Chapter 22

1.8K 43 1
                                    

Chapter 22
Surprise

Mahigpit ang hawak ko sa string ng bag ko habang naglalakad palabas ng Enchanted Kingdom. Ano bang problema ni Ace? Bakit niya ba ako ginaganito?

Ayokong magconclude pero sapat ng pruweba nang panloloko niya ang video na iyon.

Nagdidiwang ang buong bansa sa nakitang video, kinikilig sila dahil sa nakitang video, habang ako rito sobrang nasasaktan.

"Sofia, saan tayo pupunta?" tanong ni Kyu sa akin, nakasunod lang pala siya sa akin.

Humarap ako sa kanya, I smiled bitterly, alam kong kakaawaan niya lang ako pag umiyak nanaman ako.

"Sa bar, maghahanap ng mahahalikan." I said very mad, ngumiwi si Kyu.

"Hindi pupuwede Sofia,"

"Sumama ka na lang sa akin Kyu! Akala ko ba kaibigan kita?!" sininghalan ko na siya.

Tumingin siya sa paligid, napapatingin na pala ang mga tao sa amin. Nagkamot sa batok si Kyu, napilitan na lang na tumango.

Traffic pauwi, kaya nakabalik kami sa Quezon City ng pasado alas tres.

"Magbihis ka na muna, balik tayo sa Makati pag alas sais na." ani Kyu, hindi ako tumango, diretsyo lang ang lakad ko papasok sa kuwarto.

I never wear sexy dresses kahit iyon madalas ang ipinapadala sa akin ni Mommy. Ngayong gabi mukhang matatry ko ata itong isa.

Kinuha ko ang itim na lacey dress, deep vneck siya at hinuhulma ang kurba ng katawan ko.

Sinuot ko siya at nakita ko kaagad ang paglitaw ng cleavage ko. It's showing too much skin, gusto kong mahiya sa sarili, pero sa inis ko kay Ace, ay iwinaksi ko ang hiya.

I want to party! Without him, find a man at the bar, and kiss him too, whoever he is!

Kung kaya ni Ace, ako kaya ko rin! Akala niya ah!

Alas sinco ako natapos sa pag-aayos ng sarili, suot ko ang high heels na itim and I'm on my make up. Kinulot ko rin ang straight kong buhok, bumaba na ako kaagad sa hagdan ng Apartment, Kyu still looking blankly at the TV.

Hindi naman ito bukas pero nakatitig siya ng seryoso roon.

"Let's go?" tanong ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni Kyu, kita ang gulat sa mga mata niya, alam kong hindi niya inaasahan na ganito ang susuotin ko.

"Nasa Pool Bar din si Ace." seryoso niyang sabi, ngumiwi ako.

"Ano ngayon?"

"Huwag na lang, he'll see you there."

"I don't fucking care!" umirap ako at lumabas na sa Apartment.

"Sofia, listen...may mangyayari na—"

"I want to drink!"

Natigilan siya at tinignan ako ng seryoso, dumilim ang titig niya sa akin at napilitan na lang na tumango.

"Let's go," aniya, napilitan na talaga pero wala akong pakialam.

Sumakay na ako sa sasakyan niya at nagtungo na kami agad sa Makati, tumagal ang byahe namin dahil sa traffic. Manila.

He parked the car at the basement, hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng access sa sikat na Hotel na ito, Sharing-La the name.

Pumasok na kami kaagad, ayaw pa sana kaming papasukin ng bouncer, pero nang bumulong si Kyu sa kanya, ay pinapasok na rin kami kaagad.

Malakas na tugtog ang bumati sa amin, maging ang mga tao ay nagsasayaw na sa gitna ang iba ay umiinom sa ilang sofa at iba ay nasa counter.

"Saan tayo?" tanong ko kay Kyu, it's my first time here!

"Doon," at tinuro niya ang isang sofa, bakante roon pero may mga nakahanda ng alak.

Nagtungo ako agad doon at komportableng naupo, kinuha ko ang isang alak, whats the brand again? Nakalimutan ko na, ininom ko kaagad, may mainit na gumuhit galing sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko.

