Chapter 2: Foreign Transferees

63 2 0
                                        

Maaga akong nagising at nag'ayos nang aking mga gamit papuntang school. Di ako pwedeng malate ngayun since ang masungit na teacher na si Mam De Miguel ang teacher namin. Lagot na naman ako neto pag nagpalate ako..ayokong tumayo sa labas nang school. Dali -dali akong tumakbo palabas nang pinto at gate at pumara nang tricycle.

Pag umaga sumasakay nalang ako para makaiwas sa pagkalate. Aanhin mo ang anim na piso kung ang kapalit eh dalawang oras na pagtayo at pagkamiss sa quiz diba?

Bumaba na ko sa tapat nang gate nang school at tumakbo papasok nang gate nang may biglang bumangga sakin dahilan upang tumilapon ang mga dala kung libro.

Aish! Ang malas ko naman oh! Ang aga-aga pa eh nasira na naman ang araw ko!

Dali-dali kung pinulot ang mga libro ko at napatigil nang hindi mapansin kung hindi malang ako tinulungan nang gagong nakabangga sakin. Inayos ko ang libro at tumayo sabay harap sa kanya. Hindi ko masyado makita ang mukha nya sapagkat nakamask ito at nakasumbrero. Parang di rin yata taga rito kasi hindi nakauniform.

"Hindi ka ba marunong mag-ingat!" sigaw ko sa kanya dahilan upang mapatigil ang ibang estudyante at pagtingjnan kami. Hindi naman sya sumagot at patuloy lang sa pagtitig sakin nang kanyang mga matang sinlaki nang kuwago. Nainis naman ako dun.

"Hindi ka manlang ba marunong mag'sorry ha?" sigaw ko sa kanya.

Akmang tatalakan ko sana ulit sya nang biglang dumating ang isang lalaking nakamask din, medyo singkit naman ang isang to at may pagkamoreno pero mas maputi pa sya sakin. Ang mokong naman na to eh sing puti nang bestfriend kong nakilala lang kagabi at kasing taas din nya.

"ahshsjsksksksksmsmsksbsgxydbsjsj." sabi nya na hindi ko maintindihan sapagkat pawang mga dayuhan din yata sila. Sumagot din naman sya sa ganung lengwahe at tumango naman ang isa.

"Uhmm...we're sorry about that. My friend didn't understand what you had said so he didn't answer back. Let me help you carry that." sabi nung moreno sabay abot nang libro sa kamay ko ngunit inagaw naman nung isa.

"I'll be the one to carry it since I'm the one who cause trouble earlier." mahina nyang sabi sabay lakad palayo.

Ano yun? Hinoldap ba ko? Eh hindi nga nya alam kung saan ang room ko eh! Kumamot naman nang ulo ang kasama nya. Parang nalito ata, at yun nga, bumalik ang loko.

"Hey, I'm sorry again. By the way, where is your room?" tanong nya. Natawa naman yung kasama nya at tiningnan lang nya ito nang masama.

"This way." sabi ko naman sabay turo nang daan. Para naman silang alalay na nakasunod lang sa likod ko habang bitbit ang mga gamit ko. Pinagtitinginan naman kami nang mga estudyante. Akala siguro nila slave ko ang mga mokong na to.haha..

"Where here! Thank you for carrying my books." nahiya kung sabi sabay kuha nang libro sa kamay nya.

"Welcome, and sorry for earlier." sabi nya sabay tanggal nang mask nya at ngumiti.

Natulala naman ako dun. Ang gwapo pala nya at ang cute nya pag ngumiti.

Yung isa naman eh tinanggal din ang mask saka ngumiti at nagwink. Haiz..may pagkamanyak yata 'tong isa pero di maipagkakaila gwapo sya! ayieh!

"Thank you again!" sabi ko sabay vow at tumakbo papasok nang room.Naiwan naman silang kumakaway sa corridor habang nakangiti sakin.

Inayos ko ang mga gamit ko sa upuan at umupo. Swerte ko ngayun wala pa si mam. Di ako late! Yey!

Maya-maya pa ay pumasok na si mam na may ngiti. Oh? Anyare sa mala'santita nyang mukha? Parang maganda ata mood nya ah? First time in history to! Masulat nga mamaya sa diary.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon