang dala ng galit at lalagpasan na sana siya nang bigla niya akong higitin.

"Sorry kung hindi kita nameet sa Starcity, hectic sched ko, at isa pa, hindi ko maalala na nangako ako—"

"Liar, noon pa lang nag-uusap na tayo na pupunta tayong Starcity. Ikaw ang nagplano no'n di'ba? Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo alam. Ang galing galing mo nang magsinungaling ngayon Ace." that was full of disappointed.

"Pati pagkapasok mo sa ABS CBN, itinago mo rin." hindi ko napigilan pang hindi magsalita patungkol doon.

"Sofi," lumapit siya sa akin pero hindi ko siya pinaunlakan. Namumuo nanaman ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman.

"Ilang araw kang wala. Ilang araw ko ring hinintay na umamin ka sa akin tungkol sa pagkakapasok mo sa ABS, Pero hindi mo ginawa Ace, hindi na ikaw ang Ace na kilala ko. You changed." humakbang ako patalikod para makaalis sa Apartment.

Pero bigla niya akong hinigit paharap sa kanya.

His blooshot eyes is the first thing I see. Tumulo na ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

"Sofi, alam mong sobrang dumi ng showbiz. Pinoprotektahan lang kita, ayokong pati ikaw kulitin ng mga tao. Ayokong bigla ka na lang magugulat na may mediang nag-aantay sa'yo sa UP o rito, Sofi. I'm just protecting your life. I want to make your life simplier like before..."

Mararahas ang pagpunas ko sa mga luha ko. Tinignan ko siyang maigi.

"At sa tingin mo, ikinatutuwa ko 'yang dahilan mo?" namiyok ako, muli ay nagsituluan ang mga luha ko. Hagulgol na ang kasunod...

She Got AwayWhere stories live. Discover now