Special Chapter #4

1.6K 35 0
                                    

Special Chapter #4

She's my first kiss...and I know I'm her first kiss too...

Mabilis na lumipas ang panahon, we're now graduating on Junior High School.

Maraming nagtangkang manligaw kay Sofia, pero wala talaga siyang sinagot, kahit 'yung anak ng Mayor, hindi niya man lang pinansin.

Ako? Nagkaroon naman ako ng girlfriend, hindi nga lang nagtagal. Pakiramdam ko kasi hindi tama, unfair sa kanila, kasi hindi naman sila ang gusto ko.

Yes! I like Sofia Lamadrid, siguro nagsimula 'to no'ng mga bata pa kami. But I don't have the courage to tell her, natatakot ako na ayawan niya rin ako tulad ng mga lalaking binusted niya.

Sabay-sabay kaming nag-bow ng mga kasama ko sa theater arts. Pinagpaplay muna sa amin ng teacher ang isang drama na ipinanalo namin laban sa ilang schools.

Nagpalakpakan sila. I really love acting, kaya no'ng tumuntong kami sa Highschool, ay sumali na ako agad sa theater arts, at akalain ni'yo 'yon, ako lagi ang kinukuhang bida.

"Ang galing mo Ace!" ani Marga habang inaabot sa akin ang isang bote ng tubig, nakabihis na ulit siya ng uniform, hindi pa kasi kami magsusuot ng toga, kasi Grade 10 pa lang kami.

"Salamat, ikaw nga rin." sabi ko pa.

Lumapad ang ngiti niya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.
"Pag senior high kasi natin sa Maynila na ako mag-aaral. Mamimiss lang kita." aniya, tumango lang ako at ngumiti.

Bumalik na ako sa upuan, katabi ko so Sofia. Pinili ko talaga na tumabi sa kanya. Nakipagpaligsahan pa ako kay Ma'am, makuha lang ang seat na ito.

"Psst, Sofi." tawag ko.

"Hmm?" abala siya sa pagtingin sa phone na hawak niya. May medals na sa leeg niya, nag-awarding na kasi kanina, may High Honors siya at mga best.

"Ano tinitignan mo?" tanong ko at inilapit ang mukha ko.

"Pictures mo, at video, ang galing mo kanina." she really sound so happy.

"Gusto mo ba na mag-artista ako?" I asked.

"Oo naman, I will be your number zero fan!" she giggled.

Inakbayan ko siya, at binulungan.
"Mag-aartista ako, para sa'yo."

"It is your dream? Bakit para sa akin? Kung gusto mo talaga maging artista, I'll support you, pero...gagawin mo 'yan para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao." she smiled genuinely, ang make up sa mukha niya ay nagpatingkad lalo sa ganda niya. At...ang dumagdag sa ganda niya, ay ang ugali niyang gan'to.

Tumatak iyon sa isipin ko...

Umuwi kami after the graduation, it was nice to have fun with our classmates kaya nagpaalam kami sa mga magulang namin na pupunta muna kila Jepoi, bago umuwi.

Sofia is not 'galaera' type of girl. Mas gusto niyang sa bahay siya, nagbabasa ng libro o kunga anu-ano. Pero ngayon, napasama namin siya.

Panay ang picture ni Sally sa amin, aniya'y ipopost niya sa facebook at papainggitin niya raw mga friends niya.

"Upo kayo," ani Jepoi, nilahad sa amin ang isang mahabang upuan na bamboo. Naupo kami roon.

Si Sofia ay nakikipagbiruan kila Janette, ang mga naging close niya sa room.

"Tsaran!" at inilabas ni Jepoi ang isang bote ng mamahaling alak. Nanlaki ang mata ko, nagdiwang naman ang mga kaklase namin.

"Bawal 'yan ah," sabi ko.

"It's fine, to try." ani Sofia.

Nagtaka ang lahat sa sinabi niya mas lalo na ako! Sofia Lamdrid, what are you doing to me?

She Got AwayWhere stories live. Discover now