Chapter 23

1.9K 37 0
                                    

Chapter 23
Face

"Anong nangyayari rito?" tanong ko, nagngingitngit na. Nagawa ko pang hilain ang braso ni Kyu para maharap ako.
"Kyu?" tinignan ko si Kyu.

Hindi siya sumagot, he just look at me with sadness in his eyes.

Lumapit si Celine sa kanya and gave him a swift kiss. Gusto kong magulat pero hindi ko na iyon maramdaman. The pain is too much to handle.

After Celine kissed him, lumapit na si Celine sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Let's go, I will tell you something." she smile bitterly. Hindi ako tumango o ano pa man, sobrang bigat ng dibdib ko. I can't decide for myself kaya hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan niya man ako gustong dal'hin.

Habang nakasakay ako sa SUV niya, patak nang patak ang mga luha ko. Ang hirap pigilan, hindi ko rin pinipigilan.

Why I'm with them nga pala? They look allies over something. Pinagkaisahan nila ako, bakit ako sumasama ngayon? Siguro, I'm too tired to fight them, sumuko na ako, kaya kahit sino ang naandito, kahit hindi mapapagkatiwalaan, sasama ako. Kasi wala e, walang natira sa akin.

I lose Ace, and I lost myself...

Nakarating kami sa bahay nila Celine, naupo ako sa magarbo nilang sofa. May lumapit na katulong at naglagay ng tubig sa mesa, kinuha ko ang isang basong tubig at ininom. Lumamig bigla ang pakiramdam ng lalamunan ko, kanina pa siguro ako nauuhaw dahil sa pag-iyak.

"Hindi tama 'to Celine!" si Kyu ang nagsalita.

"Mahal ni Ace si Sofia, alam na alam mo 'yan. You can prove that, hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang plano mo. You're hurting her." dagdag niya pa.

"Excuse me, ginawa ko lang 'yun para kay Sofia. Walang tamang gagawin si Ace, he'll choose his career over Sofia. Alam mo naman 'yun Kyu di'ba?!" tumaas na rin ang boses ni Celine.

I'm tired, but I want answer.

Tiningnan ko sila...

"Celine, can you explain everything? Hindi ko alam ang mga nangyayari. Is this your plan, gusto mo bang maghiwalay kami ni Ace? Mahal mo pa rin ba siya?"

She laughed bitterly, my voice is very tired, I couldn't shout, kahit nanggigil ako.

Umiling siya at lumapit sa akin. Naupo siya sa kaharap kong sofa, hinawakan niya ang magkabilaan kong kamay, tinignan ko siya sa mata, I saw sincerity and concern.

"Siguro minahal ko siya, pero you're more than important. Sofia, you're the first friend I have. Tingin mo ba kaya kitang saktan? Oh, maybe nasaktan kita, no'ng plinano kong gamitin ka para mapalapit kay Ace. Alam mo naman na hindi ko tinuloy, and now, gusto ko lang tumulong. Pinalapit ko si Kyu sa'yo, para galitin si Ace. Ginamit ko rin si Hariet, para pagselosin ka. And that bitch fall with him. Ang pathetic. My plan been ruin because of her stupid feelings. Ang plano ko talaga ay gisingin ka na pipiliin ni Ace ang career niya over you. I always watch you both from a far. Sorry, pero masyado lang akong nakialam. Lagi kang umiiyak dahil sa kanya."

"Plano mo lahat? Pati ang pagpasok ni Hariet at Kyu sa mga buhay namin?" hindi ako makapaniwala. Kunot ang noo ko habang tinatanong iyon.

She bite her lip, hinawi niya ang takas na buhok at inilagay sa likod ng tainga niya.

"I have no choice but to use them—"

"They're not your toys Celine! Mga tao sila!"

"I know! I care for you too much—"

"No, you don't care at all. Pupuwede mo namang sabihin sa akin na 'uy Sofia, si Ace hindi ka niyan mahal, mas mahal niyan career niya over you' 'uy Sofia, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo?'" tumulo ang mga luha ko. "Sinaktan mo ako Celine, how can you call yourself a friend?!"

She Got AwayWhere stories live. Discover now