Simula

6.7K 73 7
                                    

Simula

"What's your name?" tanong ng Judge sa Audition na ito.

Pilit kong isinisiksik ang mukha ko sa kaonting butas dito sa labas ng silid. Gusto kong makita ng buo! Pero paano?!

Side view lang ang nakikita ko, kalahati lang ng itsura ni Ace. He's very serious, he's now wearing a white polo shirt and black slack. Para siyang estudyante sa itsura niya dahil sa suot niyang backpack na sa kabilang balikat lang nakasabit.

Ace smile, that was a killer smile. Kahit ako kinikilig dito! I saw the other staff giggled. He had the charisma, because he's so good looking and his appeal is ozzing!

"I'm Ace Madrigalejos." his english is fluent. Magandang pakinggan.

"How old are you Ace?" tanong ng babaeng judge. I saw the satisfaction on her face. Alam kong sa puntong ito nagugustuhan na nila si Ace.

"I'm nineteen years old. Ma'am," he said politely. Lumapad ang ngiti ng Judge.

"Okay, Ace. You may start now." anito.

May lumapit na babae kay Ace, siguro'y magiging kapareha niya sa pag-arte.

"Hindi na kita gusto, John. Pagod na ako, hindi na kita kailangan." the girl act so well. Napatango-tango ako.

"No, we're almost there Sally, matatanggap na tayo. Come on, are we going to give this up? Are you scared?" hinaplos ni Ace ang pisngi ng kapareha.

I bite my lower lip. Ace is so good on acting! I really adore his acting!

"Hindi ako natatakot, ang akin lang..."

"You love him! You love that jerk! Over...me?" now his voice is very angry, but his eyes is begging. Ganito siya kahusay.

Tumulo ang luha ko, I'm so proud of him! Matagal na niyang gustong maging sikat na artista.

He's part of theater arts in our High School. At ngayong nasa sikat na kaming University, gusto na niyang i-pursue ang pag-arte. While he's taking the course he like, Architecture. Ay gusto niya pa ring i-pursue ang pag-arte.

He was a born actor. He's good at stage, kasi pag nagpeperform sila noon ay talagang dinadayo ng ibang estudyante outside the School. Aside sa mukha niya, he's very talented too. He can sing and dance.

"...kaya ba gusto mo akong—"

"Andito siya!" narinig ko ang sabi ng Security Guard sa kasama niya.

Gusto ko pang makipag-away sa kanila para malaman ang desisyon ng Judges, which is the Producer and the Directors of the TV series. Pero, pag nakipagtalo ako baka ipakulong ako. Kaya itinaas ko na lang ang mga kamay at sumama sa kanila sa labas.

"O, eto na nga po di'ba? Sasama na!" inirapan ko sila. Mga wala naman silang pakialam habang hinihila ako palabas ng Building.

Paglabas ko ay kita ko ang dami ng mga taong nakapila. May mga numero sa dibdib nila, ang iba ata'y mag-au-audition para sa Starhunt at kung ano-ano pa.

Naghintay na lang ako sa labas, naupo ako sa ginawang bench paikot sa isang punong mangga. Inilabas ko na lang ang Camera ko at pinicture-ran ang mga tao sa labas, nakailang click na ako nang makita ko ang mukha ni Ace sa screen. His smile is so genuine, sabay no'n ang pag-click ng camera ko.

"Sofia!" he said, iniabot niya sa akin ang isang samalamig na nakalagay pa sa plastic cup. Ngumiti ako at ibinaba ang cellphone ko.

"Hey Ace!" I act cool. "Kumusta ang Audition?" tanong ko.

Nagkibit siya ng balikat.
"Tatawagan na lang daw ako e," naupo siya sa tabi ko. "Kasama ko sa pag-audition ang anak ng sikat na Director, kaya talagang hindi ako makakapasok." aniya at ininom ang samalamig.

"Mas pogi ka naman siguro doon?" sabi ko para gumaan ang pakiramdam niya.

