Chapter 10

1.9K 38 13
                                    

Chapter 10
Fan

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Inigo habang hawak niya ang isang libro. He's reading a book, aniya'y sobrang natutuwa raw siya sa author ng libro, so he bought book by his/her. Hindi niya rin kasi sinasabi kung babae ba o lalaki.

"Oo," sabi ko na lang, kahit hindi naman talaga. Crowded ang utak ko sa lahat ng nangyari, isang linggo na ang nakalipas, ang pag-amin ni Celine sa akin sa mga ginawa niya.

Nag-iyakan lang kami nung oras na 'yon and she left after that, hindi na rin kami nagkausap pa, because nag Sembreak na. And I still don't know how to face her. Kahit sabihin na nating siya ang may kasalanan, hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin.

"Wala ka bang planong gawin? I mean, dalawang araw ka nang tambay dito sa Apartment ni'yo." tinignan niya ako sa ilalim ng salamin niyang suot. Ngumuso ako.

"Wala naman akong gustong gawin, isa pa..." nagbuga ako ng hangin. "I'm still busy," at tinignan ko ang mga posters at kung anu-anong gamit na binili ko at may mukha iyon lahat ni Ace.

Tumawa si Inigo at ibinaba ang librong hawak.

"Busy being a fangirl of your own best friend..." pinanliitan niya pa ako mata.

"Ano namang problema roon? Matagal na akong fan ni Ace, and, I'm supporting him." tinaasan ko pa siya ng kilay. Humalakhak siya at tumango-tango.

"Gusto mo ba siyang makita?"

That one was tempting! Napatitig kaagad ako sa kanya, ngumisi si Inigo at pinitik ang noo ko. Inayos ko ang bangs kong nasira dahil sa ginawa niya.

"Ang obvious mo, miss na miss mo na 'no?" he chuckled again.

Ngumuso ako. "Sabihin mo na lang kung saan tayo pupunta, para makapaghanda na ako." inirapan ko siya.

"May fan meeting sila sa Makati, akala ko ba fangirl ka? Bakit 'di ka updated?" ngisi niya.

"E, wala akong pera papunta," sabi ko na lang, totoo naman talagang wala akong pera, naubos sa bayarin at groceries.

"Kasama niya si Hariet, 'yung pinapareha sa kanya ng mga tao. Bagay naman talaga sila, and Hariet is very beautiful and sexy." si Inigo, he sound like a pervert, kaya tinampal ko ang braso niya.

Alam ko rin na kahit kanino siya ipinapareha, sa halos dalawang buwan niya pa lang sa showbiz, ay may mga loveteam nang ginawa ng mga tao para sa kanya at sa kung sinu-sino.

Kahit kanino naman talaga siya bagay. That was a bitter statement from me huh.

"Tara, punta na lang tayo." sabi ko na lang at pumanhik na agad patungo sa kuwarto ko.

Halos magdadalawang buwan na rin simula noong huli naming pagkikita, huli na ata iyong pag-alis niya rito sa Apartment. He has very hectic schedule, na kahit ang pagtitext ay bihira niyang gawin. Nagkakausap naman kami sa cellphone, pero halos limang minuto lang, minsan nga napuputol na lang bigla.

I watch his guesting in any TV shows, at maging ang interviews. He's rising, sikat siya sa mga kaedad namin. Bata sa kanya, o mas matanda sa amin ng kaonti.

May iilan ding artista na umaamin nang paghanga nila kay Ace, sumasayaw din siya sa isang show, every Sunday. At sobrang dami lang ng fans niya na nanunuod.

Naisip ko kaagad ang sinabi ni Celine. She helped Ace, hindi alam ni Ace na tumulong si Celine. Ano naman kaya ang naitulong ni Celine sa kanya?

Gusto kong makakuha ng sagot, pero inabala ko na muna ang sarili ko sa paghahanap ng susuotin. I need to fix myself.

She Got AwayWhere stories live. Discover now