Chapter 5

1.8K 40 3
                                    

Chapter 5
Cake

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope na kulay dilaw, hindi pa ito bukas, kaya sigurado ako na hindi pa ito nababasa ni Ace. And why he's keeping this kind of letter anyway?

May maliit na heart sa pangalan ni Celine Beunconsejo.

Dear Oliver,

Hi, salamat pala sa ginawa mo kanina kung hindi ka dumating baka nasuntok na ako nung siga. Hindi naman ako dati tumitingin sa lalaki, kasi pakiramdam ko isa ako sa kanila. Pero nung makita kita, naramdaman ko kaagad na hindi pala ako tibo.

Ang ganda mo ngumiti. Ang guwapo guwapo mo. Notice me po!

From: C.B

May mga sulat pa na galing ulit kay Celine, binasa ko lahat, and I know...he likes Ace.

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kinaibigan niya ako? Bakit tinulungan niya ako? Bakit pingakakanulo niya ako kay Ace kung may gusto siya rito.

I feel so empty, pakiramdam ko trinaydor ako ng tinuring kong kaibigan. Hindi naman sa nagagalit ako sa kanya dahil may gusto siya kay Ace, pero di'ba dapat nagsabi siya?

Bakit Sofia? Pag nagsabi ba sa'yo si Celine, tutulungan mo siya kay Ace? O may karapatan ka ba para pigilan si Celine na gustuhin si Ace?

Teka, icoconfront ko ba si Celine?
Hindi, that was below the belt. It's between Celine and Ace, wala akong karapatang manghimasok. It's her feelings, it is private.

Itinabi ko ulit ang mga sulat sa dati nitong lalagyan, nag-effort pa ako sa pagdikit ulit nito, para hindi niya alam na binasa ko 'yung mga sumulat.

Bumaba ako pagkatapos, nagluto na lang ako ng lunch, hindi ko rin nakain ng maayos kasi naaalala ko 'yung mga nabasa ko.

May sulat pa na ganito...

Ace,

Magpapaganda na ba ako para pansinin mo? Ilang buwan na kitang gusto, iniignore mo lang ako. Lagi akong nagpapadala ng mga chocolates sa room mo at sa locker mo, bakit hindi mo pa rin ako pinapansin. Nilalagay ko naman pangalan ko sa mga cakes at iba pa, pero bakit 'di mo pa rin ako kilala.

Ace, I want to spend a day with you. Kahit ako na magbayad sa mga kakainin natin, ayos lang.

Love,
Celine.

Umiling-iling ako, bakit ko pa ba kasi binasa ang sulat! Edi sana hindi sumasakit ang ulo ko ng ganito!

Ace,

Kayo ba ng kaibigan mo? Kasi lagi mo siyang hinahatid sa classroom, tapos magkasama pa kayo, sinundan ko rin kayo ng kaibigan mo sa Apartment ni'yo. Iisa bahay ni'yo ah. Kayo na ba?

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon habang sinusulat 'to. Sana mapansin mo na ako Ace, gagawin ko lahat maging malapit lang ako sa'yo.

Celine,

Nagbuga ako ng hangin sa mga naaalalang sulat. At ano naman mga gagawin niya? Ito ba 'yun? Ang kaibiganin ako?

My phone beeped, kinuha ko agad ito at sinagot. Si Celine!

"Hey," she's so energetic. "Sorry na kahapon o, andito ako sa labas ng gate ni'yo. May pagkain akong dala, para sa'yo lang 'to. Pero may pasobra para sa boyfriend mo." she giggled.

I bite my lower lip.

I get it now, kinakaibigan niya ako para mapalapit kay Ace.

Lumalapit siya sa akin, kasi may kailangan siya, at si Ace 'yon.

She Got AwayWhere stories live. Discover now