"Oo naman. Mas pogi ako roon. Isa pa," ibinaba niya ang iniinom at humarap sa akin, hinipan niya ang bangs ko na madalas niyang gawin.
"...mas mabango ako," humalakhak siya at inakbayan na lang ako. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Yabang talaga, pero sabagay, ikaw ang pinakamabango!"

We laughed, nagbiruan pa kami habang ginagaya ang boses ng Director kanina.

"Thank you Sofia, at naandito ka ngayon. Sapat na 'yon."

Ngumiti ako sa sinabi niya, tumango ako at ininom na lang ang salamamig na binili niya.

"Anong gusto mong tanghalian?" tanong niya. Umiling ako.

"Ako na nito Ace, may malapit na Jollibee diyan, doon na lang tayo kakain. Ako na bahala." sabi ko, tumawa siya at tinanguan ako.

"Sige, sa susunod ako naman. Pag nagkapera ako sa susunod na Gig namin, promise, ililibre kita sa isang mamahaling Restaurant."

Our life is very simple.

Nakatira kami sa iisang Barangay sa Quezon Province, dahil magkalapit lang ang bahay namin, ay naging sobrang close kami. He's my childhood bestfriend, sabay kaming grumaduate sa Kinder Garten, sa Elementary, Junior School at sa Senior High School. Sabay kaming nag-take ng Entrance exam sa UP. Parehong nakapasa at iisang Apartment ang tinutuluyan, magkaiba lang ang kuwarto.

My Mom and Dad are both busy working abroad. Ang ate ko naman ay isa ng Engineer sa isang Kompanya.

Ang mga magulang naman ni Ace ay nagtatrabaho pareho sa Quezon. Nurse ang Mom ni Ace at General Manager ang Dad niya sa isang Restaurant.

We aren't rich, we experience difficulties, sa pera at sa kung saan. We're simple, but we live our lives into fullest.

"Bibili ako nito pag ako yumaman." aniya habang nakatingin sa mga nakadisplay na sasakyan sa isang Mall.

"Bibili rin ako ng isa, para tig-isa tayo." sabi ko naman.

Ngumisi siya. "Ako na lang bibili ng sasakyan mo, kasi kuripot ka, baka pati sarili mo tipirin mo—Ouch!" he laughed, kahit na kinurot ko ang tagiliran niya. Hinimas-himas niya pa ito.

"Ang sakit mong mangurot Sofia, hindi sa'yo bagay ang pangalan mo. Hindi ka naman soft e!" medyo lumayo na siya kasi alam niyang kukurutin ko siya.

"Ewan sa'yo Ace!" at tumakbo ako palapit sa kanya. Inirapan ko siya, pero hinigit niya lang ako.

"Bili na lang tayong Siomai sa tapat ng Apartment, di'ba gusto mo 'yon? O 'di kaya fishballs? qwek qwek?"

Natakam agad ako, alam na alam niya talaga ang kahinaan ko!

"Short ka sa pera 'diba? Naubos mo allowance mo sa pagbili ng susuotin mo sa Audition? Tapos, pinahubad naman sa inyo kasi magsusuot kayo ng uniform." halos matawa ako sa sariling sinabi.

Bumusangot siya.
"May sengkwenta pa ako rito Sofia." aniya at inilabas ang 50 pesos niya.

Tumawa na ako.
"Pamasahe natin? Maglalakad tayo ganoon?"

Ngumisi siya. "Sasabit ako, upo ka. Bayaran mo sarili mo." tawa niya.

"Hayop ka talaga Ace!" tumakbo nanaman siya, hinabol ko agad at kinurot nanaman siya sa tagiliran.

Sobrang simple ng buhay namin. Kung may problema man kami ay tungkol lang iyon sa studies at auditions niya. Wala ng iba. Simpleng buhay na sanay hindi na masira pa.

She Got AwayWhere stories live. Discover now