"Anong inumin ito, at bakit ang pait?" tanong ko, pero agaran ding nahilo.

Tumawa si Kyu at kinuha ang baso sa akin.
"Malakas ang tama nito Sofia, baka 'di mo kayanin."

"Kaya nga ni Ace, ako pa kaya?" I almost shouted.

Tumawa siya at kinuha ang isang baso na may lamang beer, nakita kong nakatitig siya sa isang direksyon, nagtiim bagang si Kyu, sinundan ko ang line of vision niya and I saw Ace Oliver, looking so mad, directly to us.

Naglakad siya palapit sa amin, ang bigat at bilis ng hakbang niya.

Mabilis siyang nakarating sa sofa namin, he eyed me first, before looking at the man in my front.

Kwinelyuhan niya patayo si Kyu, maraming tumili sa biglaang ginawa ni Ace.

"Fuck you, anong ginagawa mo sa girlfriend ko?!" galit na sabi ni Ace sa kay Kyu, naalarma ako agad at lumapit sa kanila. Pinipilit kong alisin ang kamay ni Ace sa kwelyo ni Kyu.

Kitang-kita ang galit sa mata ni Ace, hindi ba niya iniisip na maraming tao ang nakatingin? Wala ba siyang pakialam kung masira ang pangalan niya dahil sa ginagawa niyang pagsugod ngayon?

"Comforting her, sinaktan mo di'ba?" Kyu smirked, inaasar pa lalo si Ace. Knowing Ace, he's a short temper person. At alam kong sa puntong ito, maasar talaga siya.

"Ace, let go please!" sabi ko na lang at pilit inaalis ang kamay ni Ace. "Ace, bitawan mo na si Kyu, please. Huwag kang mag eskandalo!"

Tila gatilyo ang sinabi ko, napigtis na ata ang pagtitimping meron siya.

"Eskandalo? O eto, ang eskandalo!"

Ace looked at me coldly. He punch Kyu, at napatapon ito sa isang mesa sa malapit.

Napitili ako sa malakas na pagbagsak ni Kyu.

Tumawa si Kyu at tumayo na lang bigla, pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi. Humakbang ako palapit kay Ace, and without any thinking, sinampal ko siya.

Napabaling sa isang direksyon si Ace dahil sa malakas kong sampal, humapdi ang palad ko at nanggilid ang luha ko. He clenched his jaw and face me.

"After all this time Ace, sobrang loyal ko sa'yo!" sigaw ko. Pinapantayan ang galit niya.

"I am too!" sabi niya pabalik, but he's gentle but dangerous.

"Oh really? Hinalikan mo siya, and how dare you kiss her like that habang tayo pa!"

"I don't know, what I'm doing! Lasing ako no'n!" the three last words he said sounds full of frustration.

"May lasing bang nakakahalik?! Don't try to fool me Madrigalejos, because I know, drunk people couldn't even open their eyes. Pero ikaw, nakahalik pa. Ang galing mo rin e 'no?!"
I can't stop myself from shouting. Naramdaman ko ang palad ni Kyu sa magkabilaan kong balikat.

"Let's go, Sofi. Maraming nakatutok na cellphone, they're talking a video. Let's go." bulong ni Kyu.

Marami pa akong gustong sabihin kay Ace, pero hinigit na ako palayo ni Kyu. I watch Ace so coldly and he watch me so wounded.

Hindi niya ulit ako pinigilang lumayo. Hinayaan niya lang ako. Thinking about it makes me cry.

"That was awesome!" pumalakpak si Celine habang nakatingin sa amin, naglakad siya palapit.

She's wearing a red tube dress. Pulang-pula rin ang labi niya.

"You're so great, Kyu." Celine said, napatingin ako kay Kyu, hindi ko maintindihan.

Tumawa si Celine at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi.

"Oh darling, you're so adorable." and she pinched my cheeks.
"By the way, surprise! And I missed you so much, uhm. I plan this out." ngumisi siya.

"Lahat, plano ko. I want to wake you up, and...ako ang nagbigay ng kasikatan sa kanya, babawiin ko na rin...ngayon na." she said very serious.

She Got AwayWhere stories live. Discover now